EPILOGUE

552 31 0
                                    

Sa opisina ng punong-guro ng McClendon Academy, nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng nasabing paaralan.

Sa tabi ni Frigga, nakatayo ang guidance councelor na si Maple. Bakas sa mukha niyang may makapal na foundation ang pagkagulat at pagtataka habang tinitingnan ang lalaki.

"Nangangako ako, sa ngalan ng Jotunheim, na hangga't nandito ako sa Midgard ay walang magaganap na labanan na maaaring humantong sa kamatayan," sambit ng lalaki na nakatitig ng diretso sa mga mata ni Frigga.

Ngumiti si Frigga sa lalaki. "Surt, or should I call you from now on Brendan West."

Ngumiti ang lalaki na nagngangalang Brendan.

"Palagay ko, kailangan mong makilala si Clark Sentinel, ang tumatayong assistant ko dito sa academy," sambit pa ni Frigga.

"Siguradong hinahanap ka na niya mula nang tumuntong ka sa boundary nitong school," dagdag pa ni Maple.

Tumango naman ang lalaki. "Sige po, salamat," sambit niya bago lumabas ng pinto.

-*-*-

End of Book I

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon