C h a p t e r T wo 💞

1.7K 30 0
                                    

💞  Ateng Baliw at Kuyang Praning 💞

“Kyaaaaaaaaaaa~!

Halos mabingi ang mga tao sa quadrangle sa lakas ng tili ni Ashley. Mukhang timang lang.

“Bruu~ You’re so badass kanina! Grabe napaka-tough girl. Iba ka talaga! Bilib na bilib kami sayo ni Kimmy! Hahahaha”

Pauwi na kaming tatlo. Kanina pa nangyaro ang sagupaan ng taon pero hindi parin naka-move-on si Ashley.

“Onga, you should saw his face. Hindi niya siguro aakalain na sasaktan mo siya kanina. Hahahaha!” isa pa ‘tong si Kimmy. Usually, siya ‘yong moderator ng grupo pero parang nakikisabay pa siya sa kaharutan ni Ashley e.

“Tama na nga! Kinakabahan na nga ako, e!” pag-amin ko sa kanila.

Naglalakad kami pauwo. Hindi naman sa mga wala kaming mga pera pero parang gano’n na nga ginagastos kasi namin sa pagkain sa daan habang naglalakad, e.
“Hala~ Kinakabahan ka kasi baka ipa-guidance ka ni Kuya, ganern?” sabi ni Ashley.

“Oo baka.”

“Nako wag kang mag-alala. Mukha namang lalaki ‘yon kaya di ‘yong magsusumbong dahil lang sa isang ID. Ang bakla naman niya kung gagawin niya ‘yon. Haha. Pero mag-ingat ka lang, bruu kasi baka gantihan ka niya.”

Napahinto naman ako sa sinabi ni Ashley kaya napahinto rin silang dalawa.

Gantihan ako? Omg! Oo nga, ‘no? Paano nga kung gumanti nga ‘yon!

“Pero ang kapal naman niya para gantihan si Ylleina, soya kaya nagsimula. Gumanti lang din ‘tong si Ylleina kasi nakakarindi na siya. Kung ‘di siya nang-asar, e ‘di hindi sana siya nasiraan ng ID, ‘no!”

Kumalma naman ako, parang nabasa ni Kimmy ang nasa isip ko.

“Pero girl, we just wanna make sure, ‘no! Dapat alam natin kung sino’ng kaaway natin. Hahaha!”

“Sounds paranoid, pero tama si Ashley. Kailangan nating malaman kung may kakayahan ba siyang pahirapan ka sa school.”

“What do you mean guys?” ang taka kong tanong.

“Let’s stalk him!” sabay pa nilang sabi. Anobayan! Para kong kasama sila B1 at B2 nahiya pang lagyan ng “operation” ang plano nila.

Ang original plan na uuwi na kami ay nauwi sa pagpunta sa isang computer shop. Muntik pa nga kaming hindi makapasok kasi 5pm pa daw magsstart magpapasok ng mga Highschool studemt sa computer shop. Buti nalang sadyang malakas ang convincing powers namin kaya nakapasok kami sa loob. Hello~ kitang-kita naman sa ID namin ang schedule ng uwi namin ay 3pm ngayon, ‘no!

Si Ashley lang ang nagttype sa computer kami nasa tabi niya lang. In-open na niya ang browser at nagpunta na sa friendster.

“Ano fullname ni kuya?” tanong ni Ashley.
Inaalala ko naman ‘yong pangalan niya.

“G---Gian… ah! Giancarlo S. Montemayor!” ang sagot ko.

Tinype naaman niya pero walang lumalabas na account ng gano’n. Ay wala siyang friendster? Ang pulubi naman. Hahaha.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now