CHAPTER 7: THE TALE OF FREYR AND GERDA (PART II)

467 25 0
                                    

"Wala parin!" padabog na sambit ni Freya na sinusubukang hanapin ang kapatid sa isang batsa ng tubig na may kulay asul na likido.

Hinimas ni Frigga ang kanyang likuran at inalalayan siyang umupo sa pinakamalapit na sofa. "Freya, utang na loob, kumalma ka."

"Malamang ay gumagamit siya ng concealing spell para hindi natin siya matrace! Pa'no kung nagsuicide nga siya?! Frigga, ano'ng gagawin ko?" sambit ni Freya na hindi napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. "Nang minsang ako ang nawala, nag-alala din siya at ginawa ang lahat upang mahanap ako."

"Freya," ipinagpatuloy ni Frigga ang paghagod sa likuran ni Freya. "Lahat tayo ay nag-aalala. Siguro sa pagkakataong ito ay kailangan na rin nating humingi ng tulong sa inyong ama."

Agad napa-angat ang ulo ni Freya at tiningnan si Frigga. "S-si ama...Njord. Ano naman magagawa niya?"

Bago pa makasagot si Frigga ay biglaang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya na si Clark ang tumatawag kaya sinagot niya agad iyon.

"Heimdall?...mabuti naman at gising na si Gerda...ano? Ang susi ng Honda Jazz ko?...gamit ko ngayon, 'yung Toyota Fortuner na muna ang gamitin niyo, nandoon sa kwarto ko ang susi, sa ibabaw lang ng dressing table ko...at Heimdall, mag-iingat kayo."

"Frigga...may balita ba?"

Ngumiti si Frigga kay Freya. "Gising na si Gerda. Naghahanda na sina Heimdall at Balder na hanapin si Freyr. Si Njord ay saksi sa pag-iibigan ni Gerda at Freyr, posibleng may alam siya kung nasaan si Freyr. Kung wala man ay karapatan parin siyang malaman na nawawala si Freyr."

"Si-sige, pupuntahan ko na si ama para ipaalam ang pagkawala ni Freyr."

"Freya,"sambit ni Cherry na may hawak na cellphone at vape. "Isama mo na si Hunter at Kaizer papunta kay Njord. Marunong naman magmaneho si Hunter kahit papa'no."

May iniabot si Frigga na susi kay Freya. "Gamitin mo na iyan."

-*-*-

"Saan sa palagay mo natin makikita si James?" tanong ni Christian kay Clark pagkalabas nila sa mansyon upang pumunta sa garahe.

Ngumisi si Clark habang itinataas ang mga manggas ng suot niyang hoodie jacket. "Alam natin na laklakero si Freyr kaya...-"

"Beerhouse?"

"Wala pa akong sinabi ah."

Sa hindi kalayuan ay may napansin si Clark na nakatayo sa kanilang gate. Isang babaeng nakasuot ng itim na jacket at mini skirt na may itim na payong. Iba na ang ayos ng buhok nito na nakaponytail ngunit hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ito.

"Raven!" sigaw niya na biglaang tumakbo sa gate
Hindi alintana ang pagbuhos ng ulan.

"Tinawagan nga pala ako ni Chan kanina kaya alam kong hinahanap niyo si James."

Biglang yumakap si Christian kay Raven nang makapunta sila ni Clark sa garahe upang majasilong. "Namiss kita, Raven!"

"O-oo, Chan, ako din, namiss ko kayo," natatawang sambit ni Raven na hinihimas ang ulo ni Christian.

Napasimangot si Clark nang maunahan siya ni Christian na mayakap si Raven. Hindi niya mapigilang iiwas ang kanyang tingin sa dalawa na nagkukumustahan. Napadako ang mga mata niya sa isang kalapati na nasa sanga ng puno sa kanilang bakuran.

"By the way, may kilala ako na possible na makatulong sa atin." Tinawag ni Raven ang kalapati na nakita ni Clark. Agad din naman lumapit ang kalapati at nagpalit-anyo bilang isang babaeng kasing-edad lamang nila. Maganda ito ngunit kapansin-pansin ang mga mata nito na walang buhay at purong kadiliman. "Siya nga pala si Helle, as in H-E-L-L-E, 'di ba same kami ng name, pero ako kulang sa letters siya sobra," nakangiting sambit ni Raven na inakbayan si Helle.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Where stories live. Discover now