80. Floating Emotion

334 7 0
                                    

80. Floating Emotion

Ylleina's POV

"Gian!"

Nagising ako mula sa masamang panaginip. Hindi ko alam kung panaginip lang ba talaga yun o ano.

"Akala ko totoong nangyari... Akala ko totoong nakikipagbreak sa akin si Gian."

Nagpunta ako ng CR at laking gulat ko na suot ko yung damit na suot ko sa panaginip ko. Oh hinde, ibig bang sabihin?

"Ylleina..." tinawag ako ni Mama mula sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya.

Namuo ang mga luha sa mga mata ko, pinipiglan ko itong tumulo.

"Ma!" akalain mong nandito ang nanay ko sa oras na kailangan ko siya. Akalain mong mandio ang nanay ko sa oras na kailangan ko siya, "Ma, si Gian! Ma... ang sakit!"

Inaamo lang niya ako na parang alam niya ang nangyari sa akin ng gabing iyon.

"Alam ko na anak, tahan na." niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

"Paano niyo po nalaman? Paano po ako nakauwi? Hiantid niya--"

"Si Pau ang nagdala sayo rito at siya ang nagsabi sa akin. Nawalan ka daw ng malay... at tinext siya ni Gian na sunduin ka."

Nasaktan ako sa sinabi ni Mama. Ganun na ba katigas ang puso niya at iniwan niya ako doon? Ni hindi man lang niya ako nagawang ihatid ng matino sa bahay.

"Ma, ang sakit-sakit po." hinagod ni Mama ang likod ko.

"Alam ko, anak. Alam ko."

*

Dahil kailangan ko parin pumasok kahit na hindi maganda angg lagay ng puso ko ay pinagpatuloy ko lang ang buhay.

Hindi naman ako ang unang babaeng iniwan ng taong pinakamamahal niya, hindi ba? Sabi nila, matatanggap ko din kalaunan pero kasi naman... first time ko to. Unang beses kong naranasan to sa tana ng buhay ko.

Unang beses kong pinagkatiwala ang puso ko sa isang tao... pero, pero bakit kasi hindi na pwede?

Hindi ko alam, siguro manhid na o martir o ano paman pero gusto kong malaman kung bakit ganun... kung bakit hindi na pwede.

Gusto kong malaman kung hindi na ba niya ako mahal... Ano ban nagawa kong kasalanan... Saan ba ako nagkulang o sumombra. Hindi ko na alam.

Nang malaman to ni Kimmy at Gorge.

"BADTRIP SILA! Iniisa-isa ba nial an barkada? SABI NA NGE E! Hindi kita dapat hinayaan dun sa lalaking yun!" ang pagmamaktol ni Gorge.

"Ngayon, ipagtatanggol mo pa sila sa amin? Aba naman Ylleina, MATINDE KA TALAGA!" sabi naman ni Kimmy.

Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila, ang reaksyon nila kumbakit sila nagkaganun. Nauuwaan ko sila pero... hindi ko alam. Naniniwala parin ako na magbabago ang sitwasyon, hinihintay ko na itext ako ni Gian at sabihing palabas lang ang lahat at niloko niya lang ako... na joke lang yun. Pero dumaan ang ilangg araw hindi na siya nagparamdam.

Hindi na siya nagpapapasok o  kahit sa sns, blinock niya ako. Pinatunayan niya nga na, kalimutan ako.

*

"Ako nalang, Ylleina. Ako nalang." nandito kami ni Pau sa isang fastfood.

Nakipagkita ako sa kanya isang araw matapos niya akong sunduin sa bahay.

"Tingin mo ba matutuwa si Gian? Si Ashley? O ako ba mismo magugustuhan na ikaw nalang... ni hindi ko nga kayang tumingin sa iba e tapos gusto mo ikaw nalang?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Hindi ako naparito para maging tayo... angg gusto kong malaman e kumbakit nagkaganun si Gian."

"Hindi ko masasagot yan." nakayuko siya.

"Edi dalhin mo ko sa kanya!" pinalo ko yung mesa at tumayo ako.

"Para ano pa? Para masaktan ulit? Mahal kita!" napatayo rin siya.

"Hindi mo ko mahal, Pau. Taliwas ang sinasabi ng bibig mo sa pinapakita ng mga mata mo... Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa akin? Alam kong si Ashley ang lama niyan, bakit ka ba nagpupumilit? Pinagawa ba to ni Gian para idivert ang feelings ko?"

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

"Basta... dahil wala na kayo. Liligawan na kita." at nauna siyang umalis sa akin.

*****

Can't say anything. :((

Thank you for almost 15K reads. Malapit na tayo sa katapusan! </3

~JCforever <3

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now