42. Bring it on!

732 10 0
                                    

42. Bring it on!

YLLEINA'S POV

"Tama na kasi! Nakakaasar ka na ah! Lumayo-layo ka nga sa akin at baka hindi kita matantsa! Ano ba? Isa paaaaaaaaaaaaaa!" ilan lang yan sa mga pinagsisigaw ko sa correigdor. Naman kasi tong lalaking to e.

"As I have said, I'm serious in winning your heart back, Ms. Ma. Ylleina P. Gascon!"

"Ayoko na! Sawang-sawa na ako... lumayo ka na sa akin, please. PLEASE!"

"Sorry Aein pero hindi ko na magagawa yang hinihiling mo, 2 years are long enough at hindi ko na kakayanin pang lumayo sayo..."

"GIAN NAMAN KASE EEEEEEEEEEE!"

Napatahimik naman siya at natigil siya sa pagsunod sa akin at napatingin ako sa kanya.

Ngumingiti kasi siya ng malaki ngayon na akala mo nanalo sa lotto.

"Now, what's funny?" tinigna ko lang siya ng masama.

"Nothing. But simula nung nakita mo ako ulit... ngayon... ngayon mo nalang ako tinawag sa pangalan ko. It's been 2 weeks na! Woooow! My name become more beautiful when I hear it from you."

Napatahimik naman ako. Oo nga, hindi ko na pala binabanggit ang pangalan niya.

And you read it right! 2 weeks na niya akong ginugulo.

Tinalikuran ko siya at dumiretso sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako e.

"Aein..."

"Will you please stop calling me that way... hindi ko nga alam kung anong ibig mong sabihin dyan e. Nabubulol ka na ba or something?"

Umupo ako at umupo din siya. Ganyan naman lagi e. Lagi siyang nananalo. Lagi kasing wala akong magawa pag nakaupo na siya, kaya binibilisan ko na lang ang kain para makaalis na.

"Aein, alam mo... nakakatuwa kasi naalala ko ung mga first year pa tayo... naalala ko lahat yun ung nakulong tayo sa gym, nagkaroon ng havoc sa library, tapos ung nag-date tayo... kamusta na pala si percy? Uy Aein! Kamusta na--"

"Pwede ba? Kumain ka nalang... ang daldal mo! Daig mo pa ang babae. Nakakarindi!" at tinuloy ko ang pagkain ko. Pinagbaon kasi ako ngayon ni Papa e.

"S-sorry... I just want to reminisce those moments with you..."

"Wala ng dapat alalahanin pa sa mga nangyari noon. Kasi hind na yun babalik. Hindi na mangyayari yun. Naririnig mo ba ako? Walang tayo kaya hindi na mauulit yun!"

Lumabas ako ng canteen kahit hindi ko pa tapos ung sandwich ko. Nakakaasar kasi e. Ayokong makita niya akong umiiyak. Ayokong makita niya na hanggang ngayon apektado parin ako sa mga nangyari.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now