CHAPTER 35: BACK TO NORMAL LIVES

588 41 0
                                    

Paranormal Mystery Solvers Clubroom...

"Kamukha talaga niya si Gerda," pang-ilang beses nang sinasabi ni James habang nakatitig sa larawan ng babae na nakasuot ng itim na bikini.

Ang babae sa larawan ay may mahabang itim na buhok at kayumangging kutis. Maganda rin ang katawan nito at ang mukha.

"Oo na! Sige na! Gerda na naman!" reklamo ni Hunter na abala sa pagtingin sa mga nakuha niyang larawan. "Tingnan mo itong blonde na nakapink, pareho sila ni Sif ng hair color. Gold-blonde."

"Alam mo, Thor, kapag nakita ni Rosilie 'yang mga hawak mo, palagay ko, mate-turn-off 'yun sa'yo. Tapos iniisip mo pa si Sif?"

"First love ko si Sif, eh. Si Rosilie naman...oo nga, nasaan na nga kaya si Rosilie ngayon?"

-*-*-

Student Council Office...

"Ito. Perfection Potion for Imperfections," sabi ni Christian habang iwinawagayway ang isang maliit na bote sa harap nila Raven, Kaizer at Clark. "Effective ito, sa isang patak lang, nawala ang pimple ko sa loob lamang ng isang araw."

"Saan mo naman nabili 'yan?" tanong ni Kaizer na puno ng pasa ang mukha at may blackeye sa kaliwang mata dahil sa pambubugbog ni Raven. Iyon talaga ang paraan ng father-daughter talk nila. Si Raven lang nama ang anak niya na malakas ang loob na sagutin siya. Maswerte pa nga siya at naawa si Christian sa kanya kanina at pinakawalan siya mula sa pagkakagapos. Dahil mukhang walang balak sina Clark at Raven na kalagan siya.

Binasa ni Christian ang sticker na nakapaskil sa label. "Sabi dito, from Black Magic Shop."

"Black Magic Shop?" nagtatakang sambit ni Clark. Pamilyar sa kanya ang mga salitang iyon ngunit hindi niya lamang matandaan kung bakit.

"Teka nga, kung nakagawa iyan ng himala sa pimple ni Balder, posible kaya na may magawa rin silang paraan para sa inyo?" suhestiyon ni Raven.

"That's it!" masayang sambit ni Clark na may kasama pang pagpitik sa daliri. "Naaalala niyo pa ang ginamit na invincibility cape ni Josh Marty?"

"Oo naman. Nakakainggit nga eh. Kung ako may gano'n, sigurado doon na ako matutulog sa girl's shower room gabi-gabi," nakangising sambit ni Kaizer na pinapaikot-ikot ang inuupuang swivel chair.

"Naaalala mo pa ba 'yung eksaktong lugar kung saan mo nabili 'yan?" tanong ni Clark.

Napaisip si Christian panandalian. Hindi niya alam ang pangalan ng lugar, kung ano ang pangalan ng kalye. "Ang natatandaan ko, binili ko ito sa isang babae na nagcocosplay, sa tapat ng isang fastfood chain."

"Ano'ng fastfood chain?" tanong nnaman ni Raven.

"Lam-On Lang."

Napailing naman si Kaizer habang natatawa. "Ang weird ng pangalan ng mga fastfood chain dito sa Midgard."

"Puntahan natin," pag-anyaya ni Clark na hindi maitago ang pagkasabik na makabalik na sa tunay na katawan.

"No!" pagsalungat ni Kaizer na nakahalukipkip. "Hindi ako lalabas na puno ng pasa ang mukha. It'll shutter my self-confidence."

"Ito, ipapakita ko ang epekto ng Perfection Potion." Lumapit si Christian kay Kaizer at pinahiran ang blackeye nito ng isang patak mula sa potion.

Namangha naman sina Clark at Raven habang pinapanood ang dahan-dahang paghilom ng blackeye. Ibig sabihin ay epektibo talaga ang mga produkto ng Black Magic Shop. Matapos ang mahigit tatlong minuto ay nawala na ng tuluyan ang mga pasa ni Kaizer.

"Ano? May reklamo ka pa?" malamig na tanong ni Clark kay Kaizer na abala sa pagtingin sa isang hand mirror na hindi nila alam kung saan niya nakuha. Bigla na lamang iyon lumabas sa kanyang kamay. "Baka naman pwede na tayo umalis?"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora