CHAPTER 10: EXPLANATIONS

1K 58 37
                                    

"Matatagalan po ang paggising ng pasyente, okay naman ang sugat niya, hindi malala but," sambit ng doctor na nakangiti pa habang ibinabalita kina Frigga at James ang kalagayan ni Clark, "napag-alaman namin based sa ilang kwento ninyo na sleep deprived ang pasyente. Hindi ito nakakatulog ng maayos, makatulog man ay sa napaka-ikling oras lamang. Medyo matatagalan ang paggising niya because he badly needs some long time of sleep. Mukha rin kasing anemic siya."

"Si-sige po, naiintindihan namin," sagot ni James na hindi sigurado kung naiintindihan nga ba niya ang sinabi ng doctor.

Nagumiti muli ang doktor at bahagyang yumuko upang magbigay-galang bago lumabas ng pinto.

Nanatiling walang imik si Raven at pinagmasdan lamang si Clark na mahimbing na natutulog.

'Kailangan mo nga ng pahinga, Heimdall,' bulong ni Raven sa kaliwang tainga ni Clark.

"Bibili lang ako ng tanghalian natin," paalam ni James kina Frigga at Raven. Hindi na siya naghintay ng sasabihin ng dalawa. Agad siyang lumabas sa pintuan.

Kinuha ni Frigga ang kanyang itim na Louis Vitton hadbag at tiningnan si Raven, "babalik ako mamaya, ikaw na muna ang magbantay kay Heimdall, maaari ba?" mahinahong pakisuyo ni Frigga.

Nakangiting tumango si Raven.

Bago pa man mabuksan ni Frigga ang pintuan ay nagkusa itong bumukas at iniluwa si Hunter na may benda rin sa ulo. Nakangisi ito sa kanila.

"Tumuloy ka, Thor," paanyaya ni Frigga.

"Salamat," magalang na sagot ni Hunter na tuluyan nang pumasok sa silid. "Gusto ko lang sana kumustahin si Heimdall. Napalakas ko ata ang paghampas sa ulo niya."

Nilapitan ni Hunter si Clark na mahimbing na natutulog at pinagmasdam ang mukha nito. "Ngayon ko lang nalaman na marunong pala matulog si Heimdall?"

"Oo, maari siyang matulog ngunit mas pinili niya manatiling gising upang bantayan ang Bifröst," sambit ni Frigga bago tuluyang lumabas sa silid.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Thor?" tanong ni Raven.

"Maayos na, nadischarge nga ako kaagad. Pakikwento nga kung ano'ng nangyari."

"Si Frigga ang nag-utos na magtulungan sina Heimdall at Loki upang maibalik ang mga alaala mo. Si Loki ang nagplano na gawing classic movie cliché ang plano kaya naisipang kidnapin si Rosilie," paliwanag ni Raven na nakangisi.

"Kinidnap talaga si Rosilie?" kinabahang tanong ni Hunter.

"Hindi. Nagpadala si Loki ng isang sulat sa kanya. Nakasulat doon, nagmula iyon sa isang secret admirer."

"Hindi siya kinidnap?" paniniguro niya.

"Hindi nga," naiirita na si Raven. Tama nga ang sinabi ni Heimdall dati, si Thor ang isa sa pinakamalakas na Asgardian sa larangan ng pisikal na aspeto ngunit hindi ito nabiyayaan ng malaking utak upang mabilis na makaintindi sa mga nagaganap. "Gusto sana siyang papuntahin ni Loki sa Sandstone Park para gamiting pain kung hindi magtagumpay si Heimdall na makatagal sa laban ninyo. Pero sinabihan ko si Freyr na ilayo si Rosilie sa lugar."

Umaasa si Raven na maiintindihan na ni Hunter ang lahat ngunit nanatili ang pagtataka sa mukha nito. Ipinaliwanag niya na lamang ang lahat sa pinakamadaling paraan na alam niya.

"Ligtas si Rosilie."

Napalitan naman ng ngiti ang pagtataka ni Hunter. "Buti naman. Eh si Superman?"

"Ang human name ni Superman ay Clark Kent. Naisip ko lang na yun ang gamiting codename, by the way, ako ang nagsulat ng letter."

Tumango naman si Hunter nang matapos nang maintindihan ang mga bagay na hindi niya naiintindihan.

Sa wakas, tapos na ang paliwanagan!

"Ikaw si Hel? Tama?"

Tumango si Raven. Lumapit sa kanya si Hunter at umupo sa gilid ng kama ni Clark. "Balat-kayo mo ba 'yan? Nang pumunta ka sa Asgard, iba ang ipinakita mong anyo...naaagnas na bangkay ang kalahati ng katawan mo."

"Ito ang totoong ako. Disguise 'yun dahil ang utos ni Loki ay sindakin kayo sa Asgard."

Tumango si Hunter at tiningnan muli si Clark. "Kailan kaya siya gigising?"

Nagkibit-balikat na lamang si Raven. "Isang malaking sakripisyo ang ginawa nila para lamang ibalik ang mga alaala mo."

Iniwas ni Hunter ang mga mata kay Raven. Alam niyang tama ito. "A-alam ko naman. Ano ang magagawa ko para makabawi?" bahagyang napalakas ang boses niya.

Narinig nila ang mahinang pag-ungol ni Clark. Posibleng naabala ni Hunter ang pagtulog ni Clark.

Agad sinenyasan ni Raven si Hunter na manahimik.

"Ahhhh," natutuwang sambit ni Hunter habang nilalapit ang mukha kay Clark. "Ang cute pala ni Dally kapag tulog."

"Dally?" natatawang tanong ni Raven.

"Mahaba kasi ang Heimdall, nahihirapan din ako sa spelling kaya Dally nalang."

"Ngayon ko lang siya nakitang matulog matapos ang tatlong taon namin dito sa Midgard."

"Oh?" hindi alam ni Hunter kung magugulat o hindi sa mga sinabi ni Raven. Alam niya naman na hindi talaga natutulog ang tagapagbantay sa trabaho, ngunit nang dumating ito sa Midgard, ay wala naman na itong dapat bantayan. Bakit hindi parin ito natutulog?

"Hel, may itatanong pa pala ako."

Hindi na sumagot si Raven. Tiningnan na lamang nito si Hunter at hinintay na ipagpatuloy ang nais nitong sabibin.

"Saan galing yung espadang kahoy? Alam ko, hindi yun simpeng bagay. Nagamit ko ang kapangyarihan ko nang hawak ko ito." Umilaw ang kanyang kanang kamay at mula doon ay may lumabas na espadang kahoy na may nakaukit na mga iba't-ibang simbolo ng Runes.

"Ginawa iyan nila Brokkr at Eitri, nang araw ng Ragnarok, nawala ang Mjöllnir. Kaya gumawa sila ng sandata na kasinlakas ng Mjöllnir na medyo normal sa paningin ng mga tao."

"Brokkr at Eitri? Naaalala ko, sila ang mga dwende na gumawa ng Mjöllnir," sambit ni Hunter na masayang maalala ang mga bagay sa buhay niya. "Pero nakakamiss ang Mjöllnir."

"Pwede mo naman tawaging Mjöllnir iyan. Ikaw ang bahala. Ganoon ang mga materyales na ginamit ngunit iba ang anyo. Hindi lang ikaw ang nasiraan ng sandata sa panahon ng Ragnarok."

"Oh?" tumayo si Hunter at kumuha ng isang peras mula sa fruit basket. "By the way, papangalanan ko 'tong Jigglypuff," nakangiting sambit niya habang nilalaro ang espadang kahoy at ginagawang batoon.

"Nawasak din ang Hofund ni Heimdall, kaya ipinamana sa kanya ni Odin ang Gungnir sa kalagitnaan ng Ragnarok."

Hindi agad nakasagot si Hunter. Diretso lamang ang tingin niya kay Raven na nakatingin naman sa kawalan. "Palagay mo ba...tapos na ang Ragnarok?" seryosong tanong niya sa diyosa ng kamatayan.

Umiling lamang si Raven at ngumiti ng mapait. "Kalahati pa lamang iyon. Ang katapusan ay ang mga kamatayan natin. Walang namatay, hindi pa tapos ang Ragnarok."

-*-*-

WORDS TO REMEMBER:

GUNGNIR- spear of Odin, a magical spear that always hits its mark

HOFUND-  the golden sword of Heimdall

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now