67. Bogoshipooooo~

472 13 8
                                    

67. Bogoshipooooo~

YLLEINA'S POV

Eto na naman po kami. Namimiss ko na naman yung mokong na yun. Bakit kasi kailangan pa nila akong iwan dito e.

GIAAAAAAAAN. BOGOSHIPOOOOOOOO.

Sa gitna ng pagddrama ko dito ay bigla nalang akong tinabihan ni Buknoy aka Bernard.

"Talagang wala na akong pag-asa sayo, ano?"

Malungkot yung mukha niya... gusto ko sanang maasar sa kanya at ipagtabuyan siya kaso nakokonsensiya naman ako. Kaibigan ko parin naman siya e.

"Sinabi ko naman kaso sayo e... May mahal na ako...si Gian."

Tumingin lang siya sa akin at bigla siyang ngumiti pero bakas parin ang pait.

"Haha. Gusto kong maging masaya para sayo... maniwala ka. Gusto ko na suportahan ka sa bagay na yan. Pero, pero kasi mahirap maging masaya para sa dalawang taong nagmamahalan lalo na kung mahal ko yung babae."

Pinunasan niya ang luha niya,

"Pero, kakayanin ko. Iisipin ko nalang na hindi naman kita kayanh pasiyahin tulad ng ginagawa niya... alam mo ba, tuwing nakikita ko kayong masaya naiisip ko kahit kailan hindi ko nakita ang mga kislap sa mata mo tulad ng nagagawa ni Gian."

Ako naman ang naluha.

"Pasensiya ka na Buknoy ah..."

"Ano ba yan? Panira naman yung Buknoy sa drama natin e... Bernard please..."

Natawa ako pero pinagpatuloy ko yung sasabihin,

"Pasensiya ka na Bernard ah, sadyang mahirao lang talagang turuan ang puso na magmahal ulit... si Gian lang talaga e, noon pa man hanggang ngayon... unang beses pa lang, nakuha na niya ang puso ko."

Ngumiti si Bernard.

"Darating din yung panahon na magiging masaya ka din. Meron ka ding mamahalin at magmamahal sayo... wag ka kasing excited!"

At nagtawanan kami.

"Lagi mo talagang sinisira ang moment."

"Ang swerte ni Gian... sabihin mo sa kanya wag ka na niyanh pakawalan, huh? Pag ikaw pinaiyak nun iuuntog ko siya sa maskels ko."

Natawa ulit ako sa sinabi niya.

"Hinding-hindi na ako papaiyakin nun... hinding-hindi na kami maghihiwalay."

Ano na kayang ginagawa nung mahal ko na yun sa mga oras na ito?

Giancarlo... I super miss you, yung miss you na may kapa at lumilipad! Super na talaga!

*

Nang mga bandang maggagabi na ay nag-internet ako. May internet naman kami kaso nga lang medyo mabagal... ayoko sanang gumamit ngayon kaso naman mag-s-skype kam ni Jagiyaaaaaa. Hihihihi.

Mga ilang minuto ng nakabukas ung laptop ko pero napakatumal talaga ng internet. Huhuhu. Naoakapagong.

Hindi makaconnect sa internet. Grabe! Kaya nga gabi ko napagpasiyahang makipagskype sa kanya para kahit papaano ay gabi na at wala ng masyadong nag-iinternet.

Sana meron man lang silang pakunsuelo sa mga katulad kong nagmamahal at kailangan makausap ang aking Jagiya!

Ilang araw pa kami dito oh!

"Haaaaaaaaaay~"

"Andami na nga talagang nagbabago..."

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng tinig, si Mama.

"Pwede ba akong pumasok?" Tumungo lang ako kay Mama.

"Namimiss mo na si Giancarlo no?"

Ano ba naman to! Ang hirap mag-open sa magulang ah!

Nakayuko lang ako habang pinipisil ang keychain na kaparehas ng binigay ko kay Gian.

"Okay lang naman yan... ganun talaga. Hindi naman masamang umamin na namimiss mo yung taong mahal mo... ung taong nagpapasaya sayo." Hala? Nanay ko ba talaga to? Bakit parang DJ siya sa isang radio?

"E nakakahiya po e..." nakakaawkward naman kasi talagang umamin ng nararamdaman sa nanay mo. Alam mo yun?

"Sus! Dalaga ka na nga talaga... baka sunod niyang magpakasal ka na ah?" At natatawang niyakap ako ni Mama.

"Pero Ma, normal pa ba ako? I mean... yung nararamdaman ko? Para kasing natatakot ako kung mawawala si Gian sa akin, e mga high school palang naman kami. Hindi ko nga sigurado kung hanggang college e kami pa din... paano kung nagsawa siya sa akin? Paano kung mawalan nalang kami ng pagmamahal sa isa't isa?"

Saglit akong tinignan ni Mama atsaka nagsalita.

"Normal ka pa naman. Kung magmamahal ka na lang din e mahalin mo na siya ng buo. Mahalin mo siya hanggang kaya mo pang ipadama ang pag-ibig mo para sa kanya... itodo mo na kumbaga pero ihanda mo ron ang sarili mo sa kung anong pwedeng mangyari."

"Hindi naman pwedeng puro kasiyahan nalang e... pag nagmahak ka tinatanggao mo din ang iba oang emosyon na kaakibat nito... ang sakit, ang lungkot, at iba pa. Dahil kung wala ang mga bagay na ito... paano mo mapapatunayang nagmamahal ka talaga?"

Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Gian...

"Oh siya sige... mauna na ako, kausapin mo na yang mahal mo."

Agad kong kinuha ang fone ko at sinagot ang tawag niya.

"AEEEEEEEIIIIIIIINNNNNNN! BOGOSHIPO! BOGOSHIPOOOOOOOO!"

Kahit kailan talaga tong bading na to... nakakakilig.

"I miss you too, Jagiya! Asan ka ngayon?"

"Nandito ako sa bahay... Ikaw?"

"Nasa puso mo... nagkakape?"

Adik talaga tong lalaking to.

"Kaya pala ang init... alis ka na nga!"

Tapos nanahimik siya...

"Gusto mo na ako umalis?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakakakaba naman to.

"Gian? Huuuuy... Jagiya? Eto naman oh...joke lang..."

Pero wala akong marinig sa kabilang linya.

"GIANNNNNNNNN!"

*

MIANHE! Bitin, busy talaga mga Babies e. Sorry na!

I would like to dedicate this to EjEryka for being one of sweetest reader and voter of this story. Grabe. Nakakataba ng puso. Maraming salamat sa suporta!

PS.

Tsaka ko palang pala madedicate kasi mobile lang ako. Hihihi. Basta etong chapter para sayo...

~JCforever ♥

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora