84. Reconciliations...

343 9 2
                                    

84. Reconciliations...

Ylleina's POV

"San ba tayo pupunta?" tanong ni Kimmy habang nakasakay kami ng Taxi.

"Para kanino yan?" tanong niya ulit sa mga dala kong prutas a bulaklak.

Si Gorge naman tahimik lang at mukhang nag-iisip.

"Mamaya nalang, handa mo na panyo mo." sabi ko sa kanya.

"Asan yung boyfriend mong hilaw?" tanong ni Kimmy, "Ay! Hiwalay na pala kayo nun... kaya di na siya barkada. Lalo na yung kapatid niyang bakulaw!"

Tiniis ko ang lahat ng mga sinasabi ni Kimmy sa byahe, kahit gusto kong ipagtanggol si Gian pero naniniwala ako na mauunawaan niya din ang lahat.

"Dito nalang po." sabi ko sa driver.

Nagulat sila ng huminto kami sa puting gusali ng hospital kung nasaan si Gian.

"Sinong naospital? Anong meron?" tuloy sa pagtatanong si Kimmy habang pumapasok kami sa loob.

Nagtuluy-tuloy lan kami doon kaya naman hindi na sila nagtanong pa. At pagdating namin sa kwarto ni Gian... makikita agad sa pinto ang kalagay.

Mr. Montemayor


"Si Pau? Si Gian?" naguguluhan ulit si Kimmy.

Nagpauna na akong pumasok at nakita ko si Pau na nakatulog at nagbabantay kay Gian na natutulog rin.

"OMG!" napasinghap si Kimmy sa nakita niya.

"S-si G-Gian ba yan?" napalingon ako s kanya habang inaayos ko ang mga bulaklak para kay Gian at ang mga prutas na nilagay ko sa lalagyanan.

Napatayo namin si Pau ng marinig ang sinabi ni Kimmy.

"Teka, explain guys... naguguluhan ako kanina pa."

Nilabas namin silang dalawa ni Pau at doon kami nag-usap.

Nagkatinginan pa nga kami ni Pau kung sino ang magsasalita e, pero ako nalang since hindi pa nagkakaayos si Pau att ang barkada.

"Gian is dying. May leukkemia siya at hindi na siya magtatagal. Pero ganunpaman, I chose to stay for him. Mahal na mahal ko parin siya, bes. Nahihirapan ako sa nakikita ko ngayon... sana mapatawad niyo siya. Hindi niya meant na hiwalayan ako kung kaya niya pang magtagal. At yung nangyari kay Pau at Ashley ay ang pag-se-save sa akin ni Pau sa pain na mawawala si Gian. Pinakiusapan siya ni Gian na samahan ako through it all. Pero okay na kami, ayokong matali si Pau sa kasunduang iyon lalo pa't mahal na mahal niya si Ashley. Kaya guys, please. Magkaayos na tayong lahat. Para sa barkada."

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon