88. Saranghae.

499 8 0
                                    

88. Saranghae.

Ylleina's POV

Balik-eskwela na kami. Nakakastress lang dahil hindi pa talaga pwedeng pumasok si Gian sa ngayon.

Vacant namin at as usual nakatambay na naman kami sa Cafeteria pati nga sila Pau nandito e.

Naalala ko matapos yung kasal namin ni Gian ay nag-aasaran na sa klasrum dahil bakit Gascon parin daw ang ginagamit ko e kasal na nga kami. Aysows!

Natuwa naman ako dahil dumaan ang Pasko at Bagong Taon na magkasama kami ni Gian. Yung walang buhay na hospital noon, nabigyan ng kulay.

"Hindi ka naman niyan mag-n-nurse, Ylleina?" tanong sa akin ni Ashley.

"Ayoko nga no! Takot ako sa dugo e!" sabi ko.

Actually, hospital ang pinakakinakatakutan kong lugar e. Asar lang dahil tambay ako doon nung ma-hospital si Gian.

"Hospital kaya pinakaayaw na lugar ni Bes!" sabi ni Kimmy.

"Talaga? Buti nakakatagal ka..." sabi ni Gorge.

"It's Okay, It's Love." sabi naman ni Pau.

"Lupet mo tsong!" nag-apir naman yung dalawang bakulaw.

Nakakatuwa kasi sa halos 3 taon ko dito sa school ay nakilala ko ang mga barkada kong to, sana hanggang college kami-kami padin no?

"Anong oras ka pupunta ng hospital?" tanong sa akin ni Kimmy.

"Uwian. Bakit?"

"Sama kami ah..."

Since kasi nung bumalik sa school hindi na nakakasama sila Kimmy at Ashley doon. Mdyo GC nga kasi e. Hayaan niyo na.

"Ayos lang. Magdala tayo ng foods..." sabi ko.

"Nako! Makikikain nga lang kami doon e." sabi naman ni Ashley.

"Weh? Haharutin mo lang si Pau e, dapat dito nalang kayo e." sabi naman ni Kimmy.

"Ehem!" sabi naman ni Gorge.

Puro kalokohan talaga tong mga to pero matitibay kami no. Biruin mo, ilang unos na ang dumating pero magkakasama padin kami... matindi!

"Pare-parehas nalang tayo ng university ah!" sabi ni Ashley. Puro random talks na nga lang e.

"Kung makakapasa ka dun sa aaplyan namin ni Gorge, diba pre?" tapos nag-apiran na naman sila.

"Ang hard mo!" tinapik naman ni Ashley si Pau.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now