CHAPTER 17: LULLABY

396 26 0
                                    

Nagising si Clark sa kalagitnaan ng gabi na nakakaramdam ng matinding sakit sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay paralisado ang kanyang mga paa. Paglingon niya sa kanyang tabi ay nakakita siya ng anino ng isang babae. Nakaupo ito sa gilid ng kanyang kama at nakayuko.

"Raven?" kahit nanunuyo ang kanyang lalamunan at nanghihina pa ay sinikap niyang tawagin ang babae.

"What do you want to become in your next life?" malamig na tanong ni Raven na hindi siya nililingon.

Huminga muna ng malalim si Clark bago sagutin ang tanong na iyon. Minsan na niya iyong itinanong kay Raven, ngunit sa pagkakataong ito, si Raven naman ang nagbalik ng tanong na iyon sa kanya. "Gusto ko maging ordinaryong tao lang. Walang responsibilidad, walang pakialam sa digmaan at sa darating na Ragnarok."

Dahan-dahang lumingon si Raven sa kanya. Isang ngiti ang gumuhit sa mga pisngi ni Raven nang masilayan na bumalik na sa normal si Clark. "Welcome back," bulong niya dito bago niya ito yakapin.

Kahit hirap na kumilos ay pinilit din ni Clark na gumanti ng yakap kay Raven.

Biglaang bumukas ang ilaw kaya agad humiwalay si Raven at Clark sa kanilang pagyayakapan, at nakita nila sina Frigga at James na nakatayo sa pintuan. Maya-maya ay sumunod rin si Christian na nakapajama at may kayakap na malaking stuffed toy na Charizard mula sa Pokémon.

"Sorry sa istorbo," panimula ni Frigga na mukhang nakabawi na ng sapat na lakas. Pumasok siya sa silid at umupo sa isang maliit na sofa na nasa loob ng silid ni Clark. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Clark?"

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako," nakangising tugon ni Clark sa tanong ni Frigga. "I can't feel the half of my body. Feels like I'm paralyzed."

"Which is true," sabat ni James na lumapit kay Clark at may iniabot ditong isang piraso ng pulang perlas.

Tiningnan ni Clark ang perlas sa kamay ni James. "What's that?"

"Nandito nakakulong ang kaluluwa ni Rig. Lumabas 'yan sa katawan mo nang sungkitin ni Raven si Rig palabas sa katawan mo."

Napahawak si Clark sa kanyang dibdib nang maalala ang kanyang panaginip na sinaksak siya ni Raven sa dibdib gamit ang karit nito. "Hindi 'yun panaginip? Totoong kinuryente ako ni Thor habang nakagapos ako sa mga higanteng vines? At totoong sinaksak ako ni...Hel?"

Napayuko si Raven na mukhang nagi-guilty. "Sorry."

Lumapit si Christian kay Raven at inakbayan ito. "Wag ka mag-alala, ginawa niyo 'yun para kay Dally. Okay lang 'di ba, Dally?" nakangiti niyang tanong.

Kadalasan ay epektibo ang presensiya ni Christian upang pagaanin ang mabigat na pakiramdam ng mga tao sa kapaligiran.

Hindi na sumagot si Clark at idinaan na lamang sa thumbs-up ang tugon at para iparating na hindi siya galit.

"Isa pa pala na dapat natin i-celebrate," nakangiting sambit ni Christian. "Nakakumpleto na si Heimdall ng eight hours na tulog! Whoa!"

"So...ano ang balak mo kay Rig?" tanong ni Frigga kay Clark. "Pwede mo siyang itapon sa malayo o basagin."

"Kung may awa ka, pwede mo naman siya ilagay sa isang bagay na walang buhay, 'yun ang magsisilbing katawan niya," suhestiyon ni James.

Kinuha ni Clark ang perlas at ininspeksyon. "Ano ang huling sinabi ni Rig?" tanong niya.

"Gusto niya maging dragon sa susunod niyang buhay at handa na siya sa gagawin mong desisyon sa parusa niya," tugon ni Raven.

Napatingin si Clark sa stuffed toy na kayakap ni Christian at napangisi.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon