CHAPTER 18: THE HOLSTEIN RESORT MYSTERY (part I)

666 45 1
                                    

"Finally, you put my love on tooooooppppp!" pasigaw na kanta ni Christian na nasa passenger's seat habang sinasabayan ang awitin sa radyo ng sasakyan.

Palihim na kumukunot ang noo ni Clark habang nagdadrive dahil sa ingay ng katabi niya.

"Fan ka pala ni Beyonce?" natatawang tanong ni Hunter kay Christian.

Tumango naman si Christian habang nakangiti. Tumingin siya sa likuran niya kung saan nakaupo si Hunter. "Oo, pati si Lady Gaga, Avril Lavigne, Miley Cyrus at Taylor Swift!" proud niyang sagot na hindi man lang nahiya.

"Bakit puro babae?! May sikreto ka bang itinatago sa amin?" nakangising tanong ni Hunter kay Christian.

"Anong sikreto?" balik-tanong ni Christian na naguguluhan sa mga sinasabi ni Hunter.

"Gusto mo ba ng Barbie dolls?"

"Hindi! Hindi ako fan ni Barbie, fan ako ni Captain America," tugon ni Christian na nakangiti pa. "Ang gwapo kaya niya, lalo na yung actor, si Chris Evans!"

Napatawa na lamang si Hunter at Kaizer sa sagot ni Christian.

Tumugtog ang sumunod na awit sa radyo. Man on a Wire mula sa bandang The Script.

Susubukan sanang ilipat ni Christian ngunit inawat siya ni Clark sa pamamagitan ng pagpitik sa kamay niya.

"Hindi ko gusto yung kanta," reklamo ni Christian.

"Gusto ko yung kanta," depensa ni Clark na hindi inaalis ang paningin sa kalsada.

"Ayaw!"

"Sige, ilipat mo."

"Pwede na?" nakangiting tanong ni Christian.

"Babaliin ko 'yang mga daliri mo."

Agad binawi ni Christian ang kamay papalayo sa radyo. Kinabahan siya sa banta ni Clark. Mahirap at nakakatakot pa naman magbanta ang mga seryosong tao.

"Hala! Ang brutal ni Dally!" sabat ni Kaizer na kumakain ng Nova.

"Hindi niya naman 'yun itutuloy," sambit ni Raven na nakatingin lamang sa labas ng bintana.

Tiningnan ni Rosilie si Kaizer na nakaupo lamang sa likuran niya. "Hey! Bakit mo kinain? Binaon ko 'yan para sa sleepover!" sigaw niya.

"Eh, gutom ako eh!"

"Mga anak kayo ng hotdog! Wag nga kayo maingay please!" saway sa kanila ni James na naalimpungatan dahil sa ingay.

Natigil lamang ang kanilang pagsisigawan, pagtatalo at pagkakantahan nang makarating sila sa Holstein Resort.

"Nakapagpareserve ka na ba dito?" tanong ni Hunter kay Clark. "Mukhang pumunta lang tayo dito with no plans."

"Of course, I always come up with plans," puno ng kumpiyansang sagot ni Clark.

Siyang tunay, marami siyang planong naiisip, kasama na ang mga planong nais niyang gawin upang pahirapan si Kaizer. Hindi niya ito maaaring patayin, kaya naisipan niyang gawin na lamang miserable ang buhay nito.

Isang malamig na kamay na puno ng kulubot ang tumapik sa balikat ni Rosilie. Napatingin siya sa kanyang likuran at napatili.

Nagkagulo ang lahat dahil sa pagtili ni Rosilie.

Nawala ang antok ni James at inihada ang sarili. Habang si Kaizer ay nagtatago sa kanyang likuran.

Agad inihanda ni Hunter ang bagong Mjöllnir na bigla na lamang lumabas mula sa kanyang mga kamay.

Maging si Christian ay may itinutok na walis tingting na nagmula sa kawalan at bigla na lamang din lumabas mula sa mga kamay niya.

Naging alerto din si Clark at itinago si Raven sa kanyang likuran.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now