CHAPTER 11: FIGHT FOR PRIDE

494 26 0
                                    

"Money in the Bank? Ano 'yan?" tanong ni Hunter kay Clark nang makita niya itong may ipinapaskil na poster sa bulletin board na nasa labas lamang ng student council office.

Ngumisi si Clark. "Kung fan ka ng WWE, alam mo 'yan."

Napangisi rin si Hunter na hindi inaalis ang tingin sa poster. Maganda ang pagkaka-edit nito ngunit hindi pantay ang ilang mga letra. Mukhang lasing ang nag-edit ng poster. "As in katulad din sa WWE na pwede mambugbog? Buti pumayag si Frigga."

Ngumisi si Clark at tiningnan si Hunter ng diretso. Isang tanda na may kalokohan siyang naiisip o isinasagawa. "That's exactly the case, wala si Frigga so she asked me to be the temporary OIC of the school. Cool, right?!"

"So plan mo 'tong Money in the Bank? Walang alam dito si Frigga?" pagkukumpirma ni Hunter.

Tumango naman si Clark habang nakangiti na parang isang bata. "Hindi lang 'yan ang naisip ko, may naisip din akong steel-cage match. Gusto mo sumali? Ihaharap kita kay Jormungand!"

Umiling naman si Hunter. Sa ikalawang pagkakataon, nakikita niya na naman ang isang parte ng ugali ni Heimdall na hindi inaakala ng sinuman. "Wag na, hihintayin ko nalang ang Ragnarok, 'dun nalang kami magpapatayan."

Napakibit-balikat naman si Clark sa sinabi ni Hunter. "Ikaw bahala. Pero sumama ka man lang sa Money in the Bank, magreregister daw ni Brendan."

"Siguradong sasama lang siya para idisplay ang katawan niya," nakasimangot na sambit ni Hunter na bakas ang pagka-inis sa Jotun na kanilang ka-eskuwela.

"Exactly, pero kung sasali ka, kahit lumiit katawan mo ngayon, 'di tulad noon, possible na matalo mo siya," pangungumbinsi ni Clark kay Hunter.

Umiling muli si Hunter. "Hindi. Tinuruan ako ni Auntie Cherry na tigilan ang pagiging bayolente dito sa Midgard."

"Wow! Si Cherry, aka Verdandi? Yung babaeng siga na laging may dalang hunting rifle at sigarilyo...-"

"Uy, nagbago na siya. Vape nalang ngayon, hindi na sigarilyo!" pagtatanggol ni Hunter sa kanyang kinilalang tiyahin. "Kahit siga siya, sweet naman siya at motherly."

Hindi mapigilan ni Clark na matawa sa kanilang pinag-uusapan. "I still can't believe."

"Oh, sige, bahala ka na diyan, mauuna na 'ko may klase pa 'ko kay Braggi," paalam ni Hunter kay Clark. "Ayoko na dito, lumuluwag na naman turnilyo sa utak mo."

Nawala ang ngisi ni Clark at napalitan ng kanyang poker face. "Bihira lang 'to lumuwag, 'di tulad ng kay Kaizer na madalas," walang emosyon niyang sambit.

"Epekto ba ng hangover last three nights and two days ago?"

Natahimik si Clark at napaisip. "Dude, what the hell happened that night?"

-*-*-

"Raven! Ang weird ng mga nangyayari!" pagsusumbong ni Christian kay Raven na kausap niya ngayon sa Messenger sa pamamagitan ng video call.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Raven na balot ng kamot at halatang may sakit.

"Andami ko nakikitang nagwo-work-out! Pati 'yung mga geek at nerd sa Alien Files Club, nagpa-practice ng martial arts at nagba-body-building! Yung iba nagbubugbuhan! Nawala lang si Mama Frigga, si Clark ang OIC, nagkaganito na ang lahat!" natataranta niyang sumbong. Nagulat siya nang may makitang dalawang lalaking nagre-wrestling sa likuran ni Raven. "Bakit puro kabayolentehan ang nakikita ko?"

Tiningnan ni Raven ang mga lalaki sa kanyang likuran. "Percy, Crimson, please 'wag kayo magulo," pakiusap niya sa dalawa. Ibinalik niya ang atensyon kay Christian. "Chan, next week na opening ng intramurals diyan 'di ba? Pupunta ako diyan next week, don't worry, iche-check kita diyan. Same with Clark and Kaizer kung may ginagawa silang kalokohan."

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now