CHAPTER 4: PAIN OF LOVING SOMEONE

510 28 0
                                    

Nakapila sina Clark, Christian, Hunter, Kaizer at Mang Enteng na parang mga sundalo sa loob ng student council office.

"Cadets, take my command!" matigas na sambit ni James na palakad-lakad sa harap ng limang binata. "Mayroon lang tayong isang buwan para makasama si Gerda. Kung hindi natin maibabalik ang mga alaala niya, gagawa tayo ng mga bagong alaala kasama siya! Am I clear?!"

"Sir! Yes, sir!" sigaw ni Mang Enteng na damang-dama ang pagiging sundalo.

Tumango naman sina Christian at Hunter ng sabay. Samantalang nagsabi naman si Clark ng "okay" at idinaan ni Kaizer sa thumbs-up ang tugon.

"I said, am I clear?!" sigaw ni James na ikinagulat ng lima. Ngunit mas nagulat sila nang makita na maayos ang buhok ni James ngayon at mukhang inubos pa ang bote ng pabango dahil sa tindi ng kanyang halimuyak.

"Sir! Yes, sir!" sabay-sabay na sambit ng limang binata na sinasakyan na lamang ang kalokohan ng kaibigan.

"Louder!"

"Sir! Yes, sir!"

"Mga baliw," sambit ng isang boses ng babae nang magbukas ang pinto.

Napatingin sila sa babaeng nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakasuot din ito ng uniporme ng McClendon Academy.

"Freya!" nakangiting bati ni Christian sa babaeng dumating. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Isinara ni Freya ang pintuan matapos niyang makapasok. "Andito ako para tulungan ang twin brotha ko na makuha muli si Gerda niya."

"Sabi ko naman kasi, pukpukin nalang natin tulad ng nangyari kay Hunter nang magka-amnesia siya," sambit ni Kaizer na nakatanggap ng matalas na titig mula kay James.

"Subukan mong saktan si Gerda, papatayin kita!" banta ni James kay Kaizer.

Ngumisi si Kaizer na napatotohanan ang teorya niya kahapon. "Ako at si Christian lang talaga ang kaya mo eh 'no? Siyempre, hindi kami marunong lumaban. Minsan pagbantaan mo din si Clark o Hunter."

"Ako?" pagtataka ni Christian nang marinig ang kanyang pangalan. "Hindi naman ako pinagbabantaan ni James. Isa pa, hindi naman niya kaya manakit kaya nga isinuko niya ang Sumerbrandr, 'di ba?"

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Christian. Alam nilang lahat na hindi iyon ang tunay na kwento. Alam din nila na masakit para kay James ang kwentong iyon. Ang kwento nang pagsasakripisyo sa sarili niyang kaligtasan upang makuha si Gerda.

Napansin nila mula sa bintana ng opisina na dumilim muli ang kalangitan at nagbabadya muling tumulo ang ulan.

"Tsk!" pagbasag ni Clark sa katahimikan. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang umiiyak. "Tutulungan ka namin na mabawi si Gerda, basta tigilan mo na ang mga kalokohang 'to. Kung 'di ka pa tumigil sa pag-iyak sa mga susunod pang araw, babahain ang buong Sandstone City." Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata kay James na pinipigil ang pagtulo ng kanyang luha kaya mas naunang tumulo ang kanyang uhog. "Tara! Hanapin natin si Gerda."

Unti-unting tumigil ang ulan at bumalik ang araw na hindi mainit ang sinag. Napakalungkot ng panahon.

Paglabas nila sa opisina ay agad nilang nakita si Ellery na naglalakad sa volleyball court habang may hawak na papel na malamang ay ang listahan ng kanyang class schedule.

"Ready ka na?" tanong ni Hunter kay James na namumutla.

Napailing ng mabagal si James bilang tugon. Nanginginig siya at kinakabahan.

"Art Appreciation ang subject niya ngayon," sambit ni Clark. "Pero wala si Braggi kaya wala silang klase."

"Mukhang nawawala din siya katulad ng nangyari sa'kin n'un," natatawang sambit ni Hunter nang maalala ang kanyang unang araw sa paaralan ng McClendon Academy.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now