CHAPTER 13: MONEY IN THE BANK

426 26 0
                                    

Nang tumunog ang batingting ay nagpakiramdaman ang walong kalahok sa Money in the Bank Wrestling Match. Tahimik ang lahat na nag-iisip ng game plan.

Sinimulan ni Bobby ang pag-atake. Ang una niyang sinugod ay si Hunter na mukhang naghihintay lang din sa kanyang pag-atake.

Si James  naman ay idinadaan ang lahat ng dumarating na atake sa pag-iwas. Napa-isip siya at nakaisip ng plano. Hindi niya kailangang manalo, kailangan niya lamang makatagal sa laban.

Hinarang ni Hunter ang noo ni Bobby gamit ang kaliwang kamay niya. Dahil doon, nahihirapan si Bobby na abutin siya kaya hindi umaabot ang mga binibitawan niyang suntok.

Samantalang si Mang Enteng at Brendan ay naglaban ng mano-mano.
Malakas ang pinakawalang suntok ni Mang Enteng ngunit nasalag iyon ni Brendan.

"Ang hot ng laban na napapanood natin!" masayang komento ni Clark na hindi pinansin ang mga tasa na inilapag ng isang babaeng nagtatrabaho sa kanilang canteen.

"O baka hot lang 'tong cappuccino na sinerve sati'n?" tanong ni Kaizer bago humigop sa tasa.

"Guys! Tingnan ninyo, dinodouble-team ni Dash at Leonard si James!" nag-aalalang sigaw ni Christian na napapapikit. "Hindi ko kayang makita ang mga susunod na mangyayari!"

Pinagtulungan nila Dash at Leonard si James. Dahil hindi sanay sa mga away ay mahina ang pain tolerance ni James. Bawat suntok at sipa ay hindi niya mapigilang hindi mapasigaw sa sakit na nararamdaman.

"Whoa!" sigaw ni Kaizer habang binubugbog si James. "Mukhang si James ang mauunang mawalan ng malay!"

Napatayo si Ellery sa kinauupuan nang makita ang nangyayari kay James. Nagmadali siyang bumaba at pumunta kina Clark, Christian at Kaizer.

Walang kahirap-hirap na binuhat ni Hunter si Bobby at ibinalibag sa matigas na sahig ng ring. Agad siyang rumesponde upang  matulungan si James.

"There goes our Hunter!" sigaw naman ni Clark. "Mukhang tutulungan niya si James na bugbog-sarado na!"

Sa kalagitnaan ng nagaganap na kaguluhan sa ring, kumuha ang maskaradong si Jet Lee ng isang hagdan at ipinosisyon ito sa ilalim ng briefcase.

Nang masaksihan ni Bobby ang ginagawa ni Jet ay agad din siyang kumuha ng sarili niyang hagdan upang makaakyat at makuha ang briefcase.

Kumuha din si Hunter ng hagdan. Hindi upang gamitin sa pagkuha ng nakasabit na briefcase, kundi upang gamiting sandata. Mabilis at malakas ang ginawa niyang paghampas kina Dash at Leonard upang tigilan ng mga ito si James.

"Alam niyo ba na para sa isang normal na tao, aabutin ng 2 to 4 weeks ang recovery period kapag nahampas ng metal ladders na 'yan?" pagbibigay impormasyon ni Clark.

"Para naman sa mga hindi tao, sapat na ang 3 to 5 days," dagdag naman ni Kaizer.

"Bakit alam niyo 'yang mga 'yan?" nagtatakang tanong ni Christian.

"Tinesting namin," sabay na tugon ng dalawa.

Samantalang sina Mang Enteng at Brendan naman ay dinidibdib ang pagkalaban. Ngunit nang makita ni Mang Enteng si Bobby at Jet na nag-uunahan sa pag-akyat sa mga nakuha nilang hagdan upang maabot ang briefcase ay walang pagdadalawang-isip niyang iniwan si Brendan na napaluhod dahil sa pagod at sakit ng katawan. Ipinosisyon niya ang sarili sa pagitan ng mga hagdan at buong lakas na itinulak ang mga iyon upang tumumba.

"Wow! Nakita niyo ba 'yun?! Si Enteng, pinabagsak sina Bobby at Jet ng sabay mula sa hagdan!" sigaw ni Christian na sinasabayan ng sigawan at tilian ng mga manonood.

Napatingin si Kaizer sa direksyon ng paparating na si Ellery. Base sa ekspresyon ng mukha nito na salubong ang kilay at umuusok ang ilong, galit ito.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now