50. Train of Thoughts!

605 10 0
                                    

50. Train of Thoughts!

YLLEINA'S POV

Hindi na nawaglit sa isip ko ung sinabi ni Gian na iyon. Kahit pa sinabi niya na joke lang yun, parang may kakaiba padin e.

Nothing's change. Sweet parin siya sa akin at kahit nasa school na kami ulit ay makikita mong consistent siya sa feelings niya para sa akin.

Nasa gym kami ngayon. PE namin. Wala pa kasi ung teacher namon e, tapos napagtripan ng mga boys na magbasketball... syempre kasama si Gian.

Habang pinapanood namin sila, kada pagsshoot ni Gian ng bola ay tumitingin siya sa akin. Napansin naman yun ng mga kaklase ko kaya mas lalo kaming pinagttripan.

Maririnig mo ang tilian ng iba, pangungulit ng ilan at pangangantyaw sa amin ng karamihan. Kinakantahan pa nga kami e, pangbackground song lang daw.

Magaling talagang maglaro si Gian. Sinasaliga siya sa varsity team e, halata namang gusto niya pero humihindi parin siya. Ano kaya yung pumipigil sa kanya?

"HI DANGSHIN!" sigaw ni Pau.

At bago pa ako nakareact ay nakalapit na siya sa akin.

"Hello, Pau!"

Hinanap agad ng mata ko si Ashley wala parin siya nasa canteen pa kasama si Kimmy.

"Wala kayong klase?" tanong ko sa kanya.

"Wala e. Tapos nakita ko sila Ashley sa cafeteria kumakain sila... sabi naglalaro daw si Gian ng basketball kaya ayun, pumunta ako dito."

He really admire him. Ang sweet naman ni Pau sa kapatid niya, I wish I had one.

"Sali ka dun." aya ko sa kanya.

Umiling siya.

"It's not my style. Masaya na akong nakikita kong naglalaro na ulit si Gian."

Nagkkwentuhan kami at nawala ang focus ko sa laro ni Gian ng magsigawan sila.

"Anyareeeee?"

"Oh my Giaaaaaaan!"

Automatic na napalingon kami ni Pau kay Gian.

"Gian!" ang nasambit ko.

He fainted. I was stunned. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngunit mabilis na tumakbo si Pau at binuhat ang kapatid.

I never thought na mabubuhat nita ng ganun si Gian.

"Dangshin, pakisabi sa nga teacher niyo inuwi ko na si Gian ah?"

"Pero? Hindi mo nalang siya dadalin sa clinic?"

Umiling lang ito at madaling tumakbo.

Gusto ko sana siyang sundan pero takot ako sa dugo.

Oo, nagdugo ang ilong ni Gian sa nangyari.

Ang I think hindi maganda ang lagay niyang iyon.

*

Mabilis gumalaw ang oras at nasa bahay na ako pero hindi parin nawawala sakin yung pag-iisip sa tunay na kalagayan ni Gian.

May kinalaman ba yun sa pag-alis niya 2 years ago?

E ung mga statement niya sa beach?

Yung pagiging sentimental niya?

May kinalaman ba ang lahat ng yun.

Hanggang ngayon hawak ko pa ang cp ko. Tinext ko kasi si Pau na iinform ako sa kalagayan ni Gian pero until now wala padin e.

Patulog na sana ako ng magring ang fone ko.

Pangalan ni Gian ang nakaflash sa screen at tinatawagan niya ako.

Nabuhayan ako ng diwa ng mga oras na iyon.

"Hello? Hello Gian?"

"Hi Aein! Pasensya ka na kung pinag-alala kita ah. Fatigue lang daw. Kalma kalang, mamahalin pa kita."

Napangiti ako at nagpasalamat sa Diyos dahil okay lang siya.

"Hehehe. Patunayan mo. Sige bukas nalang!"

At pareho na naming binaba ang fone.

I was hoping na umookay na ang lagay niya pero bakit ganun? Kinakabahan padin ako?

*****

∩__∩∩__∩

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon