49. Kill me now!

632 8 1
                                    

49. Kill me now!

YLLEINA'S POV

"Waaaaaaaa! Hindi ko kaya yaaaaaan! Iba na lang please... ayoko! Pramis! Mamamatay ako pag pinilit niyo ko!"

Nababaliw na sa kakasigaw si Pau dahil magzzipline kami... yung pahiga, pa superhero style.

Partner-partner naman kasi nauna na sila Kimmy at Gorge tapos sila Pau at Ashley naman ang sunod.

"Kadiri ka! Kalalaki mong tao takot ka sa heights? Para kang batang ewan... dyan ka na nga!"

Naku banas na ung kaibigan ko.

"Anobayan? Hindi pa man kayo... LQ na agad? Lupet lang ah?" ang panloloko naman ni Gian sa dalawa.

"Shatap! Gusto ko 3 tayo. Gusto ko kasama ko si Dangshin!"

"Paano naman ako?" lungkot na sabi ni Ashley.

"Hmmmm... edi kayo ni Manong! Hmp!"

Nakakatawa talaga... parang bading tong si Pau kumilos. Ang pogi pa naman. Hahaha!

"Bahala ka sa buhay mo!"

Hinawakan naman ni Ashley ang kamay ni Pau at umatras at tumakbo. Nakasuot na kasi kami ng safety gear kaya di na nakapalag si Pau. Mabilis din ang mga pangyayari kaya...

"WAAAAAAAAAAAH! I HATE YOU ASHLEEEEEEEEEEEEY! RAWRRRRRRRRR!"

Yan nalang ang tanging narinig namin ni Gian mula kay Pau.

"Napakapalengkera talaga nung bading na yun!" umtag ni Gian, "Ready ka na ba Aein?"

Actually, may fear of heights din ako. Pero pag kasama ko si Gian parang naoovercome ko ung fear ko. I feel safer.

Tumango lang ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Pero inalis niya ang kamay ko. At siya ang humawak nito.

"Eh? Ganun din naman yun!"

Ngumiti lang sa akin si Gian.

"Magkaiba yun, kasi kapag ikaw yung humawak sa akin baka sa sobrang takot mo bumitaw ka... pero ako kapag ako ang hunawak sayo kahit anong mangyari hinding-hindi ako bibitaw sayo."

Mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"Tara na! Marami pa tayong gagawing memories together. Let's make many today..."

At sabay kaming tumakbo.

Nakakatakot pero hindi ko alam mas mas panatag ang loob ko ng magkahawak kamay kami. Maingay ngunit mas mas maingay ang pintig ng puso ko.

Pangako, pag tinanong mo ako kung mahal na kita... di na ako magpapatumpik-tumpik pa.

*

Sa dulo ng zipline ay may rapelling naman na 4 feet. MAS NAKAKATAKOT ATA TONG TIGNAN KESA SA ZIPLINE.

At tulad ng unang nangyari naabutan na naman namin sila Ashley at Pau doon.

"May balak ka talagang patayon ako no? Huhuhuhu!" ngumunguso pa tong si Pau kay Ashley.

"Magtigil ka nga! Parang yan lang, ikamamatay mo ba yan?" sigaw namannl ni Ashley.

"OO! KILL ME NOW!"

"Ayoko mamahalin pa kita!"

And with that naiwang nakahang si Pau pati kami ni Gian.

Hmmmmmm. May gusto si Ashley kay Pau? Ang sarap maging cupid nito. Kekeke!

"Oy! Wait! Totoo ba yun? Mahal moko... Ashleeeeeeey!"

At walang anu-ano'y bumaba si Pau para sundan si Ashley. Hahaha. Yun lang pala kailangan niya.

Bigla naman akong binackhug ni Gian. Ang lalaking mahilig sa back hug!

"Kainggit! Kailan kaya ddamoves sa akin si Aein ko?"

Sa taranta ko ay nasabi ko tuloy...

"Pag namatay ka na!" tapos umakto na akong bababa.

"So malapit na?"

And he weakly smile then give a bright smile again.

At naunahan niya akong bumaba.

*****

Gets nyo? Wahahahahahahahaha! ≧﹏≦≧﹏≦

~JCforever

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now