CHAPTER 27: GHOST STORIES

602 47 0
                                    

May itinurong silid si Frigga para kina Kaizer, James at Hunter. Nais sana niyang bigyan sila ng tig-iisang silid ngunit mas pinili nila na matulog sa iisang silid lamang.

"Basta, ayaw ko ng maingay na bigla na lamang may kakalabog sa kalagitnaan ng gabi, walang mababasag na kahit ano at walang mag-aaway," paalala ni Frigga sa tatlong binata na tatango-tango lamang sa mga paalala niya na parang mga masunuring mga bata.

Bigla na lamang dumating si Christian sa silid nila na may dalang unan.

"Christian?" pagtataka ni Frigga.

"Ako po ang nagyaya sa kanila dito. Kailangan masulit po ang sleepover. Matutulog ako kasama nila," nakangiti niyang tugon.

Paglabas ni Frigga, ay nagtinginan lamang ang apat.

"Palagay niyo dapat natin yayain si Heimdall?" tanong ni James.

"Ako bahala mangumbinsi sa kanya," pagpepresenta  ni Christian. "Tara, tingnan niyo kwarto niya."

Agad silang tumungo sa isang silid na may kulay pulang pinto. May mga nakapaskil na WARNING sign at mga bungo. Iyon lamang ang naiibang pinto kaya agaw-pansin. Ang ibang pinto na katabi noon ay may mga nakaukit na mga bulaklak at kung ano-ano pa.

"Iba talaga trip ni Dally no?" sambit ni Kaizer habang pinagmamasdan ang pinto.

Hindi na nagdalawang-isip si Christian na katukin ito.

Bumukas ng bahagya ang pinto. Sapat lamang ang siwang upang makita nila ang mukhang nanlilisik na mga mata ni Clark. Ang malas niya sa kulay ng mata niya.

"Dally, gusto mo sumama sa sleepover namin?" tanong ni Hunter na hindi man lang na-intimidate sa tingin ni Clark.

"Ayaw."

"Aww, c'mon men! Sige na, magkukwentuhan kami, bigyan kita hidden infos about Hel?" pagyaya ni Kaizer na nakangisi.

"Kung sa'yo magmumula, hindi reliable ang informations."

"Sige na kasi! Tara na!" sigaw ni Christian na tila isang batang namimilit. Itinutulak niya ang pinto pabukas ngunit hindi man lang yun umuusog. Masyadong malakas si Clark para sa kanya.

"Tabi," utos ni Hunter kay Christian. Siya ang pinakamalakas sa buong Asgard. Malakas ang kumpiyansa niyang maitutulak ang pinto.

Napabuntong-hininga na lamang si Clark at agad isinara ang pinto bago pa man iyon maitulak ni Hunter.

Ngumisi si Hunter at itinulak ang nakapinid na pintuan...

-*-*-

Napanganga na lamang si Clark nang masaksihan ang pagtumba ng pinto ng kanyang silid. Lumikha iyon ng malakas na ingay na siguro'y umabot hanggang sa kapitbahay. Ngunit soundproof pala ang mga dingding nila.

"Wow! Anlinis pala ng kwarto mo!" sambit ni Christian na bakas ang pagkamangha. Ngayon lamang niya napasok ang silid nito. Kaunti lamang ang kagamitan ngunit napapanatiling maayos at malinis.

"A-ang pi-pinto ng kwarto ko," gigil ma sambit ni Clark. Napatayo siya mula sa study table niya at dahan-dahang lumapit sa wasak na pinto ng kanyang silid.

"Bakit may kama pa, hindi ka naman natutulog?" tanong ni James kay Clark na namumula ang kulay gintong mata sa galit.

"Ano'ng nangayayari dito?" kinakabahang tanong ni Frigga na nagmadaling bumangon matapos marinig ang malakas na kalabog. Maging siya ay napanganga nang masaksihan ang wasak na pinto ng silid ni Clark. "Sino ang may gawa nito?" sigaw ni Frigga habang nakatingin kina Hunter, James at Kaizer.

Mabilis at sabay na itinuro nila James at Kaizer si Hunter.

-*-*-

"Ayaw mo parin matulog kasama namin?" nagtatampong sambit ni Christian kay Clark na kasalukuyang abala sa pagtitipa sa laptop.

Marahas na isinara ni Clark ang kanyang laptop at tiningnan ang nakangusong si Christian. Katabi niya sina Kaizer, Hunter at James na nakangiti at umaasang makukumbinsi siya.

"Hindi ko kailangan matulog! Magiging babysitter niyo lang ako kung sakali!" naaasar niyang tugon.

"Yun nga eh! Hindi naman kailangan matulog sa sleepover. Mas marami ang kwentuhan, kulitan at games," sabat ni Hunter na hindi pa rin nadadala kahit pinalampas ni Frigga ang pagsira niya sa pinto ng silid ni Clark. Naghahanap parin siya ng gulo.

"Slumber party 'yang sinasabi mo," tugon ni Kaizer sa sinabi ni Hunter.

"Duh! Slumber party are for girls only," sabat naman ni James.

"Layas!" sigaw ni Clark.

Lumabas si Christian kasunod ang tatlo. Ngunit imbes na sumuko ay dinala ng mga ito ang lahat ng unan at tulugan sa silid ni Clark.

"A-anong...-?"

"Kung ayaw mo kami samahan magsleepover dun, ikaw ang sasamahan namin dito!" mabilis na tugon ni Christian na hindi na pinatapos ang sasabihin ni Clark. Inilatag niya na ang tutulugang futon.

-*-*-

Kasalukuyang nagkukwentuhan sina Kaizer, Hunter, Christian at James ng katatakutan.

"Pagkatapos ay isang malamig na kamay ang gumapang sa kanyang pisngi...-" kwento ni James na naghatid ng matinding takot sa tatlo. Magaling magkwento si James. Makatotohanan ang bawat expression niya, seryoso at malilikot ang mga mata na tila naramdaman talaga ang natatakot na emosyon ng karakter na nasa kwento niya. Kaya nga marami siyang nabobolang babae dati noong nasa Asgard pa sila. Dahil sa galing niyang manalita.

Maging si Clark na nakasubsob ang ulo sa kanyang study table ay hindi rin maiwasang palihim na matakot sa pagkakakwento ni James. Hindi niya maiwasang hindi marinig at tutukan ang kwento nito.

"Ta-tapos?" nanginginig na tanong ni Kaizer habang mahigpit na kayakap sina Hunter at Christian na kapwa nanginginig din sa takot.

"Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at...hindi...ang kanyang nakita ay isang nilalang na may napakaputing mukha! Ang sinasabing multo ng babaeng pinatay sa apartment niya!"

-*-*-

Nasa kalagitnaan si Frigga ng kanyang beauty rest. Isa siya sa mga diyosa na may pinakamagandang mukha sa Asgard. Kailangan niya iyong panatilihin kahit nasa Midgard na siya. Kaya naman sinasanay niya ang sarili na makakuha ng tulog na higit sa walong oras. Iba't-ibang uri din ng mga facial mask na pamparelax ang kanyang ginagamit sa pagtulog upang makapagrelax ang kanyang mukha.

Ngunit sa gabing ito, sa muling pagsasama-sama ng mga dating kapwa diyos sa Asgard ay isang gabi na imposibleng makakumpleto siya ng isang mahimbing na beauty rest.

Isang maingay na sigawan ang kanyang narinig mula sa isa sa mga silid. Hindi mapigilang hindi maalimpungatan dahil sa ingay na narinig.

Mabilis siyang tumungo sa silid na pinag-iwanan sa apat na binatilyo. Nakaramdam siya ng kaba sa posibilidad na nagtatalong muli sina Clark at Kaizer.

-*-*-

"Hindi pa tapos!" salaysay pa ni James na itinatapat ang hawak na flashlight sa kanyang mukha at gumagapang pa-abante habang sina Christian, Hunter at Kaizer ay pa-atras ng pa-atras dahil sa takot sa kwento niya. "Unti-unting dinukot ng babaeng may maputing mukha ang kanyang kanang mata...-"

Napatili muli ang tatlo at nagkagulo. Hindi sinasadya na nasagi ni Kaizer ang isang standing mirror gamit ang kanyang kaliwang kamay. Natural lamang para sa kanilang mga Aesir ang may mabibigat na kamay.

Agad napa-angat ang ulo ni Clark nag marinig ang tunog ng nabasag na bagay. Nagulat na lamang siya nang matagpuan ang maraming piraso ng nabasag na salamin. "Kaizer!" napatiim ang kanyang bagang. Bakas ang pagka-inis sa kanyang boses.

Biglang bumukas ang pinto at agad silang napatili ng sabay-sabay ng makakita ng babaeng may maputing mukha. Agad silang nagyakap-yakap. Kasama si Clark na nanlalaki ang mga mata sa takot.

"Ku-kukunin niya a-ang mga m-ma-mata natin!" nauutal na sigaw ni Christian.

"Mga bata!" sigaw din ni Frigga na nakasuot lamang ng facial mask.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now