55. The Second! ♥

680 17 0
                                    

55. The Second!

YLLEINA'S POV

Lagi ko naman siyang kasama pero parang kakaiba talaga tong araw na ito. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ang saya-saya ko talaga!

Masarap talaga sa pakiramdam na mahal kola ng taong mahal mo. ♥

Andito kami sa park naglalakad lang. Kahit saang lugar ka kapag kasama mo ang taong mahal mo sakto na.

Eto yung perfect example ng you're doing anything but you feel perfectly happy.

"Uy, napapagod ako." sabi niya sa akin na napakaseryoso.

"Hala! Kanina pa kasi tayo naglalakad." tumigil ako sa paglalakad at nagkaharapan kami, "Sorry." sabay yuko ako.

Narinig ko naman ang pagpigil niyang pagtawa. Kaya napamulat ako.

"Bakit ka tumatawa?" sabi ko sa kanya.

"E, ang cute kasi ng Aein ko e. Banat po kasi yun mahal... kasi kanina mo pa ako tumtakbo sa isip mo kaya sabi ko napapagod ako. Hahaha." at tinalikod niya ako sa kanya at nag-back hug na naman sa akin.

Ang lalaking adik sa back hug.

Hinila niya ako at umupo lang kami sa isa sa mga bench dun.

"Ang sarap talaga sa pakiramdam." at nag-inhale exhale pa siya, "yung kahit wala tayong ginagawa pero yung realidad na magkasama tayo... sapat na sa akin to."

At nakita ko ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa tana ng buhay ko. Yung ngiting hindi mo pagsasawaang titigan.

"Tara! Punta na tayo dun..." naglakad naman kami papuntang mall.

Dahil nga masyadong maaga ang pag-alis namin e sarado pa ang mall. Adik kasi tong boyfriend ko!

Nang nasa mall na kami palinga-linga siya na parang may hinahanap. Ano kaya yun?

Bigla namang pinagkakaguluhan siya nung mga tao.

"Ay! Ang pogi naman ni Kuya!"

"Ate kaya niya yung kasama niya?"

"Ano ka? Baka nakakabatang kapatid naman?!"

"Hindi naman sila bagay!"

Nakakaasar naman yung mga yun! Dun ko lang napagtanto ang sobrang gwapo pala talaga ng boyfriend ko at para tuloy akong ewan kapag kasama ko siya.

Nakakainsecure.

Nagulat naman akong bigla akong hinawakan ni Gian sa kamay at kiniss yun. Ngumiti sa akin at parang hangin lang yung mga babaeng nagpaoansin sa kanya.

Hindi man siya nagsasalita parang pinapamukha niya sa lahat na ako... AKO ang mahal niya. At naging kampante na ang puso ko.

"Aein, arcade tayo!" nag nod lang ako at naglaro kami sa arcade.

Nakakatuwa talaga yung mga nilalaro namin. Akala mo wala kaming bukas kung maglaro e.

Nung napagod na kami e dun kami pumunta sa gitna ng arcade ung may parang videoke pero open yun.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa may stage. Nagpindot dun at nagsimula ng tumunog ung intri ng kanta.

Napaiyak ako kasi naalala ko dati...

"Paborito mo yang kantang yan."

Nginitian ko lang siya at tsaka nagsalita, "Gusto ko kasi makanta sa akin to ng mamahalin ko. Hihi. Alam mo yun? Napakasweet kasi nung kantang to."

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang