CHAPTER 22: THE INCOMING NEW CASE

634 44 0
                                    

Tapos na silang mag-empake. Handa na silang umalis pasakay sa kotse ngunit bago pa man sila makaalis ay tinawag muna sila ng matandang caretaker.

"Salamat sa inyo, dahil sa tulong na ginawa ninyo ay hindi ko na kayo sisingilin sa paninira sa basement ng hotel," nakangiti nitong sambit.

"Wa-wala pong anuman," nag-aalangan tugon ni Raven na puno ng benda ang braso dahil sa sugat at fracture. Nagpasalamat nga ito ngunit pinaglalandakan pa sa mukha nila na nakasira sila.

Nang makasakay na sila sa kotse ay natatawa na lamang sila habang tinitingnan ang pangyayari.

Gising na rin si Rosilie at tinatanong kung ano ang mga nangyari. Isang malutong na tawa lamang ang kanilang itinugon. Hindi rin naman kasi nila alam ang isasagot.

Nakita ni Kaizer ang Paranormal Guide Book ni Rosilie at binasa.

"Guys look!" natatawa niyang sambit. "Alam ko na kung bakit mga bakla ang natawag nating spirits."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni James na nilalaro si Gullinbursti.

"Ang sabi dito, kapag itim na kandila ang ginamit, masamang ispiritu ang matatawag, kapag puti naman mabuti, so guys, you already know what's with the pink."

"Kaya pala!" natatawang sambit ni Hunter.

Napabuntong-hininga na lamang si Clark na nasa driver's seat. Pinipigilan niyang tumawa. Ngunit bakas sa mukha niya ang isang ngiti.

"Ang salamin na 'yun," bulong ni Raven na katabi niya na nasa passenger's seat.

"Bakit?"

"Ginamitan ng malakas na Runes," seryoso ang pagkakasabi ni Raven habang nakatingin sa kanya. "Isang bihasa lamang ang makakagawa noon."

"Ang kilala ko lang na bihasa sa paggamit ng Runes ay kayo nila Odin at Frigga."

-*-*-

Pag-uwi nila sa kanya-kanyang tirahan ay agad nilang binawi ang magdamag na walang tulugan.

Mabilis natapos ang bakasyon nila. Ang two-day vacation sana ay naging one-day na lamang. Ngunit sapat na ang mga nakakatakot na karanasan upang baunin.

-*-*-

8:53 pm, McClendon University Girl's Dorm, Sunday...

Isang babae ang kumakanta habang nagshoshower sa shower room.

"Hello from the other siiiiiiiiidddddddeeee!!!!" pasigaw niyang kanta habang nagsasabon ng katawan.

'Pssst!'

Isang mahinang pagsitsit ang kanyang narinig ngunit binalewala niya na  lamang ang naramdamang kaba. Posible na pinaglalaruan lamang siya ng mga sinasabing mga multo sa dorm.

"Hello from the other...-"

'Pssst!' naulit pa ang pagsitsit.

Tuluyan na siyang sinakop ng kaba habang patingin-tingin sa paligid ng masikip na banyo. Iisa na nga lang ang alam niyang linya ng kantang iyon, hindi pa siya pinatapos.

Napadako ang tingin niya sa maliit na bintana sa banyo. Nilapitan niya iyon at dahan-dahang sumilip. Ang kanyang kaba ay napalitan ng takot nang makita ang pares ng mga mata na nakikipagtitigan sa kanya sa maliit na butas sa bintana.

"Mambobosooooo!" sigaw ng babae.

-*-*-

9:15 am, McClendon University Girl's Dormitory, Monday...

"Nawawala yung lucky panty ko! Sino ang kumuha?!" sigaw ng isang babae matapos magshower. Nakatapis lamang ito ng tuwalya. Katatapos lamang nilang maglaro ng volleyball.

"Ako din! Nawawalan!" reklamo ng isa pang babae na may tuwalya pa sa basang buhok.

Hindi muna nila ito agad ipinaalam sa principal o sa student council president. Inakala nila na isa lamang maliit na bagay ang naganap. Ngunit nang pinabayaan nila ito ay isang napakalaking pagkakamali.

-*-*-

Makalipas ang isang linggo...

Nanlaki ang mga mata ng mga babae nang matagpuan ang kanilang locker room na wasak ang lock at doorknob.

Ngunit lalong nanlaki ang kanilang mga mata at bibig nang matagpuan ang nangyari sa kanilang locker room.

"Gosh! We need to inform the principal or the SC president about this right now!" kinakabahang sambit ng isang babae na hindi makapaniwala sa nakikita.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now