C h a p t e r O n e 💞

2.3K 36 1
                                    

💞 Ang Simula! 💞


“Ma. Ylleina P. Gascon!”

Umagang-umaga. Isang linggo palang nagsisimula ang klase. Freshman palang ako. Bago ang lahat sa akin sa lugar na ito. Well, no’ng bago naman grumaduate ng Elementary pumasok na kami ni Mama dito para mag-inquire pero syempre iba parin kapag andito ka na talaga pumapasok.
Nasa Special Science Section ako. Hindi naman sa pagmamayabang ay grumaduate ako ng elementary with honor kaya no’ng nagtake ng exam para sa SS Section ay nakapasa ako. Masipag lang talaga alo mag-aral kahit di ako katalinuhan.

“Ma. Ylleina P. Gascon!”

Naglalakad ako sa hallway ng school papunta sa next class ko. Medyo nagmamadali na nga ako kasi late na ako ng ilang minuto, dumaan pa kasi ako ng canteen. Nagutom.
Pero nasstress ako kasi parang kanina ko pa naririnig ang pangalan ko. Guni-guni ko lang ba iyon?

“Ma. Ylleina P. Gascon!”

Napalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko ang isangr lalaki na katamtaman ang taas pangisi-ngisi pa sa harap ko. Okay, di naman siya masyadong malapit perp di rin siya masyadong malayo. May mga kasama siya na siguro mga kaklase niya rin.

Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Hindi ko naman kilala ang isang ‘to. At malabong nakita ko na ‘to kung saan. Hindi ko talaga siya kilala. Ngumuso naman siya sa akin at automatic na napatingin ako sa may dibdib ko. Omg! MAY NAMETAG PA PALA AKO at kanina pa siya nakabalandra sa dibdib for everyone to see!

Agad kong tinanggal ang nametag ko, inismiran ang bakulaw na ito at naglakad ng mabilis. Kung maalala ko, nagmamadali pala ako ngayon dahil male-late na ako!

Grabe! Nag-init ang ulo kong bigla! Ang lakas ng loob ng lalaking ‘yon ah!

Akala ko naman titigilan na ako ng bakulaw na ‘yon. Akala ko nangti-trip lang siya at titigil din. Pero nagkamali ako. Pinaulit-ulit niyang sinigaw ang pangalan ko. “Ma. Ylleina P. Gascon!” Omg! Ang ganda-ganda ng pangalan ko para banggitin lang ng kung sino’ng mokong! Rawr!
“Ma. Ylleina P. Gascon! Ma. Ylleina P. Gas---”

Hindi talaga ako mapagpatol pero nagpapanting na talaga ang tenga ko. Huminto ako at hinarap ko siya. Napatigil naman siya at nagpipigil pang tumawa ang praning!
“Hindi ka ba titigil?” ang tanong ko na may halong gigil na sa praning na ‘to.

“Hindi.” Simple niyang sagot. Aba talagang sinusubukan ako ng mokong na ‘to.

“Ano ba’ng problema mo?” konting-konti nalang masusuntik ko na ‘to!

“Wala.” Ngumingisi pa siya. Talagang pinipikon ako neto, e!
Dumukot ako ng piso sa bulsa ko at binigay sa kanya.

“O, eto’ng piso… Maghanap ka ng kausap mo!” sabay talikod ulit.

Akala ko makakaintindi na siya pero nagulat ako ng sumulpot siya sa harapan ko. Inabot niya sa’kin ‘yong piso.

“Bakit mo binabalik? ‘Yan nalang mabibigay ko sa’yo ng matahimik ka na!”

“E, sa ikaw ang gusto kong kausap, e! Hehehe~”

Nawiwindang ako sa tawa niya. Lakas maka-manyak, e!
Nag-rolling eyes nalang ako sa harap niya at naglakad ulit
.
“Ma. Ylleina P. Gascon!”

“Ano na naman ba? Tigilan mo na kakatawag ng pangalan ko! Bwisit!”

“Ayaw!” sabi niya.

And he gave me no other choice, I gave him a lesson
.
“Aray ko! Aray ko!”

Pinagkokotongan ko lang naman siya ng maraming beses, hinawakan naman niya ang kamay ko.

“Tama na! Tama na! Sige ka, baka tamaan na ako sa’yo~”
Hinablot ko ang kamay ko sabay alis. Palaisipan parin sa akin kung sino ‘yong mokong na ‘yon. ‘Di bale, sa susunod hahablutin ko na ‘yong ID niya.


Matagal bago kami ulit nagkita. Himala ‘din na niya ako kinulit ulit. Buti naman dahil wala ako sa mood ngayo’ng makipagharutan sa kanya.

Habang kumakain kami ng mga kaibigan kong sina Kimmy at Ashley ay napansin nilang kanina pa nakatingin sa akin ‘yong lalaking makulit.

“Bruu, kanina pa nakatingin sa’yo ‘yong cutie, oh? Ay ang gandara pala talaga ng beshy natin Kimmy.” Sabi ni Ashley
.
“Onga, hays~ How to be you po Ylleina! Inggit are us~ Hahahaha!”

Isang buwan palang kaming nag-aaral dito kaso matatahal ko ng mga kaibigan ang mga babaitang ‘to. Mga kababata ko sila. Though naglipatan na sila ng mga bahay at hindi na kami sa iisang baranggay nakatira naging magkakaklase naman kami no’ng elementary pati ngayong highschool.

“’Yon ba ‘yong kinukwento mo sa’ming lalaki na nangungulit sa’yo ‘nong nakaraang buwan? ‘Yong dahilan kaya hindi ka nakapasok sa klase ni Ms. Montez?” tanong ni Kimmy.

Tumango lang ako at sumubo nalang ulit. Ayoko ng alalahanin ‘yong masaklap na araw na ‘yon. Hays.

Okay lang naman na tumingin-tingin ‘yang mokong na ‘yan sa’kin, e. ‘Wag niya lang akong maasar-asar ulit. Dahil nag-iinit talaga ang ulo ko at kumukulo ang dugo sa kanya.

“Hayaan ni’yo nalang siya. As long as hindi siya nangungulit, e we’re good.” Sagot ko naman.

“Cutie naman pala si Kuya, e. Bala sadyang type ka lang niya. Hihihi~” at umandar na naman po ang kaharutan ni Ashley.

“Sows! Wala kang alam kundi ang mga ganyan. Hayaan nlang natin siya at hahayan nalang din niya tayo. Kumain nalang tayo pwede ba?” saway ko sa mga babaitang ‘to.

Napatingin naman ako sa lalaking makulit na ‘yon at nakita ko siyang biglang tumawa at bumulong. Kahit buolong lang ‘yon nabasa ko parin ang sinabi niya, “Ma. Ylleina P. Gascon!”

Uminit ang ulo ko, nagpantingn ang tenga ko at nagdilim ang paningin ko. Patakbo akong lumapit sa kanya. Desidido na akong malaman ang pangalan at section niya pero sa aobrang galit ko pala ay nahablot ko ng marahas ang ID niya at nasira ito.

Parehong gulat ang mga mukha namin. Natakot pa ako na baka magsumbing siya sa guidance. Omg! Ayokong mpaapa-bring mother with plastic cover!

Pero tinapangan ko ang puso ko. Andito nalang din, pangatawanan na natin
.
“Ano? Manggugulo ka pa? Sa susunod hindi lang ID mo ang wawarakin ko susunod na ‘yang mukha mo! Maliwanag!”
Hindi naman ako nag-fail. Nakita ko ang pangalan niya Giancarlo S. Montemayor, I-Endurance. Lower section naman pala!

Pero sana hindi parin siya pagsumbong sa guidance.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon