CHAPTER 18: MJÖLLNIR WAS FOUND!

397 25 0
                                    

Maliwanag ang sikat ng araw. Isang normal na araw lamang para sa mga estudyante ng McClendon University.

Hindi sa lahat...

"Seryoso! Nakita ko na ang Mjollnir!" masiglang sigaw ni Christian sa loob ng Student Council Office.

Walang emosyong tumango naman si James na nakaupo sa sofa na halatang walang pakialam.

"Bakit 'di ka masaya?" malungkot na tanong ni Christian.

"Kasi wala akong pakialam sa Mjöllnir," mabilis na tugon ni James.

"Nasa'n ba si Hunter at Clark! Siguradong sila matutuwa sa ibabalita ko!" nagtatampong sambit ni Christian. "Nasa'n ba sila!"

"Hindi pumasok si Clark. Baka nagpapahinga dahil sa mga nangyari kahapon. Si Hunter naman, lost track. Nasa detention."

"Detention?" gulat na sambit ni Christian. "A-ano'ng ginawa niya?"

"May humamon sa kanyang fraternity ng mga nerd," humiga si James sa sofa at humikab. "And the rest, you can figure out," dagdag pa niya.

"Bakit kung kailan sila kailangan, bigla sila mawawala?" reklamo ni Christian na napakamot sa kanyang ulo.

"Kasama mo naman si Clark sa iisang bahay, hindi mo pa kinausap tungkol diyan."

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan kaya agad iyong binuksan ni Christian. Ang malungkot na mukha ni Rosilie ang sumalubong sa kanya.

"Hi, Ros. Tuloy ka," nakangiting sambit ni Christian.

"N-nandiyan ba si Clark?"

Umiling si Christian.

"Sige, babalik na lang ako sa ibang araw," sambit niya bago umalis.

Maging si James ay nanibago sa pinapakitang ugali ni Rosilie nitong mga nakaraang araw. Madalas ito wala sa klase na tila ba nalilimutan niya na may pinangangalagaan siyang scholarship.

-*-*-

Isang pulang sobre ang nahulog mula sa locker ni Raven matapos niya iyong buksan. Hindi niya maiwasang hindi magtaka kung gaano na iyon katagal sa kanyang locker. Dahil sa isang buwan niyang pamamalagi sa Chaos Academy, isang buwan din siyang hindi nakatuntong sa McClendon Academy at nabuksan ang kanyang locker na puro aklat sa literatura.

Pagdampot niya ng sobre ay nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang nakasulat sa sobre.

"Good morning!" masiglang bati ni Kaizer sa kanya.

Agad niyang itinago ang sobre sa bulsa ng kanyang palda at nakangiting hinarap si Kaizer na seryoso naman ang mukha.

"Love letter ba 'yun?" seryosong tanong ni Kaizer sa kanya.

Umiling si Raven na hindi inaalis ang ngiti. "Wala 'yun."

"Kung galing 'yun kay Heimdall, sabihin mo na. Kundi...-"

"Kundi ano?" unti-unting nawala ang ngiti ni Raven at napalitan ng kaba.

Nagkibit-balikat si Kaizer at umirap sa kanya. "Wala. Tanggap ko na, big girl na ang baby ko. Kung sa inyo ni Dally, alam kong wala na 'kong magagawa kaya...-"

Bago pa matapos ni Kaizer ang kanyang sasabihin ay mabilis siyang niyakap ni Raven. "Salamat, Loki," nakangiting bulong ni Raven sa kanyang ama.

Hindi rin naman napigilan ni Kaizer na mapangiti ng palihim lalo na at bihira lamang maglambing ang bunso niyang anak. Agad niya rin itong niyakap pabalik. "Tara sa cafeteria! Libre mo 'ko lunch. Pagdating ni Dally, kukunin na naman niya time mo. Mawawalan na naman tayo ng father-daughter bonding," mabilis niyang sambit na kunwaring nagtatampo.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن