41. To bring you back.

770 14 0
                                    

41. To bring you back.

Ylleina's POV

12:04AM. But still I am wide awake.

Geez! Hindi ko maintindihan sa lalaking to! Parang walang nangyari nung 2 taon na iniwan niya ako at walang anumang komunikasyon mula sa kanya. Kapal din talaga ng mukha! at eto siya, babalik siya na parang akala mo... required na bumalik lahat sa dati nung iniwan niya?

Hindi kasi mawala sa isip ko ung sinabi niya e.

"I'm ready to get it back... to bring you to me."

"I'm ready to get it back... to bring you to me."

"I'm ready to get it back... to bring you to me."

"I'm ready to get it back... to bring you to me."

Paulit-ulit to sa utak ko. Geez! Hindi ko na talaga malaman kung anong gagawin ko. At naiirita ako kasi nung sinabi niya yun I feel it again... that familiar feeling.

Namula ang mukha ko, parang bumalik na naman ang mga paru-paro sa tyan ko at narinig ko na naman to, yes for a very long time I felt that my heart beats.

Hindi ko alam kung bakit sat oo dinami-dami naman ng tao sa mundo ay sa kanya ko pa to naranasan... kakainis. At sa dinami-dami ng taong mananakit sa akin, siya din yun.

After nung scenario sa class room namin ay dumiretso kami sa canteen. Sabay kaming kumain. Usual lang. Walang nagsasalita sa amin... maingay ung canteen actually pero mas nakakabingi pala ugn katahimikan sa amign dalawa.

After naming kumain pumunta kami sa garden... oh that place, parang nagpapaalala pa lalo...

At ginamitan niya ako ng makapangyarihan niyang excuse "Sabi ni Maaam..." blah blah blah!

Hindi ko alam kumbakit parang wala sa kanya ung ginawa ko kahapon. Parang siya ata ung nagpaamnesia. Para ngang gusto niyang maging normal ulit ang lahat. Desidido nga ata siyang kunin ang lahat... ibalik ang lahat sa dati.

Tinuturuan ko siya at pinaphotocopy namin lahat nung notes ko. Hmmm. Nakakaasar dahil bigla akong naging tutor ng taong to, ung pinakaayokong makitang tao ulit.

Ewan ko ba. Hindi pa tapos ang tadhana sa pang-iinis sa akin. Wiws.

Kung anu-ano lang naman ang mga pinagtuturo ko sa kanya...

Hanggang sa di namin namalayan na tapos na ang oras ng vacant namin at kailangan na naming bumalik sa class room.

"Salamat, Aein ah."

Tsh! Heart beats fast again... that endearment again! Ano nga meaning nun?

"Wag sa akin... kay Maam." I said coldly. At nanguna na ako papuntang class room.

As usual, hinabol niya parin ako.

"Sabi ng sama ako e..." para siyang batang ewan. Bahala siya.

"Sa CR sasama ka pa?" sabi ko naman.

"Pwede?" and he gave me that nasty smile!

Inirapan ko lang naman siya at bahala siya sa buhay niya! Ewan ko ba sa lalaking to.

Even After ng class namin, sinasabayan parin niya ako pauwi at hindi ako kapagtiis at napasakay ako sa tricycle ng wala sa oras. Para lang hindi siya makasabay

Pero dinig na dinig ko parin ung sigaw niya na...

"Seryoso ako Aein. I will make it happen... again!"

Aish! Nakakairita.

Pero mukhang effective ang tactics niya dahil simula pag-uwi ko ay hindi ako nakakain at iniisip ko yun hanggang ngayon. Hanggang ngayon.

Talked about moving on huh?

*****

A/N

Wait ah! Magkaka-Gilleina moments din :D Syempre medyo kailangan may gantong moments... unawain niyo si Ylleina, nasaktan siya! Nasaktan! Wooooo! Hahaha! Hugot! :p

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now