CHAPTER 19: DESPERATION

394 25 0
                                    

"Business na mabilis ang kita?" nagtatakang tanong ni James sa kina Clark, Christian at Hunter na magkakatabi sa isang mahabang sofa. Habang siya at si Kaizer at nakaupo sa mga solong sofa.

"For what?" nagtatakang tanong din ni Kaizer na abala sa pagkain ng mga junk food na galing sa backpack ni James.

"Nahanap na si Mjöllnir. Nasa isang bidding site. Kailangan natin makaipon ng almost fifty million sa loob ng isang linggo para mabawi 'yun!" mabilis na tugon ni Hunter na halos hindi na huminga nang sabihin ang mga iyon.

"Hindi ka makakaipon ng fifty million within a week," paliwanag ni Kaizer na natatawa. "Maliban na lang kung sa iligal na paraan. Possible pa."

"Ilegal?" pagkukumpirma ni Christian na hindi gusto ang tunog ng ibig sabihin ni Kaizer.

Napabuntong-hininga si James bago tingnan si Hunter. "He's right. Kung gagawa kayo ng legal work, you have to wait for more than five years para makaipon ng fifty million."

"Depende kung ano'ng trabaho naman!" reklamo ni Hunter. "Kung holdap o kidnap for ransom, ayoko!"

Nagtinginan sina James at Kaizer na kapwa nag-iisip ng paraan. Isang ngisi ang gumuhit sa pisngi ni Kaizer.

Tiningnan ni Kaizer si Hunter na mukhang desperado nang kumita. "Do you know how to dance?"

Napataas lamang ang isang kilay ni Hunter sa tanong ni Kaizer.

"Konting giling, seducing, dancing almost nude...but you can also dance in the nude," sambit ni Kaizer na may mala-demonyong ngiti.

"Are you telling him to work as a macho dancer to earn money?" mabilis na sabat ni Clark habang nakaturo kay Hunter na nanlalaki ang mga mata.

"Sino nagsabing siya lang?" tugon ni Kaizer na hindi nawawala ang ngisi. "Tatlo kayong interesado sa Mjöllnir, 'di ba? Magmacho dancing kayong tatlo para mas malaki ang kita."

Marahas na umiling sina Clark, Christian at Hunter.

"W-Wala bang ibang pa-paraan?!" reklamo ni Clark na hindi maisip ang kanyang itsura na nagsasayaw. Hindi nga siya marunong sumayaw.

"Legal or illegal?" balik tanong ni James na hindi mapigilan ang sariling matawa sa itsura ng tatlo.

"Legal!" mabilis na sagot ni Christian.

-*-*-

"Hindi kayo papasok?" nagtatakang tanong ni Raven sa kanyang kausap sa phone. "As in kayong lima?"

"Oo, isang buong linggo. Maiintindihan naman nila 'yan," tugon ni Hunter na siyang kausap niya. Siya ang tumawag ngunit numero ni Kaizer ang ginamit niyang pantawag.

"Ano'ng reason? Sabihin niyo naman?"

"Sikretong lalaki lang, Rave."

"Ayaw mong sabihin?" malungkot na tanong ni Raven.

"Sikretong lalaki nga, lalaki ka ba?"

Hindi na sumagot si Raven dahil alam niyang walang kahahantungan ang usapan nila ni Hunter.

"Sige na, bye," paalam ni Hunter bago ibaba ang tawag.

"Ano daw?" tanong ni Ellery na kasama ni Raven. Kapwa sila nakacivilian habang nasa mall, at katulad ng plano ng limang lalaki, wala rin silang balak pumasok sa kanya-kanya nilang paaralan.

"Hindi rin pala sila papasok, nagpa-alam lang. Kasama pala nila si James. Sikreto nga lang daw," naiiling na sambit ni Raven.

"Ang cute nito," nakangiting sambit ni Ellery habang nakaturo sa isang ballpen. Kinuha niya iyon at tiningnan. "Invisible pen daw. Ano'ng silbi ng ballpen kung invisible ang ink?"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now