33. New Beginning :D

750 8 0
                                    

33. New Beginning :D

"Ylleina, SALO!"

Binato na naman sa akin ang bola ng volleyball. Badtrip! Bakit kasi ang lampa ko sa larong to. As usual, napanganga na naman ako sa bola kaya naman tumama sa ulo ko at nahulog ako.

"Three points!" sigaw ko.

Nagtakbuhan sa akin ang lahat ng mga kasama ko sa laro lalo na sila Kimmy.

"Uy, okay ka lang?" sabi ni Kimmy

Nakahiga parin kasi ako sa sahig.

"Isa pa! Isa pa!" sabay tayo ko.

"Alien ka talaga no? Kanina ka pa nga lampa-lampahan dyan tapos iisa ka pa?" sabi ni Ashley.

"Kaya ko pa.. parang yun lang."

Oo nga pala. Third Year na kami ngayun, ambilis ng panahon no? Well, may nangyari naman sa Sophies life ko kaso hindi naman ganun kaganda  kaya wag na nating pag-usapan pa.

"Kuya! Batukan mo nga tong si Ylleina para matauhan..." sabi ni Ashley sa paparating na si Gorge.

"Ano na namang ginawa mo?" inis na sabi sakin ni Gorge. Ganun talaga yan, masungit pero love ako niyan.

"E, nasapol na naman ako sa ulo e. HAHAHA!" o diba mungtimang lang?

Fourth Year na si Gorge. Ahead siya sa amin kaya naman nagugulat ako sa mga pasulpot-sulpot niya.

"Teka? Bakit andito ka? May klase ka ah?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Nasa SSG dapat ako ngayon kaso hinanap ka na naman ng mga mata ko... lampa ka daw kasi. HAHAHA!" sabi niya.

Pinalo-palo ko siya habang siya naman tawa ng tawa.

"Answeeeeeeeeeeeeet!" sigaw ng mga kalaro ko, "Ylleina, wag mo ng hintayin si Gian... tutal andyan na naman si Gorge e, Puro ka G." sabi nung isa.

Napatahimik naman kaming lahat.

G... Gian?

Kilala ko ba yun? The last time I remember that guy were a million years ago. Charaught!

"Tara kain na tayo." sabi ni Gorge.

At umalis na kami.

Habang nasa canteen tinitignan naman ako ng mga kasama ko,

"Anong meron?" sabi ko habang ngumangata ng ice cream na bigay sa akin ni Gorge.

"O-ok ka lang ba?" tanung ni Kimmy.

Tinignan ko lang siya ng weirdong tingin,

"At bakit naman hindi ako magiging okay, aber? Ilang beses na ba akong nadadapa at natatamaan ng bola? Mga adik kayo..."

Pero ganun parin tahimik lang sila.

"Ah, baka ang ibig sabihin ni Kimmy e... ung kay Gi...an." sabi ni Ashley.

Wala. Name drop tayo. Badtrip. Sinabi na nila ang pangalan niya.

Pero pinilit ko paring itago ang nararamdaman ko. Paki ko ba sa taong yun e wala ngang paki sa akin yun.

"Huh? Adik wala yun no... abnormalites yung nagsabi nun." sabi ko

At sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw. BWAHAHAHA! Dejoke lang.

"Okay lang ako, promise." I assure them.

*KRIIIIIIING*

"Time na. Halika na... malelate na naman tayu kay Maam Zuniga." aya ni Ashley.

Naghiwalay na kami nila Gorge, magsstay pa daw siya sa canteen... addict na yun ang tahimik.

Tss. Teka, Okay lang naman ako ah...

Saved by the bell. ;D

----

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now