76. Mixed up!

371 8 0
                                    

76. Mixed up!

Ylleina's POV


"Ako si Maria Leonora Teresa. Namatay ako noong November 11, 1993. Nabundol ako ng sasakyan at tinakbuhan ako. Isend mo ito sa limampung tao sa loob ng isang oras kundi, may mangyayaring masama sayo. Baka magpakita pa ako sayo!

-Sorry po sinend lang din sa akin. Bawal balik."

Peste naman oh! Nananakot pa kayo sa mga Chain Message niyo? Utot! Akala mo maniniwala ako sa inyo. Kahit may load ako ngayon, hindi ako magsasayang ng effort at oras sa mga gantong kalokohan!

Tinatakot pa ako? E mas nakakatakot kaya yung realidad na mawawala sa akin si Gian! -_- As if namang mangayayari din yun!

Eto pa yung isa...

"Maganda at masipag si Princess Sarah! Send mo to sa 10 tao. Kung hindi magiging patatas ka! Wag kang magulo, yung kapitbahay namin french fries na!"


Mga walang magawa sa buhay!? Babalatan ko to ng mga buhay e!

Binato ko yung cellphone ko sa kama at pag minamalas ka nga naman, tumalsik sa sahig! BASAG! Pero syempre joke lang yung part na basag, aba! Matibay ata to!

Pinulot ko at inilagay ko ng maayos sa kama ko.

"YLLEINA! KAKAIN NA!"

*

Pag baba ko e mag-uumpisa na ang tanghalian. Ang kapal ko no? Kagigising ko lang tapos tanghali pa naabutan ko? Wala naman kasing pasok kaya keribells lang.

"Ang sarap ng ulam..." bati ko kay Mama at Papa.

Ginataang Alimango at Kalabasa! My favorite <3

"Kumain ka ng marami ah! Nangangayayat ka na e..." sabi ni Papa.

"OPO!" kahit naman hindi niya yun sabihin, lalamon talaga ako no? Aba! Gutom na gutom kaya ako at paborito ko pa tong pagkain.

"Anak, kamusta kayo ni Gian?" biglang tanong ni Mama.

Sumusubo palang ako ng malaking kalabasa ng mapatingin ako sa kanya.

"Okay naman po kami..." sabi ko.

"Talaga? Hindi naman weird si Gian nitong mga nakaraang araw?"

Weird? Wala namang nagbago dun e, bukod sa kalbo na nga siya ngayon.

"Wala naman, Ma. Kalbo na nga lang siya! HAHAHA! Epic nun, mahal na mahal pa naman niya yung buhok niya tapos biglang nagpakalbo? HAHAHA!"

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now