78. Wrong Move!

343 7 0
                                    

78. Wrong Move!

Ylleina's POV

"ASHLEY!"

Andito kami sa hospital. Sinugod namin si Ashley dito matapos naming makita na wala siyang malay sa CR ng girls.

"Ano ba tong ginagawa mo, Bes!"

Nakahiga siya sa stretcher at wala paring malay. Pinaiwan kami ng nurse dito sa waiting area habang pinasok naman si Ashley sa emergency room.

"Kani... Kanina... nag-iiyak lang siya sa CR e. Tapos tinatawag niya si Pau tapos... ayun hinanap ko kayo kasi ayaw nga niyang lumabas ng CR... tapos eto na..." paliwanag ni Kimmy.

Nakita namin siya na nakahandusay na sa sahig ng CR at walang malay at may katabi siyang silver cleaner kaya naman hinihinala namin na baka uminom siya nun.

"Kaya naman ni Ashley diba? Malakas naman siya? Sabihin mo, Ylleina mabubuhay pa siya, diba?"

Wala akong masagot sa mga tinatanong sa akin ni Kimmy kaya ang ginawa ko nalang ay niyakap ko siya at patuloy siyang naiiyak.

Patakbo namang dumating si Gorge. May tryout pa kasi sila ng basketball kaya hindi ito nakasama.

"Asan na siya? ASAN!" bigla niyang nakita si Gian at kinuwelyuhan ito at sinandal sa pader, "Kita mo ang ginawa ng kapatid mo, Giancarlo! TIGNAN MO!"

Maging si Gian ay hindi makasagot marahil nahahati ang puso niya sa nangyayari.

"Tama na, Gorge! Pati ba kayo mag-aaway pa? Isipin nalang natin si Ashley!" napasigaw ako.

"Pag may nangyaring masama kay Ash, mananagot kayo ni Pau sa akin!"

Kilala ko si Ashley, napakastrong niya. Hindi siya basta-basta sumusuko sa anumang bagay. Siguro... siguro masyado lang naging masakit sa kanya ang lahat.

*

Pau's POV

Nandito ako sa bahay ngayon. Hindi ako pumasok gawa ng masama ang pakiramdam ko. Walang tao sa bahay kundi ako lang. Kailangan ko to, kailangan kong magpahinga sa lahat ng ka-stressan sa mundo.

Giancarlo calling...

Napatingin ako sa phone kong panay ang vibrate. Nagtataka ako dahil unang beses lang na tumawag si Gian sa akin, ano na naman kayang problema niya? Matamlay kong sinagot ang tawag niya

"Oh?"

"Pau, si Ashley!"

"ANONG NANGYARI?"

"Teka..."  narinig ko sa background ang mabilis na pagkilos, baka tumakbo o mabilis na lumakad si Gian kaya ganoon, "Pau, nagtangkang magpakamatay si Ashley. Uminom ata siya--"

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now