CHAPTER 32: RUINED LIVES (part I)

602 40 0
                                    

Kinabukasan, nasa loob si Kaizer ng opisina ni Clark. Kahit hindi siya komportable dahil sa init ng panahon ay nagawa pa niyang makiupo sa swivel chair nito habang nakikiwifi at nagfe-facebook gamit ang iPhone ni Clark na puno na ngayon ng kanyang selfie. Ang benefits nga naman ng president.

Napangiti siya nang masaksihan ang bagong laman ng kanyang newsfeed...uh, newsfeed pala ni Clark dahil ang account na kanyang ginagamit ay kay Clark.

"Hey, Dally, look at this!" pang-aasar niya kay Clark na nasa loob din ng opisina at nakatayo sa tabi ng bintanang nakabukas na tila may inaabangan.

Tiningnan siya ni Clark, ngunit hindi ito sumagot. Alam niyang iniinis lamang siya ni Kaizer. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya, oras na nangingibabaw na ang kanyang galit. Ngunit kung si Kaizer ang kausap, sino ba naman ang hindi maiinis? Isa pa, hinihintay niya si Raven. Anumang oras, siguradong pupunta siya sa opisina...at, ipagtatapat niya na ang katotohanan sa sitwasyon nila.

"Dally, bakit ba kasi nasira ang aircon dito?" tanong ni Kaizer habang binubuksan ang unang dalawang buton ng kanyang suot na uniform. Tiningnan niyang muli ang iPhone at napangiti sa kanyang nasaksihan. "Tingnan mo 'to, bilis! Status ni Hel. Ang cute."

Napabuntong-hininga na lamang si Clark nang marinig ang mga sinabi ni Kaizer tungkol kay Raven.

Kinuha niya ang kanyang iPhone at tiningnan ang sinasabi ni Kaizer. Selfie ni Raven kasama si Christian. Binasa niya ang caption ng status...

Problems make life interesting, and overcoming them makes life meaningful.

It's alright, Christian, I'll be there for you.

#MyGodOfJOY

"Haha! My god of joy! They do look cute together, right?" pang-aasar pa ni Kaizer na patuloy sa paglike ng mga ipinost ni Raven.

"Akin na 'yan," mabilis na inagaw ni Clark ang kanyang iPhone mula kay Kaizer. Saglit siyang nagpipindot sa screen at makalipas ang ilang minuto ay inilapag niya ang iPhone sa lamesa.

Kinuha ni Kaizer ang iPhone. Napataas ang isa niyang kilay nang malamang nagdeactivate si Clark ng account.

"Dally? Are you jelly?" pang-aasar niya kay Clark na kasalukuyang isinasara ang bintana.

Hindi sinagot ni Clark ang kanyang tanong. "Alis diyan," utos niya kay Kaizer.

Umiling si Kaizer. "Tell me first, are you jealous? Kasi sa totoo lang, gusto ko si Chan for Raven."

-*-*-

"Ro-rosilie? Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Hunter na pilit hinihila ang dalaga palayo sa campus quadrangle.

"Dahil sa init ng panahon, lamig na dulot ng ulan ang kailangan ng lahat. Kaya magre-rain dance ako," nakangiti niyang tugon. Hindi niya inaalintana kung pinagtitinginan at pinagtatawanan siya sa kanyang kasuotan na mukhang para sa isang ancient shaman.

"Rosilie! Pinagtitinginan ka na!" saway muli ni Hunter.

"Kailangan natin ng biyaya galing sa langit."

Isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat mula sa second floor ng kanilang building. Nagulat na lamang ang lahat nang bumagsak si Clark mula doon.

"Bi-biyaya galing sa langit?" nakangiwing bulong ni Hunter habang nakatingin kay Clark na mabilis nakabangon sa kabila ng pagkahulog. Tiningnan niya ang bukas na bintana kung saan nahulog si Clark at doon niya nasaksihan si Kaizer na nanlilisik ang mga mata.

Yumuko naman si Rosilie. "Salamat po sa biyaya," bulong niya.

"Lupet niya!" reklamo ni Clark na nag-iinat. Wala mang bakas ng galit ang kanyang pananalita ay mukhang may hindi tama. Rinig niya ang pagtunog ng ilan sa kanyang mga buto sa bawat pag-iinat niya...buto pala ni Clark. Isang bagay lamang ang laman ang kanyang isipan: MADAYA! Hindi ko ito katawan, pero ako ang nakakaramdam ng sakit!

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon