74. Love is...

409 10 0
                                    

74. Love is...

Ylleina's POV

Sabi nila, "Love is patient."


Handa ka daw maghintay kahit gaano katagal... as long as mahal mo yung hihihintay mo. Ilang beses ko ring pinaghawakan ang mga katagang yan pero, nakakapagod din pala.

Mag-iisang linggo na rin simula ng birthday ni Gian at hindi pa kami nagkikita. Naduischarge na daw siya sa hospital pero hindi parin kami pwedeng magkita. Minsan naman hindi ko mahagilap si Pau dahil nga marami na rin kaming inaasikaso. Nakakalungkot dahil magpapasko na at wala parin akong matinong balita sa kanya.

Iniisip ko nga kung iniisip niya ba na nag-alala ako sa kanya. Na namimiss ko na siya. Andun na naman yung takot ko na baka sa pagkakataong ito tuluyan na siyang mawala sa akin.

Sounds paranoid pero ganto talaga ang nararamdaman ko e.

FIrst time ko kasi... First love nga diba? Unang beses kong pinagkatiwala sa isang tao ang puso ko kaya anong ini-expect niyo na expectation ko?

"AYOKO NA!" nagulat ako ng bigla kong narinig ang pagsigaw na yan dito sa garden. Napatingin ako sa pinagmumulan ng tinig at nakita ko na umiiyak na si Ashley.

"Be, bakit?" nakita niya ako at tumakbo siya at niyakap niya ako.

"Be, si Pau! Bakit ganun si Pau!"

"Anong meron?"

Hindi ko maunawaan pero after nung videoke party ni Pau okay naman sila at nagsimula ng magligawan yung dalawa. Nararamdaman ko din na mahal na nila ang isa't isa at kamakailan nga e nalaman namin na sasagutin na ni Ashley si Pau sa araw na ito, pero ano tong nangyayari ngayon?

"Si Pau... sabi niya... hindi na daw niya itutuloy... ayaw daw niya... ang sakit-sakit! Kung hindi niya ako gusto in the first place, bakit niya pa ako binigyan ng hopes na magiging kami din! I've invested a lot... a LOT! I've invested emotionally... physically... financially.. materially... pero bakit? Bakit ganun!? Ano bang nagawa ko para saktan niya ako ng ganto!"

Hindi ko alam kung anong pinakamainam na pag-comfort ang gaagawin ko sa kanya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong mga salita ang sasapat para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nanaramdaman niya...

Dahil pano ka makakapagpahilom ng sugat kung isa ka rin sugatan?

"Be, mahal na mahal ko na talaga si Pau e! Hindi ko nga matiis na hindi siya sagutin... tapos... tapos... waaaaah! Be ang sakit talaga sobra. Sobra-sobra!"

Naramdaman ko yung pain niya sa mga oras na ito. Ang sakit-sakit nga na malaman na parang binasura lang yung feelings mo.

"Be, matatanggap ko kung ayaw naman niya talaga sa akin e... okay lang sakin kung hindi naman niya ako gusto. Pero yung pinasa niya ako, pinakitaan niya ako ng motibo para mag-assume... yun yung masakit! Para kasing... hindi parang e! PINAGLARUAN NIYA TALAGA YUNG FEELINGS KO! Parang pinakita niya sa akin na umikot ang mundo ko sa kanya... poging-pogi siya masyado sa sarili niya!

MY PERSLAB: High School Love Story - REVAMP!Where stories live. Discover now