79. Hindi na pwede.

371 10 6
                                    

79. Hindi na pwede.

Ylleina's POV

Kahit naisip ko na ang tanging paraan lang para magising si Ashley a ang marinig ang tinig ni Pau e hindi parin pumayag si Pau. Hindi ko alam kung ano ang pumupigil sa kanya o sadya lang talagang matigas ang puso niya para dito.

Kaya ng malaman ng mga magulang ni Ashley ang kalagayan ng anak ay pinasya nilang dalhin muna ito sa Amerika. Nakakalungkot dahil dun lang napunta ang mga pinagsamahan namin. Bigla na lang, isang iglap lang gumulo ang barkadahan.

"Nakakamiss naman si Ashley." sabi ni Kimmy.

Kung dati naiirita akong kasama sila dahil ang iingay nila... lalo na si Ashley ngayon naman namimiss ko na ang kaingayan niya at mga kalokohan namin.

"Ako din be e."

Kung may naituro sa amin ang bagay na yun eto yung sulitin namin yung mga panahon na nakakasama pa namin yung mga taong malapit sa amin. Though, babalik parin naman si Ashley e hindi namin alam kung kailan pa yun. Hindi ko din alam kung dito pa ba siya ggraduate o ano. Wala talaga akong idea.

Nakatanggap ako ng text mula kay Gian.

Oo nga pala, umabsent na naman si Gian nung nakaraan. Mas napadalas ito pero mga 2-3 araw ang absent niya. Bawat linggo yun, hindi ko alam kung ano na naman ang nangyayari sa kanya. Ayaw din niyang sabihin.

From: Jagiya~

Kita tayo mamaya. 7pm sa park.

Naging tambayan namin ang park na iyon. Nabalitaan niya siguro na magpapaputok ngayon dun. May fireworks display at maganda ang view doon sa park.

Hindi siya pumasok ngayong araw pero makikipagkita siya.

At si Pau? Hindi ko alam kung ano ang nangyari dun. Hindi ko din maopen ang topic sa barkada dahil mainit talaga ang ulo nila ngayon kay Pau... pati tuloy si Gian nadadamay.

"Sino yan?" tanong ni Kimmy habangg nagttype ako ng irereply sa kanya, "Yung kapatid ng magaling na paasang lalaki? Yung paasa din sayo?"

Sa tunog ng tinig niya ay bitter parin siya para sa amin. Kunsabagay, napakaprotective din niyang si Kimmy, nahawa ata kay Gorge.

"Si Gian, boyfriend ko." ang sabi ko sa kanya at hindi na siya muling sumagot.

*

6:45 palang ng gabi ay naglalakad na ako papuntang park. Ayaw ko naman siyang paghintayin ng matagal kaya naman nagmamadali na din agad ako.

Nagtext ako sa kanya ng popular na, "Otw na." Pero di tulad ng karamihan talagang malapit na ako sa park nun.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now