CHAPTER 8: MEMORIES SHOULD REMAIN

1.2K 72 58
                                    

Napatingin si Clark sa kanyang wristwatch habang nakaupo sa isang duyan sa Sandstone Park.

Tahimik ang paligid at walang katao-tao. Kinatakutan ang lugar dahil sinasabing haunted daw ito. Kaya tuluyan nang napabayaan.

"He's late," bulong niya.

"Antagal!" reklamo ni Kaizer kumakain ng nilagang mani na ibinebenta sa labas ng park ng tig-sasampung piso. Bumili siya ng tatlong balot. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang sanga ng isang matandang puno ng acacia na nasa tabi ng duyan na kinalalagyan ni Clark.

"Hindi siya darating kung magpapatuloy ka sa pagrereklamo," saway sa kanya ni Clark.

Mabuti na lamang at mahaba ang pasensya niya sa paghihintay. Iyon din ang dahilan kung bakit sa kanya iniatas ang responsibilidad sa pagbabantay sa pintuan ng Asgard.

Oo, mahaba ang pasenya niya sa paghihintay ngunit pagdating sa pakikipag-usap at makikipagkasundo ay madaling maubos ang pasensya niya.

Isang itim na ibon ang lumapit lay Clark. Inilahad niya ang kanyang kaliwang braso upang may madapuan ang ibon. Tinitigan niya ang pulang mga mata ng ibon at nakuha ang nais nitong iparating.

"Bakit hindi ko naisip na ikaw ang nagpadala ng sulat?"

Napaangat ang ulo ni Clark nang marinig ang boses ni Hunter.

"Ako ang nagpadala pero hindi ako ang gumawa."

Lumipad ang ibon sa tabi ni Kaizer.

"Pero ikaw pa rin ang dumukot kay Rosilie! Ikaw si Superman!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Clark nang marinig ang salitang 'Superman'. Tiningnan niya ang itim na ibon sa itaas ng puno ngunit umiwas ito ng tingin. 'Raven' bulong niya.

"Nasa'n si Rosilie!" sigaw ni Hunter habang tinututukan siya ng espadang kahoy.

Tumayo siya mula sa duyan at hinarap si Hunter gamit ang kanyang mukhang walang ekspresyon. "Gusto ka lamang namin kausapin. Wag ka na magmatigas."

Hinigpitan ni Hunter ang paghawak sa espadang kahoy. "Sabihin mo na ang mga gusto mong sabihin!"

"Una, may anger issues ako. Pangalawa, maiksi ang pasensya ko pagdating sa pakikipagdeal. Kung hindi ka makakapagcomply sa kahit ano'ng kailangan ko, mauuwi ito sa basag-ulo," mahinahong paliwanag ni Clark na wala paring emosyon ang mukha.

"Kelan pa siya natuto ng mga salitang slang?" tanong ni Kaizer na patuloy na nagbabalat ng mga nilagang mani.

"Ewan," sagot ni Raven na nakikain na sa biniling mani ni Kaizer.

Muntikan nang mahulog si Kaizer dahil sa gulat. "Saan ka galing?" gulat na sambit ni Kaizer na nakakapit ng maayos kaya hindi tuluyang nahulog.

Nagkibit-balikat na lamang si Raven habang nagbabalat ng isang mani.

Mabilis na sumugod si Hunter kay Clark ngunit walang kahirap-hirap na nagside-step si Clark at nagbitaw ng isang suntok sa sikmura ni Hunter.

Napa-atras si Hunter habang nakahawak sa kanyang sikmura. Malakas ang suntok.

Isang mani ang tumama sa ulo ni Clark. Tiningnan niya ng masama si Kaizer na nakangisi. Nawala sa isip niya si Hunter pansamantala kaya hindi niya napansin ang isang suntok na paparating sa kanang pisngi niya. Nahagip siya ng suntok kaya napa-atras siya ng bahagya ngunit siniguro niyang hindi mawawala ang kanyang balanse.

Samantala, napangiwi si Kaizer nang suntukin siya ni Raven sa braso. "Para saan 'yun?!" Mabuti na lamang, malakas ang kapit niya.

Isang mataray na irap lamang ang natanggap niya mula kay Raven.

Nakaiwas si Clark mula sa hampas na nagmula sa kahoy na espada ni Hunter.

"Heimdall! Ang Gungnir!" sigaw ni Raven na halos tumayo na sa inuupuang sanga. "Gamitin mo ang Gungnir!"

"Asarin mo siya!" sigaw naman ni Kaizer.

"Asarin?" pagtatakang sigaw ni Clark na medyo nahihirapan dahil sa bilis at liksi ni Hunter. Umatake siya ng isang left hook ngunit nakaiwas ang kalaban.

"Pikon si Thor! Mas pikon pa sa'yo! Gamitin mo ang kahinaan niyang iyon!"

Ngumisi si Clark. Naiintindihan niya na ang nais sabihin ni Kaizer. Ngunit may paparating na straight punch sa kanyang mukha. Nasalag niya iyon at nagpakawala siya ng uppercut na dumiretso sa panga ni Hunter.

"Hoy!" sigaw ni Clark na hinihingal na sa kakaiwas sa mga atake ni Hunter. "Para kang babaeng makipaglaban! Masyadong malambot ang mga kilos mo!"

Mukhang epektibo ang mga sinabi ni Clark dahil nagsalubong ang mga kilay ni Hunter at matalim ang pagtitig kay Clark na nakangisi. Hindi nito ininda ang mga suntok na natamo dahil mas masakit ang mga sinabi ni Clark.

"Pangarap mo maging superhero? I don't think that you can be a good savior. Hindi sa'yo bagay."

Bigla na lamang naging maulap ang kalangitan at kumidlat na sinundan ng maingay na kulog.

"Effective," nakangising sambit ni Kaizer na nakatingin sa madilim na kalangitan.

"Ano'ng mangyayari kung nagalit si Thor?" tanong ni Raven na hindi inaalis ang tingin sa nagaganap na labanan.

"Eh di bugbog-sarado si Heimdall."

Nagtangka si Raven na suntukin muli si Kaizer ngunit bago pa man siya makakilos ay kapwa sila nagulat sa sunod-sunod na pagtira ng kidlat sa lugar na kinalalagyan nila. Ilang mga puno ang nabuwal at bumagsak. Muntikan na silang mahulog mula nang tamaan ng kidlat ang sanga na kanilang inuupuan. Nahulog ang mga maning kinakain nila ngunit nakayakap ng mabuti si Kaizer sa puno. Samantalang dahil sa gulat ay nagawa ni Raven na tumalon at makapagpalit-anyo bilang ibon bago tuluyang mahulog.

Sa kabilang banda, nagpatuloy ang paglalaban nila Hunter at Clark.

Mas lumakas ang mga atake ni Hunter na nawawala na sa sarili. Ang tanging bagay na nasa isipan niya ay matalo ang taong nang-insulto sa kanya. Sunod-sunod na suntok, sipa at wasiwas ng espadang kahoy ang kanyang ginawa ngunit madali lamang itong naiiwasan ni Clark.

Naiinis na rin naman si Clark. Alam niyang walang mangyayari kung magpapatuloy lamang siya sa pag-iwas. Kaya naman, nang iwinasiwas ni Hunter ang espada sa direksyon niya, agad siyang nag-side-step at nagpakawala siya ng isang malakas na sipa sa tagiliran nito na walang depensa.

Napalipad si Hunter dahil sa lakas ng atake. Ngunit muli siyang bumangon na parang walang nangyari. Sumasabay din ang kulog at kidlat sa pagka-inis niya. Itinuloy niya laban at patakbong umatake gamit ang espadang kahoy.

Isang kidlat ang muling tumama sa puno na niyayakap ni Kaizer na kasalukuyan nang umiiyak sa takot na mahulog sa puno. Sa pagtamang iyon ay tuluyan nang nabuwal ang matandang puno.

"Heimdall! Tulong!" umiiyak na sigaw ni Kaizer habang nakayakap sa sanga ng pabagsak na puno.

Naagaw ni Kaizer ang atensyon ni Clark sa papunta sa direksyon niya upang tulungan siya ngunit mabilis na lumapat ang isang malakas na pagpalo sa ulo niya ng espadang kahoy. Dahan-dahang dumaloy ang mapulang dugo na nagmula sa ulo niyang napalo papunta sa kanyang mukha.

"Heimdall!" nag-aalalang sigaw ni Raven na patakbo sa direksyon ni Clark na nanlalabo na ang paningin. Ngunit isang puno ang biglang natumba papunta sa kanya. Sobrang bilis ng mga pangyayari kaya hindi niya na nagawang makagalaw. Napapikit na lamang siya at hinintay ang pagbagsak ng puno.

Isang lumilipad na bagay ang mabilis tumungo sa direksyon ni Raven at tinangay siya papalayo sa punong pabagsak sa kanya.

"Tapos na ang mission, retreat!" sigaw ni James na siyang kumuha kay Raven.

Iminulat ni Raven ang kanyang mga mata at napansin na hawak siya ni James na nakasakay sa sasakyan nitong lumilipad na baboy. Ang Gullinbursti. Inalalayan siya ni James upang makasampa sa likuran ng Gullinbursti.

"Si-si Heimdall!" naiiyak na sambit ni Raven habang iginagala ang mga mata sa paligid.

"Ayun!" itinuro ni James ang direksyon ni Clark na nakabulagta at si Hunter. Napansin nila na pabagsak din ang puno na nasa likuran ni Hunter kaya nagmadali sila upang iligtas si Hunter na pagod ding nakaupo sa lupa at hinihingal.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now