12. The First! :)

1K 23 8
                                    

Ate MaricarBautista1 pwede mo ng ipagpatuloy ang pagababasa kasi pinagpapatuloy ko na ang pagsusulat :) <3

*****

12. The First! :)

Pumunta kaming MOA. Etong lokong to, MOA ang peg? 

"Ano bang bibilin mo?" tanong ko ng may buong pagtataka.

"Panregalo sa isang especially na babae, Aein."

Isang special na babae? Sino naman kaya.

Pero hindi na ako nagtanong ulit, mahirap na. Ayokong masaktan... baka isa sa mga babaeng mahalaga sa kanya o kaya mahal niya, pwede ding nililigawan niya. Ay ano ba itong napasok.

"Ano bang magandang iregalo sa mga babae, Aein." nakatingin siya sa akin habang nagpapa-cute. Kainis!

"Depende. Ano bang hilig nung babae?" casual kong sagot with Hashtag fake smile! :|

"A... e... ikaw? Ano bang hilig niyo?"

Okay... dapat pala di na lang ako nagtanong, pero oo nga... e kung alam niya papasama pa ba to sa akin?

Kung ako ang bibigyan syempre gusto ko makatanggap ng stuffed toy... yung cute :)

"Alam ko na..." tapos hinila ko siya sa Blue Magic.

Okay! Hindi naman kailangan tumakbo, I am just too excited... spare me! :)

"Ano nga?" tanong niya... at tinuro ko ang pinakagusto kong matanggap kung saka-sakali.

"HUGE TEDDY BEAR?" as in life size ang laki.

"Oo! Nako! Pihadong matutuwa yun sayo..."

Kaso mahal! HAHAHA! Bahala siya, magdusa siya... hindi naman para sa akin yang teddy bear e, haha!

"Ok. I'll get it." sabi niya at pumasok siya sa loob at binili nga.

Nung dumaan ako dito it costs 3K e... hala ang yaman niya! WAAAAAAAAAAAAH!

"Oh, buhatin mo!" medyo masungit siya nung binigay sa akin.

"Ay ang drama! PWede namang hindi ito ang binili mo diba? Balik mo na... ako pa papagurin mo."

"Wala na. Nabili na, kaya buhatin mo! HAHAHA!" badtrip to!

Kundi lang sa pangakong pagkain e. :3 Nagugutom na ako.

Nag ikut-ikot kami sa mall na buhat-buhat ko yung malaking teddy bear, andami namang natutuwa ang cute daw at ang cute daw namin together...

If I know, alalay kaya ang peg ko dito! Ni hindi man lang magpaka-gentleman at ngumingisi lang sa akin... horrible!

Dumiretso kaming Yaki Mix! Wooooooooow! Favorite ko dito kumain e.

"Eat everything you want!" sabi niya sa akin.

Ay talagang kakain ako! Bongga siya! Babawi ako sa walang habas na pagpapabuhat ng regalo niya kung sinumang babae yun. CHAKA! -______________-

Andami kong kinain! Yiheeee! Full na full ako. :)

"Ang takaw mo... pero okay lang yan, magpakatotoo ka lang pag kasama mo ko..."

Hayieeeeeeee! Bakit ako kinikilig?

Tapos dumiretso kami ng Dairy Queen, ICE CREAM NAMAN! Hahaha!

PInakain ako ng pinakain ng mokong na to!

"Napapansin ko ah, pipataba mo ko!" -_____________-

"Naku? Hindi ah! Hindi na kailangan, mataba ka na kaya!"

"Ambad mo! Mataba ba ako? Tsss..."

Tapos nag ikut-ikot pa kami sa mall...

Hanggang sa pag-uwi ay ako parin ang nagbubuhat ng gift kaya napuna ko na.

"Oy! Para kanino ba to? Sige ka... iuwi ko to!"

"Edi uwi mo!"

"Huh? Bakit... adik ka ba?"

"Hindi. Iuwi mo nga..."

"Iuuwi ko talaga to!"

"Oo nga. Tss."

"O bakit ka galit?"

Tapos tinignan niya lang ako.

"Di ka kasi marunong magbasa!"

"Anong magbasa?"

Tapos napatingin ako sa TEddy bear na may note.

Ateng Baliw,

Para sayo yang si Teddy Bear... ano ba pangalan? Ikaw na mag-isip! Pambawi ko yan sayo kasi minalas ka ata nung nakilala ako, but don't worry kasi... malapit na ang swerte mo.

Kuyang Praning,

"Alam mo adik ka talaga! Akin pala to kaya pala ako ang pinagbuhat mo, sana umamin ka nalang na akin pala to! Tss."

"E kasi baka pag sinabi ko, mahiya ka na... sabi ko naman e, magpakatotoo ka pag kasama ako."

Achuchuchu! May ganun? Kainis... para pala kaming nagdate ni Praning :3

I see hearts everywehre! CHarot!

"Umuwi kana.. gawin mong keychain yan ah! Dapat bukas makikita ko yan..."

Nanlaki ang mga mata ko...

"Sa SCHOOL?"

"Oo, sa school. HAHAHA! Bye Aein ko..."

Sabay takbo. Aein niya daw? HAHAHA! Kinikilig ako. Kaso naalala ko na dadalin ko sa School ito, pano yun? Adik lang?

Ambigat nito... Huhuhu! :(((((((((((((

*****

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now