22. Nakalimutang Pangarap!
Badtrip ako! Nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay ng araw na iyon. Wala akong nagawa para habulin ang pangarap ko, para kausapin siya.
Napakataas parin ng pride ko. Pwede naman akong pumunta sa kanila, pwede ko naman siyang itext pero parang may pumipigil sa akin... para bang may nagsasabing bitiwan ko na ang pangarap na ito.
Tutal, Kaibigan lang naman ako e. Tutal, wala namang magagawa kahit ipilit pa.
Nakita ko ang phone ko pag-uwi ko. Gustung-gusto ko siyang itext pero nauunahan ako ng takot, ng kaba... ng hiya. Badtrip!
Nakatunganga lang ako sa phone ko... naghihintay na may--
One Message Received...
Siya kaya to? Sana siya nalang... Please siya na lang po!
Kinuha ko amg cellphone ko at binasa
From: Gorge
Sumakit ang puso ko, hindi ko nalang ito binasa... Para ano pa? E, hindi naman siya... :(
Naging emo na naman ako. Ang hirap ng posisyon ko, maarte na ba ako?
Gusto ko talaga siyang mahalin... Pero sa tuwing naaalala ko na kaibigan lang niya ako ay nasasaktan ako.
First time ko kasi e. Kaya hindi ko alam ang dapat kong gawin.
Gian... What to do?
Maaari bang pakawalan na lang at kalimutan ang pangarap?
![](https://img.wattpad.com/cover/3164815-288-k500103.jpg)
YOU ARE READING
MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!
RomancePerslab. Hmm. Aminin, may binansagan ka nito. Siya yung unang-unang tao na trinato mong espesyal, higit pa sa crush... : ) Pwedeng hindi naman kayo nun, pwedeng one-sided love affair lang... yung tipong ikaw lang ang nagmamahal. Pero meron ka, at sa...