16. So, Ano ba kami?

899 11 2
                                    

16. So, Ano ba kami?

Lagi kaming magkasama. Kahit hindi kami magkaklase... sa lunch break, sa uwian, pag walang klase. We are almost lovers but we're really not... I don't know. I cannot assume.

I texted him...

To: Kuyang Praning

Praning, hindi muna tayo sabay ah. Pasensiya na ah... hmmm, may girls out kasi kami nila Ashley at Kimmy. Thank You.

"Teka? Bakit kailangan mo pa siyang itext ah?" tanong ni Kimmy.

"Wala lang. E, lagi kaming magkasama e."

"Tell us nga, Ano ba kayo?" tanong ni Ashley.

"Nag-aalala lang kami sayo... kasi baka masyado kang masanay sa mga bagay na maaaring mawala..." 

"Kimmy.... masyado ka namang straightforward kay Ylleina..."

"You see," patuloy ni Kimmy, "Wala naman kayong labels. Ano ba kayo? More than friends less than lovers? Friend, ang sa amin lang... hindi mo dapat hinahayaan na yung feelings mo e maisantabi lang ng kung sino. Hindi maganda na para lang kayong naglalaro, feeling mag-jowa pero hindi naman talaga... can you tell me the truth, never ka bang nag-assume na baka may gusto siya sa yo? Ni hindi pa nga yan nagtatapat sayo e..."

Napaisip ako sa sinabi ni Kimmy, tama siya... ano nga ba kami? Meron bang kami?

Pwedeng magselos pero bawal magalit dahil wala naman talagang kami...

"You're right girls... napaisip din ako dyan. Mahirap mahulog sa isang taong hindi ka sigurado kung sasaluhin ka ba o hindi..."

I will limit my time for him, kung maaari nga pati feelings dahil ayokong masaktan e...

*****

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon