CHAPTER 26: THE TRUTHS (PART I)

383 26 0
                                    

"Ki-kinakabahan ako," hindi mapakaling sambit ni Rosilie na nakaupo sa passenger's seat ng kotseng minamaneho ni Hunter. "I mean, galit sa'kin si Dad, siguradong mas magagalit siya sa'kin kapag nalaman niyang tumakas ulit ako."

Sa kanilang likuran ay si Christian na tahimik lamang.

"Kung inaalala ka ng tatay mo, dapat inalam muna niya kung sino talaga ang Ashton na 'yun," tugon ni Hunter sa sinabi ni Rosilie.

"Hunter! Hindi ko macontact si Clark! Mukhang putol na ang surveillance!" kinakabahang anunsyo ni Christian.

"Oo nga pala, may i-e-explain kayo 'di ba?"

Biglang may narinig silang malakas na kalampag sa bubong ng sasakyan kaya napilitan si Hunter na ihinto ang sasakyan. May narinig pa nga sila na tumilapon sa kung saan.

"Diyan lang kayo," utos niya sa dalawa bago bumaba sa kotse.

Iginala ni Hunter ang kanyang mga mata sa paligid. Napansin niya ang paggalaw ng mga halaman kung saan tumalsik ang bagay na kanina ay nasa bubong ng kanilang kotseng sinasakyan. Pinanatili niyang alerto ang kanyang sarili sa kung ano man ang posibleng umatake sa kanila.

Ngunit nakahinga rin siya nang maluwag nang makitang si James lamang pala ang gumagapang.

"Taong-grasa?" pagtataka ni Hunter na tinawag si James sa pangalang ginagamit niyang pang-asar dito.

"Buti nahabol ko kayo," nakangiting sambit ni James na nakatayo na sa wakas. "T-Teka," lumingon siya sa paligid. "Gullinbursti?!"

Maya-maya ay may gumapang na guinea pig papunta sa paanan ni James. Agad niya itong dinampot at niyakap. "Gullinbursti!" masaya niyang sigaw nang mahanap ang kanyang alaga.

"Ano'ng nangyari sa hotel?" tanong ni Hunter.

Umiling si James na tila walang pakialam. "Hindi ko alam, basta bago ako umalis doon, ramdam ko na may sumira sa surveillance spell ni Heimdall."

"Bwiset! Bilis sakay sa kotse!" nagmamadaling sigaw ni Hunter nang malamang naiwan si Clark mag-isa

Pagsakay nila sa kotse ay nagtataka si Rosilie nang makita si James na mukhang bumalik sa pagiging dating gusgusin.

"Sinabi mo na sa kanya ang totoo?" tanong ni James kay Hunter.

Umiling si Hunter at pasimpleng tiningnan si Rosilie na mukhang nagtataka.

"Let's play a game," sambit pa ni James na nakaupo sa likuran katabi ni Christian.

"Game! Game!" sabat ni Christian na nagustuhan ang ideya ni James.

"Magtatanong si Rosilie ng kahit ano'ng tanong tungkol sa ating tatlo, kay Clark, Raven at Kaizer. Kailangan natin iyong sagutin. Bawal ang pass, bawal ang secret. Game?"

"Game!" sabay na sagot nila Hunter, Christian at Rosilie.

"Okay, question number one," panimula ni Rosilie, aliens ba kayo?"

Nagtinginan ang tatlo bago sumagot at sabay na sumigaw ng 'hindi!'

"Pa'no ba natin sisimulan?" tanong ni Hunter.

"Alam mo ang Norse Mythology 'di ba?" sabat ni Christian.

Tumango naman si Rosilie na tiningnan si Christian na nakangiti sa kanya.

"Nagsimula ang lahat sa Ragnarok, do...-"

"Teka!" pag-awat ni Rosilie kay Christian. "Di ba Ragnarok ang ending, paano naging 'yun ang simula?" pagtataka niya.

"Ako na nga magkukwento," pagboboluntaryo ni James na iniaayos ang magulong balahibo ni Gullinbursti. "Rosilie, medyo mahaba 'to, makinig ka, ha."

Tumango naman si Rosilie.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now