CHAPTER 3: THE LOST MEMORIES WON'T COME BACK, LET'S MAKE NEW MEMORIES

482 26 0
                                    

Paikot-ikot ang mga mata ni Hunter sa paligid ng PMS clubroom kakasunod kay James na hindi mapakali kalalakad. Tila balisa ito at problemado. Ang mga eyebags niya ay mas lumaki at mas nangitim na mukhang tinamaan siya ng insomnia.

Maging si Rosilie na naglilinis ay hindi maiwasang mapansin si James.

"Hoy, taong-grasa!" tawag ni Hunter kay James.

Tiningnan ni James si Hunter na salubong ang mga kilay. "Wag ka muna mang-asar, hindi kita papatulan dahil may problema ako!"

"Mukhang malaking problema 'yan ah," sabat ni Rosilie na lumapit sa tabi ni Hunter. "Sabihin mo na, baka makatulong kami."

Napapikit si James at bigla na lamang umupo sa sahig. Kailangan niya nga ng makakausap at makakaramay sa pagkakataong ito. Alam niyang hindi si Hunter na walang pakialam sa pag-ibig at Rosilie na weirdo ang kanyang inaasahan na nararapat kausapin ngunit sa kabila noon ay nagpapasalamat parin siya sa kanila dahil mukhang handa naman silang makinig at damayan siya. "Ganito, ano ang gagawin niyo kung makikita niyo muli ang long-lost first love niyo?" panimula niya.

"Tatadtarin ko siya ng mahihigpit na yakap at halik!" mabilis na tugon ni Hunter na tila may pinanghugutan sa kanyang sagot.

Tumango naman si Rosilie at tiningnan si James. "Kausapin mo, yayain mo sa isang date," dagdag pa niya.

Umiling si James na hindi kumbinsido sa mga tugon na natanggap. "Paano naman kung wala siyang memory tungkol sa iyo o sa past niyo?"

Napakamot si Hunter sa kanyang ulo at napaisip. "May past ba? Kasi ang pagkakaintindi ko, first love lang, hindi ex-lover or...- biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang isang bagay. "Wag mo sabihin na si Gerda ay...-"

"Yun nga ang gusto ko sabihin. May lover ako na nagka-amnesia, burado ang mga nakaraan niya. Hindi niya kilala kung sino siya o sino ako. Isa nalang akong anino para sa kanya. Isang buntot ng nakaraan," malungkot na sambit ni James na hindi maiwasang mapayuko dahil sa kalungkutan.

"O isang buntot ng butiki na nahiwalay sa katawan nito, pinabayaan at iniwan dahil madaling palitan," sabat ni Kaizer na kadarating lamang at pumasok sa bukas na bintana. "By the way, may nakita pala akong babae na kamukhang-kamukha ng ex ni James."

"May ex-girlfriend si James?" gulat na tanong ni Rosilie.

Tumango naman si Hunter at Kaizer nang sabay.

"Ang hot kaya ng ex niya. Malaki lahat mula sa noo, mata, boobs, balakang pati paa," nakangising sambit ni Kaizer.

Awtomatikong napaangat ang ulo ni James at tinitigan ng matalim si Kaizer. "Fuck off! Do not describe her like a playboy magazine cover girl or a calendar girl!"

Napatahimik ang paligid at nakaramdam ang lahat ng kakaibang lamig. Makalipas ang ilang segundo ay biglang nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan.

"Bakit biglang umulan? Ang sabi sa news kanina, maganda daw ang panahon," nagtatakang sambit ni Rosilie habang nakatingin sa bintana ng kanilang clubroom. "Oh, well, mystery! By the way, guys, mauuna na 'ko. May klase na ako," pagpapaalam niya habang iniaayos ang kanyang mga gamit. "Boys, keep our clubroom clean. CLAYGO! Ja ne!"

Paglabas ni Rosilie ay agad tiningnan ni Kaizer at Hunter si James na nakahiga na sa sahig at mukhang lalong nanghihina sa mga pangyayari. Alam nilang lahat na may kontrol si James sa panahon sa Midgard. Ang siklo ng panahon ay nakadepende sa emosyon na nararamdaman ng diyos ng panahon.

"Freyr," seryosong pagtawag ni Kaizer sa kanyang kaibigan, "sa isang buwan na mananatili dito si Gerda bilang exchange student, maninirahan siya kina Frigga. Dun ka magsimulang mag-do-damoves."

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now