CHAPTER 10: PROPER ENDING FOR A FAIRYTALE

421 26 0
                                    

"You look so beautiful today
When you're sitting there
It's hard for me to look away
So I try to find the words that I could say"

Maging ang mga tao ay natahimik at nakinig sa malungkot na awitin ni James. Hindi ang awit ang malungkot, kundi ang paraan niya kung paano niya ito kantahin.

Samantalang si Ellery ay hindi napigilan ang sarili na mapahagulgol ng tahimik habang pinakiknggan ang awit na iniaalay sa kanya ni James. Ramdam niya ang pait na nararamdaman nito sa bawat salita ng kantang inaawit nito.

"I know distance doesn't matter
But you feel so far away
And I can't lie
Everytime I leave my heart turns gray
And I, wanna come back home to see your face tonight
And I just can't take it"

Maging si Clark ay nakikisabay sa pagkanta ni James. Napansin niya rin ang pag-alis ni Kaizer at Hunter na nagbubulungan ngunit binalewala niya na lamang iyon. Mas itinuon niya ang kanyang atensyon sa pagbabantay kina Ellery at James.

"Another day without you with me
Is like a blade that cuts right through me
But I can wait, I can wait forever"

Maya-maya ang isa sa mga spotlight na nakatutok kay James ay unti-unting umusog at natutok kay Ellery.

Napatingin si Christian at Freya sa kung sino man ang kumokontrol sa spotlight. Napangiti na lamang sila dahil sa tuwa nang malamang sina Hunter at Kaizer ang nagmani-obra ng spotlight.

"When you call, my heart stops beating
When you're gone, it won't stop bleeding
But I can wait, I can wait forever"

Napatigil si James sa pagkanta nang makita niya si Ellery sa dahil sa liwanag ng spotlight na nakatutok sa kanya.

"G-Gerda?" nauutal niyang sambit na walang pagdadalawang-isip na ibinalik ang hawak na mikropono sa stand at iniwan ang entablado upang puntahan si Ellery.

Naguguluhan ang mga tao sa mga nagaganap ngunit gumawa parin sila ng daan para kay James papunta kay Ellery. Mukha isang eksena sa pelikula ang lahat.

"Nahanap mo ako?" naluluhang sambit ni James kay Ellery nang magkalapit sila.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Ellery, agad niyang sinunggaban ng mahigpit na yakap si James. "So-sorry...na-naaalala k-ko na ang la-lahat...Freyr," bulong niya kay James na niyakap din siya ng mahigpit.

"Shhh. Ako ang dapat magsorry kasi naging mahina ako. Sa sobrang hina ko, hindi ko man lang nagawang humarap sa'yo. Nagpadala pa 'ko ng dummy," naluluhang sambit ni James.

"This song is dedicated to the lovers over there!" sigaw ni Kaizer na nasa entablado at hawak ang mikropono na nasa stand na gamit kanina ni James.

Sa tabi ni Kaizer ay sina Clark na may hawak na electric guitar, si Hunter na hawak ang isang bass guitar at si Christian na nasa drums.

Naghiyawan naman ang mga tao para kina Ellery at James.

"Please aim slow
I know it's not like you
To take the fall
For anyone but yourself"

Nagsayaw ang mga tao sa saliw ng kantang inaawit ni Kaizer. Maganda ang boses ni Kaizer kaya nadala ang iba na nakaka-alam ng kanta at napasabay sa kanya.

"Let me show you a world
That you've never seen
Let me help you around
What you meant to say
There is no time to waste
Well if I love you, you can't hesitate"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now