CHAPTER 20: DILEMMAS

351 26 0
                                    

Napabalikwas si Clark nang magbukas ang ilaw. Napagtanto niya na dahil sa pagod ay nakatulog silang lima sa sala ng mansyon.

"What do we have here?" tanong ng ginang na siyang nagbukas ng ilaw.

Kinusot ni Clark ang kanyang mga mata upang mawala ang nararamdamang antok. Magmula nang maihiwalay si Rig mula sa kanyqng katawan ay nagsimula na siyang makaramdam ng antok. Nawqla na rin ang kanyang takot nq makapagpahinga dahil wala nang problema na maaring maihasik ang diyos na walang ibang alam gawin kundi sirain ang kanyang reputasyon. "How's your trip to Paris?" tanong niya.

"Don't worry, may pasalubong kayong lahat," tugon ni Frigga na itinaas pa ang mga dalang paperbag. "So, what happened?"

"Nahanap na ang Mjöllnir na nasa isang bidding site. Nag-iipon kami ng pera para mabili 'yun," paliwanag ni Clark na umayos ng upo.

Napangiti si Frigga at nakaramdam ng tuwa dahil sa balitang iyon. Mahalagang armas ang Mjöllnir kaya hindi nila maaaring balewalain iyon. Sacaraw ng Ragnarok, angbarmas na iyon ang magiging pangunahing sandata nilang mga diyos sa digmaan.

"Magkano ang kailangan?"

-*-*-

"Seriously, magkano ba ang kailangan niyo at nagbebenta sa cheap na lemonade stand kayong mga self-proclaimed gods?" tanong ni Crimson na nanggugulo muli sa kanila sa ikalawang araw ng kanilang pagtitinda. Hindi na siya nakasuot ng uniform ngayon. Simpleng white hoodie, jeans at rubber shoes lamang ang kanyang suot. Kasama rin niya si Helle na nakasuot ng puting bestida na hanggang tuhod at long-sleeved na kulay pink na blazer. Mukhang sinadya ng dalawa na hindi pumasok sa kanilang paaralan.

"Fifty million," walang ganang tugon ni Hunter.

"Guys," pagtawag ni Clark sa kanilang mga atensyon, "sinabi ni Frigga, payag daw siya na pahiramin tayo ng thirty-five million pero tayo na ang bahala sa remaining fifteen million."

"Fifty million?!" gulat na sigaw ni Crimson na nasundan ng malutong niyang halakhak. Hinampas ni Helle ang kanyang braso at sinenyasan na manahimik dahil masama na pagtitig ni Hunter sa kanya.

Napaismid naman si James. "Nababaliw na 'ata ang batang 'to."

"Kayo ang nababaliw!" pabalang na sagot ni Crimson na napigilan din ang sarili sa pagtawa. "Hindi kayo kikita ng fifty million sa pagbebenta lang ng lemonade! Pero seryoso, noon, isang service ko lang, more than fifty million na!" pagyayabang pa niya.

Binatukan siya ni Helle at inirapan. "Kung ipagyayabang mo na naman ang illegal business mo noon, tumigil ka na!"

Tiningnan ni Kaizer si Hunter na mukhang nanlulumo. Alam niyang totoo ang mga sinasabi ni Crimson. Imposibleng makaipon sila ng kahit isang milyon sa loob ng limang araw. Gusto na sana niya itong prangkahin ngunit nagbago ang kanyang isipan nang makitang nagagalit na ito dahil sa mga sinabi ni Crimson.

"Tigilan na natin 'to," tiim-bagang na sambit ni Hunter habang nakayuko. Nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Totoo naman, walang mapupuntahan ang pagbebenta natin dito!"

"Pabili po ng lemonade!" sigaw ng isang batang babae habang marahang pinupukpok ang dalang barya sa maliit na lamesa kung saan nakapatong ang dispenser na naglalaman ng kanilang tinitindang lemonade.

"Wala! Sarado na!" sigaw ni Hunter sa bata na nanira sa kanyang speech.

Namula ang mukha ng bata na halatang malapit nang umiyak.

"Hunter! Ano ba?" saway ni James kay Hunter bago niya lapitan ang bata at subukang patahanin.

"Gising na sa reality ang thunder god," pakantang pang-aasar ni Crimson. Dahil sa kanyang ginawa, isang malakas na pagbatok mula kay Helle ang kanyang natamo.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon