53. The Girlfriend's Father!

619 12 0
                                    

53. The Girlfriend's Father!

Gabi na ng pumunta kami sa bahay. Kasi naman e, may tinapos kami sa faculty. Minsan talata di ako dadaan sa tapat nun oara di mautusan ng bongga. Kastress!

Naglakad lang kami. Hindi naman dahil sa namumulubi na kami at wala na kaming pera peri dahil sa gusto lang namin. Nakakakiligs kaseeeeee.

"Aein, what is love?" out of nowhere na tanong sa akin ni Gian.

Ano na namang pakulo neto? HAHAHAHA.

Kunyareng nag-iisip ako ng isasagot ko tapos bigla niya akong binulungan at Sumba sa akin...

"Kasi for me... it's YLLEINA! Mahal na mahal ko talaga yun! Niyahahaha."

Yung totoo? Nakakain ba to ng sandamukal na asukal kaya ganto?

Kaso kahit gaano kakorny ang isang tao pag mahal mo... NAKAKAKILIG PADIN E! Wahahahaha! :3 Omooooooooo! <3

Mga ilang minuto lang ay nasa bahay na kami. Eto na naman po yung feeling ng kinakabahan ako ng bonggang-bongga! As if naman... hahatid lang naman niya ako ah? It's not the first atsaka di naman siya napasok--

"ANONG GINAGAWA MO?!" hinawakan niya kasi yung kamay ko ng mahigpit at hinalikan sabay nauna pa sa aking pumasok sa sarili kong bahay! PATAY AKO KAY PAPA!

Oo alam ko. Masama yung ginawa ko na nilihim ko sa parents ko na kami ni Gian pero... kasi... WAAAAAAAAAA! Yung tatay ko matapang yun! Baka mapatay niya si Gian ng wala sa oras! Baka bigla akong mabyuda! Wag naman pooooooooooo :(

Pabilis ng pabilis ang heartbeat ko. Gusto ko na talagang hilahin yung lalaking yun palabas ng bahay namin pero huli na dahil pinagbuksan na kami ng pinto ng tatay ko.

Tulala lang ako pero yung tatay ko medyo pormal ang itsura eto namang si Gian masyadong pa-cool lang.

"Gandang Gabi po Pa!"

OH WAIT! HE DID JUST CALL PAPA AS PA? I'm in trouble!

"Pa, let me explain." umupo na kasi si Papa sa couch niya with his pokerface. Ayan! Halos hawig nga sila ni Gian dahil na rin sa kanilang nakakalokang aura!

Hinila ko naman si Gian paupo at binigyan ko siya ng anong-ginagawa-mo-look. Nagsmirk lang ang loko! Mapapatay ko to e! Ay wag! Hindi pala pwede... mamahalin ko pa to e. Achuchuchu!

Really Ylleina? Nakakaganyan ka pa sa sitwasyon mo?

Wala kang paki! HAHAHA! Ako na baliw! Nakikipagtalo sa isipan ko. Tss.

"Care to explain, young lady?" bungad ni Papa.

Oo nga pala! Magpapaliwanag pa pala ako.

"Ano po-- Ano-- Pa--"

Na-interrupt ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang gate at bumungad si Mama. OMG! Meet the Parents na ba ito? Hindi ako prepared!

"O, andito na pala ang anak natin..." ngumiti si Mama hindi niya ba nakikita si Gian sa tabi ko?

"Ma, ano po--"

"HI MA! Kamusta po?"

Yung totoo? Kapatid ko pala si Gian? TSS!~ Ano bang nangyayari!

"Hello Anak!" ngumiti si Mama hindi sa akin kundi kat Gian. "Andyan ka pala Ylleina..."

Ako pa ang hindi nakita ah?

"Kain na tayo." Yaya ni Mama sa mesa ang awkward naman neto.

Kumakain na sila sa mesa pero ako hindi ko padin macontain ang feelings ko. Kinakabahan ako e. Alam naman na kasi siguro nila kaya nga gumaganyan si Mama e.

"Oh, kumain ka na, Ylleina." sabi sa akin ni Papa. Wala yung ensearment at di rin sweet. Saklap!

"Nako! Sweetie ikaw talaga tinatakot mo yung anak mo. Nako nak, hayaan mo yan... emo yang tatay mo kasi nagpunta na yang si Gian nung isang araw nung liligawan ka daw niya at papasagutin. Kaya ayun e diba kayo na? Kaya ang drama ng tatay mo at hindi nalang daw siya ang lalaki sa buhay mo!" normal lang na sabi ni Mama.

So pumapyag--

"Yes! Pumapayag kami! Ikaw pa ba? May rason naman si Gian kung bakit siya nagmamadali... atsaka normal na yan sa panahong to. May tiwala naman kami sa inyo ng Papa mo, diba Sweetie?"

Nagulat naman ako at napatingin kay Gian kaya pala ang cool niya pa dw ngayon parang dati ayaw niyang pumapasok sa bahay namin. Tss.

After ng dinner e hinatid ko nalang si Gian sa may gate, alangan namang sa bahay pa nila. Baka magka-meet the parents part two pa kung ganun! Hahaha!

Pagbalik ko sa bahay emo-emohan ang peg ni Papa.

"Sorry... I'm not just unprepared for this."

Yung totoo? Papsi statue? (Is that you?)

"Pa naman e--"

"Pero alam ko naman at some point... darating ka din dyan. Actually pinagppray ko na nga yan na makakuha ka ng matino pero alam mo yun... parang mahirap ka lang talagang ibigay sa iba syempre, ako ang Papa mo. Nasanay ako na ako lang ang lalaki sa buhay mo."

Ang sweet naman ng Ama ko. Talagang pinagppray pa ang lovelife ko! Oha!

"Pero kung yung ang ikasasaya mo, handa akong suportahan ka dyan Princess."

Hayieeeeee. Legal na kami sa bahay! :3

"Wag ka lang mapapaiyak ng mokong na yun dahil kahit isang patak lang ng luha... ay nako! Tapos siya sa akin!"

Natawa naman ako sa tatay ko. Talagang tapos si Gian?

Niyakap ako ni Papa sa sobrang sweet but protective hug. I feel safe.

"Hindi naman po ako papaiyakin ni Gian e... subukan lang niya!"

Natuwa ako kasi okay na kami ni Papa kahit parang nagddrama siya kanina.

"Sana lang hindi ka niya masaktan..."

*****

Andrama no? Gusto ko yung kanta! Pakinggan niyo dali! HAHAHA! :3 <3 At the MM yung background song ng chapter na ito. :3 <3

~JCforever <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now