66. Last day.

520 14 2
                                    

66. Last day.

YLLEINA'S POV

"Weh? Seryoso? Hindi nga? Anobanamanyanoh!?" tuluy-tuloy ang tanong ko kanila Ashley sa binabalak nilang gawin.

"Syempre kailangan may pa-keme ka bago kami umalis." sabi naman ni Kimmy.

"Bago kayo umalis?" naguguluhan ko naman tanong.

"Tss, Hindi ko alam sayo Ylleina kung naka-drugs ka ba o sadyang slow ka lang? Iwasan ngang suminghot ng rugby, pwede? Syempre! Araw ng mga patay no... alanganamang hindi kami dumalaw? May pamilya din kami... tss. Mahirap na kung sila ang dadalaw dito no." litanya ni Ashley.

"Pasensiya naman ah... bangag pa e. Kagigising ko lang yan agad ang binungad niyo sa akin." sabi ko naman.

Alam niyo ba kung bakit ako naloloka sa plano ng mga kaibigan ko?

Susupresahin ko lang naman daw si Giancarlo! Okay. Anong meron?

"HAHAHA! E dapat mo talagang gawin kay Gian yun ano!" sabi ni Kimmy, "Aba girl! Andae ng hirap sayo nung tao no... lagi ka nalang sinusundan... pati kami nadadamay."

"True." sang-ayon ni Ashley.

"WOW! Lagi rin naman niya kasi akong iniiwan e, so kailangan talaga niya akong sundan. Hahaha!" sa tawa ko e hindi ko nasalag ang batok ni Ashley.

"Aray ko ah~! I love you too." sabi ko.

"Basta! Kailangan nating paghandaan ang huling araw namin... mamaya pag sinamahan ka namin sa puntod ng lolo't lola mo e, aalis na rin kami."

Ako naman ito si dakilang taga-OO nalang sa mga to.

*

Naglalakad kami dito sa may bayan dahil nga sa naghahanap ako ng pwedeng ipabaon kay Gian. Hindi ba sapat na yakap nalang na mahigpit o di kaya isang hagupit? Hahaha.

"Wala akong maisip na pwedeng ibigay kay Gian..." sabi ko dun sa dalawa.

"E san ba mahilig si Bebe mo." sabi ni Kimmy.

"Hindi ko alam e... sa akin? Oo, mahilig siya sa akin... ibalot niyo nalang kaya ako?"

Tinignan naman ako ng dalawang to ng naiinis na tingin.

"Okay~Okay~ Maghahanap na."

Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung anong ibibigay ko sa kanya. Ni hindi ko alam kung ano ba ang magugustuhan niya o ang hilig niya... Shems! Hindi ko alam talaga. Huhuhu.

Siguro naman kahit ano, ikatutuwa niya pag binigay ko diba? Di naman maarte mga lalaki diba po?

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now