CHAPTER 21: GOLDILOCKS

425 27 0
                                    

"Wala na!" nanghihinayang na sigaw ni Christian habang nakatingin sa laptop ni Clark na ginamit niya upang tingnan ang kasalukuyang lagay ng Mjöllnir sa online bidding.

"Paanong wala?!" kinakabahang tanong ni Hunter na napatakbo sa lamesa ng student council president kung nasaan si Christian. "Di ba may tatlong araw pa bago isara ang bidding?!"

Maging si Clark na naglalaro ng rubiks cube ay naagaw ang atensyon at naki-usyoso na rin sa nalaman ni Christian.

"The deal was closed by Mr. Ashton Steele!" anunsyo ni Christian nang mabasa ang balita tungkol sa Mjöllnir.

"Sino si Ashton Steele?" tanong ni Clark.

Agad hinanap ni Christian sa Google ang mga impormasyon tungkol sa Ashton Steele na sinasabing nakakuha sa Mjöllnir. Walang lumabas na mga larawan ngunit ayon sa mga artikulong kanilang natagpuan, si Ashton Steele ay anak ng isang mayamang American businessman. Laki daw ito sa luho at nakukuha ang kahit ano'ng naisin.

"Hindi ko siya gusto base palang sa mga descriptions sa kanya," sambit ni Christian bago isara ang laptop.

Tumayo si Hunter nang walang paalam at mabilis na lumabas sa student council office.

"Galit ba siya sa balitang 'yun?" nag-aalalang tanong ni Christian kay Clark.

Nagkibit-balikat na lamang si Clark na natapos ang binubuong rubiks cube sa loob lamang ng tatlumpung segundo.

-*-*-

Wala sa sariling binuksan ni Hunter ang kanyang locker dahil sa pag-iisip ng paraan upang mabawi ang Mjöllnir. Maaaring gawin niyang muli ang kanilang ginawa nang nakawin ng isang Jötun noon ang kanyang Mjöllnir. Ngunit kailangan niya ang tulong ng pilyong diyos na si Loki.

Pagbukas niya ng locker ay isang pink na envelope ang nahulog. Nagtaka siya at pinulot kung ano man iyon.

"Love letter ba 'yan?" tanong ni Kaizer na biglaang sumulpot sa kanyang tabi at nakikitingin din sa sobre.

Hindi alam ni Hunter kung kailangan pa ba niyang magulat dahil noon pa man ay biglaan lang naman talagang sumusulpot si Kaizer sa kung saan-saan. Sanay na siya sa mga panggugulat nito.

"Buksan mo nga at basahin."

Sumunod naman si Hunter sa utos ni Kaizer. Scented paper ang ginamit na papel. Sinabi ni Kaizer na mabango ang amoy ng papel ngunit nahihilo naman si Hunter sa amoy noon na amoy sampaguita. Maganda rin ang sulat-kamay ng nagsulat.

Dear Hunter,

I never believed in fairy tales, but I found my own fairy tale when I first saw you.

I never believed that I could be a princess, but I only wanted you to be my prince.

I was struck by love at first sight the first time I saw you. I don't know how to explain it by words, but hope that you still understand what I meant to say.

If you want to meet me, I'll be waiting for you at the rooftop of McClendon Academy later at 4 pm.

-GOLDILOCKS

"Oo, mukhang love letter nga," walang ganang sambit ni Hunter habang ibinabalik ang papel sa loob ng sobre.

"Hindi ka kinikilig?" nakangising tanong ni Kaizer.

"Ang mga cool na lalaki, hindi kinikilig."

Napaismid si Kaizer dahil sa sinabi ni Hunter. "Ano'ng tingin mo kay Clark? Hindi kinikilig kay Raven? Maganda ang anak ko 'no, buti hindi siya nagmana sa nanay niya."

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now