CHAPTER 15: TOGETHER AGAIN

777 50 1
                                    

Nakangiti si Balder habang naghihintay sa pagbabalik ni Hel sa naglalakihang pinto ng Niflheim. May laro silang naisip ni Garm, nais niyang yayain si Hel upang makisali.

"Siguradong magugustuhan niya ito," masayang sambit ni Balder na hindi nawawala ang ngiti.

Lalong lumawak ang kangyang ngiti nang matanaw si Hel na parating sakay ng Helhest.

"Hel!" Bati ni Balder pagpasok ni Hel sa pinto, nilapitan niya ito ngunit hindi man lang siya nito pinansin. Nilagpasan lamang siya nito at dumiretso sa trono nito. Nakasimangot ito at mukhang may problema.

Umupo si Balder sa malamig sa sahig sa harap ni Hel. "May problema ba o pagod ka lamang sa pagsundo sa mga kaluluwa ng mga namatay?" nag-aalala niyang tanong.

"Umalis ka na dito!" pikit-matang sambit ni Hel kay Balder.

Nagulat si Balder sinabi ni Hel ngunit pinilit niyang ngumiti. Posibleng pagod lamang ito o nais mapag-isa.

"Nais mo bang mapag-isa?"

Nanatiling nakapikit ang mga mata ni Hel. Mahigpit ang kapit ng kanyang mga kamay sa braso ng kanyang trono. "U-umalis ka na di-dito sa Niflheim!" sigaw niya na pinipigilang humikbi.

Maging si Garm ay na-alarma sa pagsigaw ni Hel.

"Hel?" nagtataka at naluluhang sambit ni Balder na napatayo mula sa kinauupuaan. "Bakit? May ginawa o sinabi ba sa iyo ang mga Aesir? Pi-pinagbantaan ka ba nila?"

"Umalis ka na! Layas! Hindi ka nararapat dito sa kaharian ko! Sakit ka lamang sa ulo!" sigaw ni Hel na hindi na napigilang umiyak.

"Kamahalan?" lumapit ang nag-aalalang si Garm kay Hel na humahagulgol na.

"Galit ka ba?! Bakit?! Dahil ba nasira ko ang paborito mong salamin?!" umiiyak na tanong ni Balder.

"Hindi ka nararapat dito!"

"Hel! Gusto ko dito! G-gusto ko manatili sa tabi mo!"

"Hindi ka maaaring manatili sa tabi ko! Hindi tayo maaaring magsama! Ikaw ang simbolo ng kaligayahan, ako naman ang simbolo ng kamatayan!"

"Hel! Pakiusap!"

Inilabas ni Hel ang kanyang karit at pikit-matang itinutok iyon kay Balder. "Patawad," pikit-matang bulong niya.

Isang lagusan ang nagbukas sa likuran ni Balder. Naramdaman niya na unti-unti siya nitong hinihila.

"Hel! Saan ako pupunta?!" Patuloy parin siya sa pag-iyak habang nilalabanan ang pwersa ng lagusan na humihila sa kanya.

Patuloy din ang paghikbi ni Hel na nagbitaw ng isang sumpa na naging dahilan ng paglakas ng pwersa ng lagusan. Maging ang ibang kagamitan sa palasyo niya at mga kaluluwa ay napasama na sa lagusan.

Ramdam ni Balder na hindi na niya kaya pang labanan ang malakas na pwersa na humihila sa kanya. Bago siya tuluyang bumigay, nagbitaw siya ng isang sulyap kay Hel. Bakas sa mga mata nito na hindi rin nito gusto ang ginagawang pagtataboy sa kanya ngunit hindi niya rin alam ang dahilan.

"Hanggang sa susunod nating pagkikita...Hel," bulong ni Balder na nagkusa nang sumama sa lagusan kung saan man siya niyo dadalhin.

Nang magsara ang lagusan ay nabitawan ni Hel ang kanyang karit at napaluhod na lamang siya sa malamig na semento habang humahagulgol.

"Saan po siya mapupunta, kamahalan?" tanong ni Garm na hindi alam ang mga nagaganap.

"Midgard...kung sa-saan siya ligtas."

-*-*-

"Balder!" naluluhang sambit ni Frigga nang makita ang wala paring malay na lalaki na nakahiga sa isang hospital.

Nasa tabi ni Balder sina Clark, Hunter at Raven na tahimik at naghihintay din sa paggising ni Balder.

Si Raven ay mugto ang mga mata dahil sa kaiiyak.

Hindi nagdalawang-isip si Frigga na lapitan at yakapin ang anak na matagal nang hinahanap. "Balder!" ang iyak niya ay humantong sa paghagulgol nag makita ang sinapit ng kanyang anak.

Umungol si Balder kaya napahiwalay si Frigga mula sa pagkakayakap niya dito.

Unti-unting bumukas ang mga mata ni Balder at napangiti ito nang masilayan ang mukha ng kanyang ina.

"Balder!" masayang sigaw ni Frigga habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Inaaaa-ray ko, ma-masaket!" reklamo ni Balder na namimilipit sa sakit. Nanghihina parin siya base sa boses niya.

"Patawad, maaari bang malaman kung ano ang nangyari sa iyo dito sa Midgard?"

Sinubukan niyang umupo ngunit nahihirapan siya kaya inalalayan siya ni Hunter at Clark.

Ngumiti lamang siya sa dalawa bilang pasasalamat.

"Ang naaalala ko, komportable naman ako sa Niflheim kasama sina Hel at Garm," kwento ni Balder.

"Komportable? Sa Niflheim? Komportable ka kasama ang mga kaluluwa ng mga namatay?" hindi makapaniwalang tanong ni Frigga sa anak.

Si Raven ang nainsulto sa mga sinabi ni Frigga tungkol sa kanyang kaharian. Ngunit hindi siya makakibo dahil tunay ang mga sinasabi nito. Ang Niflheim ay isang nakakatakot na lugar. Noong unang beses siyang napunta doon ay ganoon din ang nasa isip niya.

"Wag naman kayong ganyan," saway ni Balder sa ina. "Tapos isang araw, pinaalis ako ni Hel. Sabi niya pumunta na daw ako dito sa Midgard. Hindi ko alam kung galit siya nang mabasag ko 'yung paborito niyang salamin kaya pinaaalis niya na ako."

Tiningnan ni Frigga si Hel upang humingi ng paliwanag sa mga nangyari.

"Pinaalis ko siya nang araw na ibalita sa akin ni Urda na malapit nang maganap ang Ragnarok. Sinabi din sa akin ng Norns ang mga isinakripisyo ni Odin upang iligtas ang Midgard. Alam kong may posibilidad na matakasan ni Balder ang muling kamatayan sa araw ng Ragnarok kung mananatili siya dito sa Midgard," paliwanag ni Hel na naluluha.

"Gano'n?! Bakit ako lang ang umalis? Dapat sumama ka na!" sambit ni Balder.

Hindi sumagot si Hel, ngunit nanatili lamang siyang nakaupo at umiiyak.

Inabot ni Balder ang kanyang pisngi at pinahid ang mga luhang tumutulo. "Bakit ka umiiyak?" nakangiting tanong ni Balder.

"Nag-alala kasi ako nang makita kitang bugbog-sarado," sagot ni Hel na hindi tumitigil ang pagtulo ng luha.

"Tahan na, ligtas ako. Magkakasama-sama tayong muli."

"La-lalabas lang ako para bumili ng pagkain," pagpapaalam ni Clark na hindi na nag-abala pang tumingin sa kanila, dumiretso na lamang ito palabas ng pinto.

"Sasama ako sa kanya," paalam ni Hunter na lumabas din agad.

"Ano nga ba ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Frigga habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang kaliwang mata.

"Mula nang mapunta ako dito sa Midgard, natutunan ko na kailangan ko magbanat ng buto para may pantustos sa araw-araw," natatawang sagot ni Balder.

-*-*-

"Hoy!" sigaw ni Hunter habang hinahabol si Clark na papasakay ng elevator. Mas binilisan niya ang pagtakbo nang makitang masasaraduhan na siya ng pintuan ng elevator.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makapasok sa loob ng ligtas.

"Bakit ka umalis?" tanong ni Hunter.

"Wala. Kailangan lang nila ng privacy," walang emosyong sagot ni Clark habang tinitingnan ang kanyang repleksyon mula sa salamin sa loob ng elevator.

Nang bumukas ang elevator ay sabay silang lumabas ngunit sinusundan parin ni Hunter si Clark.

"Selos ka?" nakangising tanong ni Hunter.

Tiningnan lamang siya ni Clark. Walang emosyon ang mukha, ngunit ang mga mata nito, may mensaheng nais sabihin.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now