Epilogue.

595 9 0
                                    

Epilogue.

Perslab?

Sabi nila sa akin, Ang pag-ibig daw ay para lamang sa mga matatanda. Hindi ko pa daw dapat iniisip ang mga ganoong bagay. Hindi ko daw dapat ini-entertain ang mga ganoon at mag-aral daw muna ako.

Pero papaano mo ba maiiwasan ang isang bagay na hindi mo naman aakalaing mararanasan mo?

Sabi ko nga sa inyo sa umpisa palang, lahat tayo meron nun.

Maaaring one-sided lang... o kung jumackpot ka maaaring mahal ka rin niya.

Maaari din namang kayo hanggang ngayon... o hindi na.

Naranasan ko ang sinasabi nilang Perslab nung higschool palang ako. Hindi naman kasi katulad ng mala-fairytale na slowmotion yun kaya malay ko ba na simula ng pinapasok ko sa buhay ko yung lalaking yun... ay yun na pala ang gugulo ng buhay ko.

Hindi ako katulad ni Snow White na nakakagat ng mansanas.

O ni Cinderella na nakiwan ng sapatos.

Hindi din ako katulad ni Sleeping Beauty na nasumpang matutulog na maraming taon.

Lalong hindi si Ariel na humiling maging tao.

Dumating siya sa akin ng hindi inaasahan... isang pagkakataong gusto mong limutin habang buhay. At sa pagdating niyang iyon doon na pala ako iibig sa unang pagkakataon.

Maraming beses na niya akong iniwan. Maraming beses na niya akong sinaktan. Pero wala na palang sasakit pa sa mga oras na ito...

"Ang daya-daya mo talaga!" pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

"Alam mo bang boring yung 18th birthday ko nun! Ayoko na ngang i-celebrate e, nag-inarte lang ang barkada... Tatay ko pa ang escort ko!"

"Miss na miss na kita Giancarlo..." tumulo ang luha ko sa sementong may buong pangalan niya.

Nasaan ako? Tama ang hula niyo, nasa sementeryo ako ngayon.

Araw-araw sa loob ng 5 taon lagi akong pumupunta rito para sa Perslab ko. 

Sounds pathetic. Pero anong magagawa ko? Sa wala akong ibang mimahal kundi siya lang e.

"Gian, hindi parin kita makalimutan. Alam mo ba kanina nakatitig sa akin Sila Percy... ang lungkot-lungkot ko kasi. Namimiss ko na yung backhug monster. Namimiss ko na yung pagtawag mo sa akin ng fullname. Yung Aein. Haaaay... Miss na miss na kita, Jagi~"


Para man akong shunga na nandito at kumakausap sa hindi ko na nakikita. Para na akong praning na hinhintay parin siya pero sa totoo lang siya na tong naghihintay sa akin. Pero wala na akong pakialam.

"Kung sundan na kaya kia para happy na tayo?" kamot sa ulot ko.

Bigla namang may nalaglag na buko mula sa puno sa harapan ko.

"Joke lang! Malamang! Hindi tayo magkikita kung mag-sui-suicide ako no!"

*Tooooot* *Toooooot*

Aish! Asar naman bitin na naman ako.

"Oh paano, Jagiya~bukas naman ah. Papasok pa ako ng school e. Ingatan mo ako ah. Saranghae."

Lumabas na ako ng Musoleo ni Gian.

Marami akong na-overcome sa pag-ibig ko sa kanya. Una, ayoko sa hospital pero naging tambayan ko yun dahil sa kanya. Ngayon naman, sa sementeryo na kinakatakutan ko talaga noon... di ko nga lang trip tumambay ng gabi no!

Siguro ganun talaga ang pag-ibig.

Tuturuan ka nitong alisin ang lahat ng takot sa puso mo. Marami kang mga bagay na magagawa na hindi mo naman usually ginagawa.

At ngayon, eto... nagmamahal ako ng matagal ng patay. Pero ayos lang, gusto ko nga magparamdam siya e kaso hindi naman horror ang genre nitong kwento ko.

Love drives away fears. Pero ito yung mismong dahilan kung bakit ayoko ng magmahal ulit.

Kaya tinuon ko ang paningin ko kay Gian lang.

*

Pagkalabas ko ng semeteryo ay may biglan sumulpot na pulang kotse sa harapan ko.

"Ay Shems!" sigaw ko. At sa gulat ko ay napaupo pa ako sa kalsada.

Lumabas naman kaagad yung driver nung muntik ng bumangga sa akin.

"Sorry! Sorry hindi ko sinasadya!"

Napatunganga ako dun sa lalaking nasa harapan ko ngayon... parang... parang nangyari na ito ah?

Dejavu?

*

Madramang Note Next. Read at your own risk. <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang