83. I'm staying...

344 7 0
                                    

83. I'm staying...

Ylleina's POV

Nang araw na iyon, tinawagan ko ang Mama ko at sinabi kong babantayan ko si Gian sa hospital. Medyo nagulat pa nga ako na alam na pala nila ito, noon pa. Hindi ko naman nagawang mapahaba ang pag-uusap namin dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari. Siguro, pag-uwi ko nalang.

"Matulog kana dun sa higaan, Ylleina. Gabi na." sabi ni Tita.

"Dito lang po ako, kailangan po ako ni Gian e."

Hindi na nia ako pinigilan pa sa kagustuhan kong matulog doon sa upuan... gusto ko kasi ako anng unang makikita ni Gian paggising niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umidlip ako.

*

"Ylleina?" napamulat agad ako ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

"G-gian! Gising ka na pala! Pasensiya na... ang alam ko iidlip lang ako e, nakatul--"

"Bakit ka nandito?" punung-puno ng pag-aalala ang itsura niya.

"Alam ko na Gian, alam ko na kung bakit mo yun ginawa..."

"Bakit ka andito?" naguguluhan na niyang tanong.

"I'm staying. I'm staying, Gian. Tanggap ko na at mahal parin kita. Please, hayaan mo naman akong gawin ito."

Sinubukan niyang umupo ngunit di niya kaya kaya tinulungan ko siya. Nakikita ko na nahihiya siya sa kalagayan niya. Pero pinakita ko sa kanya na wala namang nagbago.

"Hindi na ako pogi. Kalbo na ako. Kulubot pa ang balat ko. May leukemia ako at mamatay na ako. Ano panng gusto mo?"

Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ko siya.

"Hindi naman kita minahal dahil pogi ka e. Hindi dun nakabase ang pagmamahal ko para sayo. Alam mo ba? May natutunan ako kagabi ng makita kitang nakaratay diyan... Tinuruan mo akong magmahal ng totoo. Yung hindi dahil may dahilan ako para mahalin ka kundi kahit walang kadahi-dahilan... yun parin an nararamdaman ko para sayo."

"Nakakatawa, ano? Ambata-bata pa natin pero naturuan mo na akong tumingin beyond what eyes can see... Eto pala yung pagmamahal na unconditional. Kaya Jagiya, mamahalin parin kita. Kahi ipagtabuyan mo ko, kahit na sungitan mo ko, kahit di mo ko harapin... I'm staying. Please let me stay."

Nakita ko na may namumuong mga luha sa magaganda niyang mata. Pinipigil niyang umiyak.

"Kahit mamamatay na ako?"

Then it clicked again.

He is dying. Hindi ko na siya matagal makakasama. Mawawala siya sa akin. Iiwan niya ako. Iiwanan na naman niya ako at kapag iniwan na niya ako... hindi na siya makakabalik pang muli.

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Sorry Ylleina, I became selfish. Akala ko kasi okay na ang lahat e. Akala ko magaling na ako. Kaya pinilit kong maging tayo. Kahit walang kasiguraduhan, niligawan kita... minahal kita. Pero lahat pala ng pangako ko sayo hindi ko matutupad. Ylleina, I'm dying. Hindi ako magtatagal. Iiwanan na naman kita!"

Patuloy lang sa pagluha ang ma mata ko. Nakayuko ako at hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.

"Pakawalan mo na lang ako, Ylleina. Live your life. Magmahal ka ng iba."

Hindi ko napigilang yakapin siya,

"Hindi ko kaya e. Kung kaya ko lang, noon ko pa ginawa. Kung pwede lang, noon pa ako lumayo. Mahal kita Gian, please hanggang buhay ka tuparin mo ang pangako mo sa akin na mamahalin mo ako... habang buhay ka pa. Martir na kung martir. Pero hindi kita kayangg iwan, ngayon pa? Ngayon pa na nanhihirapan ka at nasasaktan. Ako ang magiging kalakasan mo. I'm staying as long as I could."

Niyakap ako ni Gian ng mga oras na iyon at lahat-lahat ng pains ay nawala na parang hinigop ng mga yakap na iyon.

"Mahal kita Ylleina, habag buhay ako paparamdam ko yun sayo."

"Mahal na mahal din kita Gian..."

*

Matapos ng pag-uusap naming iyon ay umuwi ako ng bahay. Kinausap ako ng mga magulang ko.

"Kailan niyo pa nalaman?" tanong ko sa kanila.

"Actually anak, alam na namin nung humingi siya ng permiso na ligawan ka..."

Tumulo ang luha sa mga matako ulit. Alam na pala nila noon pa? Ako na lang ba ang hindi pa nakakaalam nun?

"Pinayagan namin siya dahil na rin sa determinasyon niya... at dahil sa naramdaman namin na tapat talaga siya sayo. Pero hindi namin inaasahan na ganto an mangyayari..."

"Okay lang po ako, Ma. Wala naman pong nagbago sa amin e. Mahal ko parin po siya... hayaan niyo po na habang buhay siya ay maipakita ko na sa kanya ang pagmamahal kong iyon. Pakiusap po."

Niyakap ako ni Mama at ni Papa naramdaman kong binigay nila ang blessing sa amin ni Gian.

*

Matapos kaming mag-usap ay nagpahinga ako sa kwarto at kinontak ang barkada.

"Puntahan niyo ako sa bahay mamayang 5pm. May pupuntahan tayo." ang sabi ko sa text. At hinayaan kong magpahinga ang pagod kong katawan.

*

~JCforever

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now