CHAPTER 23: THE PHANTOM PERVERT (part I)

668 49 0
                                    

"Talaga?!" imbes na ma-alerto ay nagniningning pa ang mga mata ng PMS Club president sa idinulog na kaso ng estudyanteng kausap.

Tumango ang babaeng may mahabang rebonded na buhok at napaka-ikling skirt. Fitted ang suot nitong blouse kaya halata ang perfect figure ng bewang nito.

"Opo, may taong nagnanakaw ng mga underwear sa girl's dorm."

Nagtinginan sina Rosilie at Hunter. Si Raven naman ay nakaupo lamang sa isang monoblock chair sa tabi ng bintana habang nakikinig. Habang sina Kaizer at Christian naman ay abala sa paglalaro ng chess.

"So ano ang mga nawawala?" tanong ni Rosilie na seryoso at nagpapakadetective. Seryoso ang ekspresyon at nasa likuran ang mga kamay.

Napailing naman si Hunter. "Di ba sabi niya mga underwear daw?"

Napatawa si Kaizer. Napatingin siya kay Hunter na nagtataka na nakatingin din sa kanya. Lahat ay nakatingin sa kanya. "Congrats, tumatalino ka na!"

Nagsalubong naman ang mga kilay ni Hunter dahil sa insultong natamo. Namumuro na sa kanya si Loki noon pa man nang nasa Asgard pa sila.

"Check!" masayang sigaw ni Christian. "Sa wakas, natalo din kita!" sambit niya habang dinuduro si Kaizer na nanlalaki ang mga mata sa gulat.

"Pumupurol na ang utak mo," sagot naman ni Hunter na inirapan si Kaizer.

"Pwede ba kami magsagawa ng on-site investigation sa girl's dorm?" sabat ni Raven na diretso ang titig sa babae.

"O-opo, si-sige po." Mukhang malakas ang tama ng aura ni Raven sa babae dahil nauutal ito at hindi makatingin ng maayos sa kanya.

-*-*-

Magulo ang shower room sa girl's dormitory. Kalat-kalat ang mga damit at mga underwear kung saan-saan. Sira din ang doorknob at lock pagdating nila.

"Wow," sambit ni Kaizer na nakangiti habang iniikot ang mga mata sa malaking shower room na may walong cubicles.

Namumula naman sa hiya ang mga babaeng kasama nila habang pinapanood si Kaizer na iangat at inspekayunin ang bawat panty at bra na makita.

"Noong isang araw pa, ilang mga underwears ang nawawala at pagpunta namin kanina lang, ganyan na ang itsura nitong locker room. Kalat-kalat ang mga gamit na parang may naghalungkat," paliwanag ng isa sa mga babae.

Nakikinig ng mabuti sa kanya sina Rosilie, Hunter, Raven, Kaizer at Christian.

"Palagay mo, multo?" bulong ni Christian kay Raven.

Umiling si Raven at bumulong pabalik, "palagay ko hindi, walang multo ang may kakayahang gumawa ng ganitong bagay. Buhay ang suspect."

"Pero may nawala bang bagay maliban sa undergarments?"

Napatingin sila sa pintuan kung saan galing ang nagsalita. Si Clark na nakapamulsa, at ang kanyang infamous na poker-face.

"SC president 'yan di ba?" sambit ng isang babae na nasa locker room.

"Ang cool niya!" sambit naman ng isa pa.

"Wala po!" nakangiting sagot ng isang babae na halatang nagpapacute.

"Pero may isa pa po na creepy na nangyayari kapag nagsha-shower kami dito sa locker room," sagot ng isa pang babae.

"Clark! Hello!" bati ni Christian na kumakaway-kaway pa sa kanya.

"Ano?" tanong ni Clark na hindi pinansin si Christian.

"May naririnig kami na sumisitsit at tumatawa pero wala kaming taong nakikita kahit anino! Pares lang ng mga mata na nakasilip sa bintana."

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now