86. Magandang Surpresa...

373 10 0
                                    

86. Magandang Surpresa...

Ylleina's POV

"Jagiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~" Masaya ang bungad ko kay Gian ngayon. Ayoko naman kasi na nasstress siya kapag malulungkot ako e. Kaya nagddrama ako pagtulog lang siya.

"Kamusta ang pinakagwapo kong boyfriend sa buong mundo?" niyakap ko siya ng bonggang-bongga.

"Eto kalbo, kul--"

"Hay! Nega mo! Nega mo! Awooooo~ Ayokong nag-nenega ka sa harapan ko ah! Gusto ko happy ka lagi! Tara kain ka na!"

Natawa naman siya kasi sinayaw ko pa yugn choreo ng EXO sa Wolf habang pinapagalitan ko siya.

"Ang swerte ko talaga sa Misis ko~" sabi niya sa akin. Syempre ako naman namula. Nakakainis naman tong kalbong to, kung magpakilig... EFFECTIVE!

"Misis ka diyan! Bata pa tayo no! Kalokaaaaa!" at hinanda ko na yung pasalubong ko sa kanya.

"Sus! Kinikilig ka naman!" 

Habang hinain ko sa kanya yung paborito niyang pancit malabon, ddukbboki at banana cue ay binabara ko lang siya.

"Wiws! Sabi na nga ba't magaling ka na e! Ilabas mo na yang buhok mo... HAHAHA! Nang-aasar ka na e! Kahit kailan talaga ang bully mo! Bully lord!"

Sinubuan ko naman siya ng pancit malabon.

"Wow! Luto mo to?" tanong niya.

"Oo. Luto ko yan." simpleng sagot mo.

"Lokohin mo ang lelang mo, ni hindi ka nga marunong mag-prito ng itlog no!"

Grabe to! Ang hard!

"Hoy kapal mo! Nagluluto ako no! Nakapagluto na nga ako ng Afritada no!"

"Sabi mo e!" sabi niya, "Pero ikaw talaga nagluto? Ang sobrang sarap naman!"

Gusto ko siyang paluin pero nagpapadyak nalang ako sa sahig.

"Kastressssssss! Oo na! Oo na! Hindi na ako ang nagluto. Ambad-bad mo talaga Gian! Everrrrrrrrr!"

"Mahal mo naman!" sabi niya.

"Buti alam mo... Aigoo~" nakakainis talaga nadudulas pa ako inaasar niya tuloy lagi ako.

"Hoy magkapikunan kayo diyan!" sabi naman ni Gorge na kararating lang.

"Oy pre! Amisyu!" mukhang masayang-masaya si Gian ngayon.

Lumapit sa amin si Gorge at sila naman ang naglolokohan ni Gian.

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon