CHAPTER 36: BLACK MAGIC SHOP

534 31 0
                                    

"Tara! Sakay na! Maluwag pa!" sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan nila.

Iritado ang lahat ng taong nakasakay dahil sa baduy na tugtog sa radyo ng bus. Love song sa tanghaling-tapat.

"Oh, sure! Magpasakay ka pa! Kasya pa fifty!" pagpaparinig ni James sa nang-iinsulto sa konduktor ng bus. Kahit hirap sa posisyon dahil hindi sanay sa siksikan ay sinisikap parin niyang kumapit sa pole na kaharap. Ngunit nahihirapan parin siya dahil basa na ito ng pinaghalo-halong pawis ng mga taong nakakapit din dito kaya naging madulas ito at mahirap kapitan.

"Oh? Kasya pa daw fifteen! Sakay na!" sigaw pa ng konduktor.

Binatukan ni Hunter si James. "Baliw, bakit mo sinabi 'yun?! Palagay mo ba kasya pa kinse dito? Tatlo pa nga lang, hirap na idagdag at ipagkasya dito!"

"Sorry, akala ko, magegets niya yung pamimilosopo ko." Mabuti na lamang at nagkamali ng dinig ang konduktor at hindi na nagyaya pa ng singkwentang pasahero.

"Tapos hindi niya nagets, kaya ito, makikipagsiksikan pa tayo habang nakatayo sa loob ng tatlong oras," sabat ni Kaizer na hindi mapakali dahil naiirita sa init at siksikan.

"Hoy! Bakit ka ba atras ng atras?!" reklamo ng lalaking nasa likuran ni Kaizer. Tiningnan niya ito. Ang hitsura nito ay tulad ng mga tipikal na lalaking siga sa lansangan na sa mga mga telenovela lamang masasaksihan. Tayo-tayo ang mohawk nitong buhok na kulay pula at tadtad ng tatoo ang malaki nitong katawan. Malaki dahil sa mga  taba. Nginitian na lamang siya ni Kaizer at tinanguan. "Nag-gy-gym ka 'ata tol. Nice body," pambobola niya sa lalaki.

"Talaga?" nakangiti namang tugon ng lalaking siga. "Three years na'ko nag-gy-gym. Ang laki nga daw ng change."

Ngumiti si Kaizer at bumulong sa sarili. "Kung mukha kang giant squid ngayon, ano pa kaya itsura mo three years ago?"

"Tara! Sakay na...!"

"Manong naman!" sigaw ni Clark na hindi na nakatiis. "Utang na lo...-" bago pa niya maituloy ang sasabihin ay tinakpan na ni Raven ang kanyang bibig gamit ang kamay nito.

"Heim, please, 'wag ka dito magwala," pakiusap ni Raven kay Clark na walang magawa kundi ang tumango at sumang-ayon. Alam ni Raven na mahirap pakalmahin si Clark kapag galit kaya bago pa man ito magalit ay kailangan na nito kumalma.

"Sana po, maging safe kami at komportable sa aming biyahe. Salamat po," dasal ni Christian na nakakapit sa pinakamalapit na upuan sa kanya.

"Nakita niyo ba si Gullinbursti?" tanong ni James.

"Ahhhhhhh!!! May dagaaaaa!!!" sigaw ng mga tao sa bus.

Dahil sa gulat ng driver ay inihinto nito ang bus upang pakalmahin ang mga pasahero.

Sa biglaang pagpara ng bus ay biglaang nadulas si James sa kinakapitang pole, sa kasamaang palad, siya ang nasa tapat ng pinto, at idagdag pa sa kamalasan niya ay ang muntikan niyang paggulong sa bukas na pintuan ng bus.

Mabuti na lamang ay mabilis na nahila ni Hunter si James na malapit nang mahulog.

"Freyr! Kumapit ka lang!" sigaw ni Hunter.

"Huwag mo akong bibitiwan, Thor!"

Nagpatuloy ang love song na tinutugtog ng radyo. "Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin." Ang kantang iyon ang nagsilbing background music.

"Tama na, kalma na. Kadiri ang bromance niyo, kaloka," paninira ni Kaizer sa eksena ng dalawa.

Paghinto ng bus ay agad nagsibabaan ang ilan sa mga taong nakasakay sa bus. Karamihan ay mga babae ngunit may ilan din namang mga lalaki. Nakakatawa nga lamang malaman na kasama sa bumaba habang tumitili ang lalaking mukhang siga na kausap kanina ni Kaizer.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now