31. That thing.

824 12 0
                                    

31. That thing.

"Teka!? Gian saan ka pupunta! Uy! Sandali... diba sabi mo walang iwanan? Diba sabi mo babalik ka... diba... diba sabi mo Mahal mo ko? Gian! Sandali! Giaaaaaaaaaan!"

"Ylleina! Wake up! Binabangunot ka..." agad akong ginising ni Kimmy. Binabangungot pala ako.

But it really looks real. Nakita ko siya malungkot ang mukha niya at bigla niya akong tinalikuran... iniwan niya na ako. I can't help but to cry.

"Ano bang napaginipan mo? Bakit sinisigaw mo si Gian?" nag-alalang tanong ni Kimmy.

"Hmm... I don't want to talk about it muna." lumabas ako ng tent.

Tama. Nasa camping kami ng mga Girl Scout. Pero wlaang ibang laman ang isip ko kundi si Gian. Hindi pa niya ako ulit kinocontact... hanggang ang mga araw ay naging linggo at mga linggo at naging buwan at ang mga buwan ay naging isang taon.

Isang taon na kaming wlaalng communication.

Nasa 2nd year na ako, pero parang wala namang nangyayari sa buhay ko. Bakit ganun, bakit parang nung umalis siya sinama niya pati ang wisyo ko sa lahat ng bagay...

"What's bothering you best?" tanong sa akin ni Kimmy na hindi ko namalayang lumabas pala kasama ko.

"That dream... argh. Ang hirap... nakakasawa na."

"Then let go, what's the point of holding on to someone if you don't know if he'll come back again."

Yun ang punto ko, umaasa kasi ako nababalik siya... na tutuparin niya yung pangako niya... 2 years lang naman diba? 1 taon nalang. Mahihintay ko pa... pero paano kung siya mismo hindi na pala nagpapahintay.

I couldn't do anything to go there. Hindi naman ako mayaman para sundan ko siya dun, and I'm just a minor. Kalokohan ang naiisip ko... oo nga, bata pa lang kami. Malay mo itong nararamdaman namin hindi pa naman talaga totoo... I'll figure out soon, pero parang mas nauna ata siya sa akin.

Dumaan ang birthday ko na wala siya... dumaan ang iba pang mga araw na wala siya. Nabuhay naman ako noon ng wala siya e... pero bakit ngayon sa pagkawala niya parang pati ako sinaman niya... sana nga sinaman nalang talaga niya.

That thing gives me a thinking that what if... I got tired?

-

"GOOD MORNING!"

Hindi ko napansin na nakatulugan ko pala ulit ang pag-iisip na iyon at paggising ko ulit mukha na ni Ashley ang nakita ko, magkakasama kami sa tent kaso sadsyang tulog-mantika tong babaeng to kahya ganun.

"Uy, Madam... binangungot ka daw sabi ni Kimmy?" ngumiti lang ako, "Ambigat mo... ginising pa ako para pagtulungan ka naming buhatin. Kaya mo yan girl... lalaki lang yan... tayo dapat ang hinihintay."

Bago pa ako nakasagot sa kanya ay pumito na ang Camp Coordinator namin na hudyat ng handa na ang almusal.

Sophies lang ang nandito kaya mga 100 lang kami. At last na namin ngayon.

Ginawa namin lahat ng daily routine medyo nakaksawa lang kasi paulit-ulit nalang, nakakapagod... o siguro sadyang pagod talaga ako sa lahat ng bagay.

Gian... bilisan mo, baka mapagod na rin ako sayo.

*****

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now