CHAPTER 25: THE PHANTOM PERVERT (part III)

628 44 0
                                    

"Hel?"

"Heimdall?"

"May naririnig kaming sitsit sa hallway kung saan matatagpuan ang shower room, pero wala kaming makitang tao. Pakicheck naman."

Kasalukuyan silang nag-uusap telephatically. Ginamitan din ni Clark si Raven ng surveillance spell tulad ni Hunter para sa mabilis na komunikasyon. Sa isipan.

Napangiti si Raven habang hawak ang kanyang karit. Naglalakad siya papunta sa direksyon ng shower room.

"Ano naman ang mapapala ko sa pagsunod ko sa iyo?" tanong ni Raven habang nilalaro ang kanyang karit gamit ang isang kamay at ginagawa itong batoon na pinapaikot-ikot sa ere.

Mula sa puno ay pinanood ni Clark si Raven na papalapit sa shower room. Hindi alam ni Raven na sinusubaybayan siya nito.

"Ano'ng gusto mong reward?" tanong ni Clark na nakangisi.

Umuulan sa labas kaya bahagyang naging malabo ang salamin sa bintana. Ngunit hindi iyon hadlang upang tumingin si Raven mula sa bintana ng dorm na may katapat na mataas na puno. Tama siya, may napansin siyang anino ng isang lalaking nakaupo sa sanga nito. Dahil sa matagal na pagtira sa Niflheim ay nasanay siyang makakita sa dilim. Sigurado siya kung sino iyon. Madali lamang malaman dahil sa mga kulay gintong mata nitong nagliliwanag sa dilim na tila isang mata ng lobo na naghihintay umatake.

"Personal gift ko sa'yo. Anything you want?" tanong ni Clark. Alam niya nang nahuli siya.

"We'll talk about that about that after this case."

"How 'bout friendly date?"

"Are you flirting with me, Gullintani?" napatingin si Raven sa sahig upang itago ang mukha niyang nakangiti mula kay Clark na nakasubaybay. "Bumaba ka na diyan, lumalakas na ang ulan."

Bumalik sa pagiging seryoso ang ekspresyon ng maputlang mukha ni Clark habang pinapanood parin si Raven. "Flirting? Lahat ba ng sinasabi ko sa'yo, akala mo flirting lang?" hindi na siya nagsalita sa isip. Sinabi niya mismo ang mga iyon. "And please, patigilin niyo na sa pag-iyak si Freyr! Anlamig na dito sa labas!"

Nanatili ang atensyon ni Raven sa sahig. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Naiintindihan niya ang dual-meaning sa mga sinabi ni Clark tungkol sa flirting.

Ngunit...isang bagay ang kanyang napansin sa sahig.

Ang kanina'y ngiting kinikilig ay naging ngisi ng tagumpay!

Ang bagay na natagpuan niya ay maaaring maka-ayos sa kasong ito!

-*-*-

Ilang beses nang lumilingon si Hunter sa paligid. Ilang beses niyang pinakikiramdaman ang direksyon na pinanggagalingan ng pagsitsit.

Nagulat na lamang siya nag biglang bumukas ang pintuan ngunit wala siyang nakitang tao na pumasok. Biglaan din namatay ang ilaw.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now