CHAPTER 37: FREYA

533 30 1
                                    

Nakatitig si James sa pintuan ng Black Magic Shop. Walang ekspresyon ang kanyang mukha kaya hindi alam ng kanyang mga kasama kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Handa na kayo?" tanong ni James sa kanilang lahat.

"Wag mo nang tanungin, gawin mo na," tugon ni Clark na iritado na sa mga nagaganap. Nais na niyang makabalik sa kanyang buhay.

"Kailangan ko ng alambre, hairpins at card."

-*-*-

"Ayun! Hardware store!" turo ni Kaizer sa isang tindahan habang nakangiti. "Feeling ko masipag ang may-ari n'un. Ano sa palagay mo, Dally?"

Isang kibit-balikat lamang ang itinugon sa kanya ni Clark. Tahimik lamang na sumusunod si Clark kay Kaizer.

Sabay silang pumasok sa Hardware-king Store at naghanap ng alambre.

"One-hundred pesos, sir," sambit ng kahera kay Clark at Kaizer.

Dinukot ni Clark ang wallet ni Kaizer na nasa suot niyang backpack na pagmamay-ari din ni Kaizer. Makapal ang wallet kaya inaasahan niyang marami iyong laman na pera. Isa pa, maraming pera na natatanggap si Kaizer dahil sa kanyang Secret Gambling Organization na hindi pa niya nagagawan ng paraan. Ngunit pagbukas niya ng wallet ay nagkamali siya. Dahil puro lotto tickets lamang ang kanyang nakita at malutong na singkwenta.

Mabilis na inagaw ni Kaizer ang kanyang wallet mula kay Clark. "Ako na magbabayad!" Mabilis niyang kinuha ang wallet ni Clark na nasa kanyang bulsa at dumukot ng isang malutong na isanlibo.

Napataas na lamang ang isang kilay ni Clark kay Kaizer.

-*-*-

Samantala, abala sina Raven at Christian sa pamimili ng mga hairpins na maaaring magamit ni James.

"Ano kaya dito sa mga ito?" naguguluhang tanong ni Raven.

"Bilihin mo na lahat ng iyan, ako na magbabayad," nakangiting tugon ni Christian.

Nginitian siya ni Raven. "Hati tayo sa bill. Nilibre mo na kaming lahat ng pamasahe kanina papunta dito. Nakakahiya na."

"Hayaan mo na. Sa ganito lang ako nakakatulong. Hindi ako magaling sa pag-iisip tulad ni Loki at Heimdall. Hindi rin ako magaling sa pakikipaglaban tulad ni Thor. Wala rin akong astig na alaga tulad ni Freyr." Tiningnan ni Christian si Raven na nakatingin din pabalik sa kanya na nakangiti. "At hindi ako tulad mo na confident sa lahat ng bagay at magaling gumamit ng Runes. "

"Sige. Kukunin natin itong lahat."

"Kunin na din natin 'yun," sabi ni Christian habang itinuturo ang isang hairpin na may puting bulalak at puting mga kristal. "Ang ganda hindi ba?"

Napatawa ng mahina si Raven at kinuha ang hairpin na itinuturo ni Christian. "Bill mo naman. Pero huwag mo itong gagamitin sa harap ni Frigga. Baka magwala 'yun."

Si Christian naman ang natawa sa sinabi ni Raven.

-*-*-

Pagdating nila sa tapat ng lingerie shop na kanilang meeting place ay agad iniayos ni James ang mga nabili nilang kagamitan.

"Bigyan niyo ako ng less than three minutes para buksan ang pinto," sambit ni James na handa na sa gagawing hakbang.

Napanganga si Christian dahil sa paghanga kay James. "Three minutes lang? Ang astig niya."

"Ano'ng palang ginawa niyo sa mga CCTV sa paligid?" tanong ni Clark.

"Naayos na 'yun," nakangising tugon ni Hunter na hawak ang isang tubo at pinapaikot sa kanyang kamay at ginagawang batoon.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon